🌹 Chapter 75 : Leukemia 🌹

5K 119 10
                                    

Chapter 75 : Leukemia

Nagising nalang ako na may mga naka kabit sa katawan ko... Nasa Hospital pala ako.. Nakita ko kaagad si Scarlet na nasa tabi ko at mukhang naka tulog sya , si Lucas naman ay naka upo at tulog din...

Ano bang nangyari saakin?

"Ma'am.. Gising ka na po.." Masayang sabi ni Scarlet..

"Hmm.. J-jena.. Gising ka na? " sabi naman ni Lucas at sabay lapit saakin...

"Sir. Ito na po yung pinabili nyong Food.." Sabi naman ni Mavy na kakarating lang at may dala dalang Food..

"Mavy! Tumawag ka ng Doctor." Sabi ni Scarlet..

"S-sige.." At iniwan naman ni Mavy ang binili nyang Food sa Table..

"T-teka ano bang nangyari?" Tanong ko sakanilang dalawa..

"M-ma'am.. M-may sakit ka daw po.." Sagot ni Scarlet

Si Lucas naman ay naka tayo lang... At walang imik

"A-anong sakit?"

Bigla namang bumukas ang pinto at pumasok ang isang babaeng doctor..

"Doc. Anong sakit ang meron ako?" Pag aalalang tanong ko..

"May Cancer ka.. Leukemia..."

Napahawak sa ulo si Lucas at napatakip lang ng mukha si Scarlet... Si mavy naman ay napatalikod lang..

At ako naman ito... Biglang natahimik hindi alam ang gagawin...

"Matagal na ang sakit mo pero hindi mo nararamdaman... Sad to say na ilang buwan lang ang itatagal ng buhay mo pero pwede ka namang uminom ng gamot..." Sabi pa ng doctor..

Para saan pa? Kung ilang buwan nalang ang itatagal ko , ano ba ang nangyayari saakin? Pwede bang ibang sakit nalang.. Wag lang ang ganito? Gusto ko pang mabuhay at maranasan ang mga hindi ko pa nararanasan... Masyado pa akong bata para mawala dito...

"Sige.. Aalis na muna ako may aasikasuhin pa ako.." Sabi ng Doctor..

"Ma'am..." At hinawakan ni Scarlet ang kamay ko

"Ayoko pa mamatay , ayoko pang mawala.." Hindi ko na napigilan pa at umiyak na ako sa harap nila..

"S-sorry Jena.." Sabi naman ni Lucas..

"B-bakit ka nag so-sorry?" Tanong ko sakanya

"Hindi kita inalagaan ng maayos.." Sagot nya

"Hindi... Mali ka.." Sabi ko

"Wag na tayong mag sisihan dito... Ang kailangan nating gawin ay... Alagaan natin si Ma'am Jena.." Sabi naman ni Scarlet

Nag kamali ako nang nagawa kay Scarlet.. Dahil sya pa mismo ay tutulong saakin.

°°°Scarlet's pov.°°°

Kinabukasan inilabas namin si Ma'am Jena sa Hospital para igala namin sya ni Sir. Lucas sa Park...

"Nako.. Salamat kasi nandyan kayo para sakin.." Sabi ni Ma'am Jena

Tinutulak kasi sya ni Sir lucas sa Wheel chair at nasa gilid lang ako ni Ma'am Jena.

"Nako.. Wala po yun Ma'am.. " sabi ko naman..

Biglang nag ring ang Phone ko..

"Ah saglit lang po ha.. Tumatawag si Mommy... Sasagutin ko lang po.."

"Sige.." Ma'am Jena.

"Dito tayo sa Bench umupo" rinig kong sabi ni Sir. Lucas habang palayo ako sakanila..

My Teacher is  My HusbandWhere stories live. Discover now