CHAPTER FIFTY-TWO

Start from the beginning
                                    

"Kaya nga nandito ako para pasalamatan ka. Dahil binuhay mo ako." Saka ako bumulanghit ng tawa.

"Please ... umalis ka na." Pakiusap ni Julia. Umiiyak ito habang nakatingin sa akin. "You already have Kathy, ano pa bang gusto mo? Kailan ka ba titigil?"

"Yes, maybe you're right. I have her but I don't have her heart." Mariin ko siyang tinitigan. "And you. You will marry this demon who doesn't even have the slightest feelings for you anymore."

"Wala ka ng pakialam pa don. It's my decision and it does not have anything to do with you. So mind your own business, Erick and leave us alone!" Sigaw niya.

"Sure. Sure." I nodded. "Gusto ko lang sabihin diyan sa demonyong kasama mo na pinuntahan siya ni Kathy sa silid niya. Too bad, hindi niya nakita."

"W-What are you talking about?" Nagtatakang tanong ni Damon sakin.

"Ohh. Biglang naging interesado ang demonyo." Muli akong tumawa. "I gave her the chance to see you. At sinigurado ko na di niyo siya makikita o mararamdaman man lang. How cruel, isnt it?"

"Ahhhh!"

Sumugod si Damon para suntukin ako. Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko sa pagaakalang hindi ako masasaktan sa suntok niyang iyon dahil isa siyang tao. Pero laking gulat ko nang buong lakas iyong tumama sakin. Dahilan para dumugo ang labi ko.

Napaluhod siya habang humahangos.

Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kamay kong may dugo nang kapain ko ang parteng iyon ng mukha ko. Dahan-dahan akong tumingin sa kanya. "W-What the --"

"I am Damon, the devil's son. And I'll come for you Erick. I'll fvcking feed your soul to my sinners."

Napaatras ako nang magbago ang boses ni Damon. Lumagong ito na animo'y nanggagaling sa pinakailalim ng impyerno.

Dahan-dahan siyang tumingala at tumingin sa akin. Nakaramdam ako bigla ng takot nang bumungad sa akin ang itim at nanlilisik niyang mga mata.

"You will rot in hell!" Sigaw niya.

"Ahhhhhh!"

Parang akong biglang tinangay nang malaking buhawi sa lakas ng hangin na tumama sa akin. Napapikit ako habang hinahawi at nilalabanan ang malakas na hangin na iyon.

Hanggang sa bigla na lamang akong tumama sa pader. At bumagsak sa sahig. Nabali yata lahat ng buto ko sa katawan dahil halos hindi ako makabangon.

Hindi ako makapaniwala ng idilat ko ang mga mata ko. Naibalik ako ni Damon sa lugar kung saan ako nagmula. Kahit hirap na hirap ako ay pinilit kong tumayo at agad na pinuntahan ang silid ni Kathy.

I was relieved when I saw Kathy still asleep.

Paanong nagawa ni Damon iyon?

Paano nagawa ng isang hamak na tao ang ganoong kalakas na pwersa?

Bumalik na ba ang pagiging demonyo niya?




[DAMON'S POV]

"DAMON!" DAMON!" Pinilit kong idilat ang mga mata ko nang maramdaman ko ang marahang pag alog ni Julia sa braso ko.

"A-anong nangyari? Nasaan si Erick?"

"Wala na siya. Napaalis mo siya."

Halos di ko maigalaw ang kanang kamay ko. Masakit iyon. Sobrang sakit. "Y-yung kamay ko, Julia. Yung kamay ko hindi ko maigalaw."

"Oh my God!" Bulalas niya. "Y-yung kamay mo!"

"B-bakit? Anong nangyari sa kamay ko??"

Iniangat iyon ni Julia.

"A-Ano to? B-bakit ganito ang kamay ko?! Hindi ko maigalaw!"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"A-Ano to? B-bakit ganito ang kamay ko?! Hindi ko maigalaw!"

Hindi ko masikmura ang itsura nito. May malaking sugat ito na hugis bituin. Halos kita na ang buto ko sa sobrang lalim nito. It's not a devil star but it looks like a fvcking star. Ano bang nangyari? Ano bang ginawa ko?

"Bigla kang nagbago Damon. Para kang naging isang itim na anino kanina. H-hindi ko inexpect na magagawa mo kaya Erick yon."

"All I remember was ... did I punch him on his face?"

Tumango si Julia. "Halika, tulungan kitang tumayo."

Nanlaki ang mga mata ko nang hindi ko maramdaman ang katawan ko. "J-Julia, hindi ako ... hindi ako makagalaw. Bakit di ako makagalaw??"

Pinilit akong iangat ni Julia pero hindi niya kayang mag-isa ang bigat ko. "Try to get up."

"I c-can't! I can't move!!! Julia, hindi ako makagalaw!!!"

Umiiyak si Julia habang pinipilit pa rin akong maitayo. "Lord please. Help us. Damon, get up."

"Bakit hindi ako makagalaw?! Julia!!!"

Mahigpit ang hawak niya braso ko pero di ko iyon maramdaman. Anong nangyari sakin????????

"I'll get a pillow." Pinunasan ni Julia ang mga luha niya bago siya tumakbo sa itaas para kumuha ng unan.

Nang makabalik siya ay dala na rin niya ang phone. Inilagay niya ang unan sa ilalim nang ulo ko hanggang sa batok. Nakaramdam ako nang bahagyang ginhawa sa ginawa niyang iyon.

"How to unlock your phone? I need to call Sthep!" Sabi ni Julia sa akin.

Ibinigay ko ang combination ng password.

She dialed the number.

"Hello?"

Julia put the phone on speaker.

"Sthep!"

"Damon? Buti naalala mo pa ako." Sagot niya sa kabilang linya.

"I need you. Please. Pumunta ka dito."

"Nasaan ka ba?"

"Nandito ako sa Laguna. Pumunta ka dito."

"Ano?! Nagbibiro ka ba?!" Sigaw niya.

"Magsama ka ng doktor. Hindi ako makagalaw. Tulungan mo ako."

"Bakit ako pa?! Wala bang ambulansiya diyan?!"

"Please, gawin mo na lang yung sinasabi ko!"

"Alam mo minsan hindi ko alam kung bakit ginagawa mong kumplikado ang mga bagay. Isipin mo ha, magdadala ako ng doktor diyan. Nasa bundok ka ba?!"

"Fvck! Gawin mo na lang inuutos ko!" Nauubusan na ako ng pasensiya.

"Okay. Ano bang address?"

"Julia will send the address."

"Okay, wait -- what?!"

"I'll explain later."

"Pero Damon ayokong makita ang ---"

"End the call." Utos ko kay Julia na ginawa naman niya. "Let's just wait for Sthep. She knows what to do."

Nanatili akong nakahiga habang nakatitig sa kisame. Hindi ko maaalala ang mga nangyari sakin kanina. Ang alam ko lang hindi ko napigilan ang sarili ko kaya ko sinuntok si Erick. Pagkatapos noon, wala na akong maaalala.

Hindi ako pwedeng maging inutil at manatili na lang na nakahiga dito. I only have a day to save Kathy. A day before the wedding. A day before Kathy's death.

Hindi pwedeng ganito.

Hindi ako pwedeng maging ganito.

The Devil's SonWhere stories live. Discover now