🌹 Chapter 60 : He is the Ex of my cousin🌹

4.8K 97 37
                                    

Chapter 60 : He is the Ex of my cousin

Bumalik na kaming dalawa ni Yunna sa Room and late nanaman kami... Nag greet naman kami kay Sir. Lucas nag pretend lang ako na ok lang ako , because he didn't know na alam ko na ang lahat. Naka yuko lang ako nang pumasok pati si yunna baka mapansin ni Sir. Lucas na umiyak  kami...

Pinapasok naman nya kami at medyo galit sya , pero hindi ko alam kung ano ba ang nararamdaman ko ngayon... Nagagalit , naiinis , ewan ko.  Pag ka upo ko agad naman kaming tinanong nila jaid/bakla

"Anyare sainyo? Bakit ngayon lang kayo.. Eh 10 mins. Na kayong late.."

"Oo nga kayo ha hindi nyo manlang kami niyaya.." Mark

Nanahimik lang ako sa puwesto ko at naka tungo lang sa Desk ko ...

"A-ah.. Mamaya ko nalang ipapaliwanag.." Sabi naman ni Yunna sakanila..

"Ms. Taylor! Why your'e sleeping? Nag tuturo ako dito!" Rinig kong galit na sabi ni Sir. Saakin

Hindi ako makapag salita dahil ang sakit ng dibdib ko , pinipigil ko kasi na hindi umiyak . Baka kapag nag salita ako ay bigla nalang akong umiyak... At bumuhos ang luha ko dito , edi nag mukha pa akong tanga.. Eh hindi naman alam ng mga classmates ko na kasal kami ni Sir. Lucas , baka pag nalaman nila eh ! Mawindang nalang ang lahat saaming relation at ang iba ay tumutol pa , baka mag padala pa ang iba ng death threat eh ... Or  pag nalaman nila baka siraan nila ako , idamay pa nila ang family ko at pasabugin pa nila ang bahay namin...

"Sir. Masakit po ang ulo nya.." Sabi ni Serenity

Hindi ko alam kung paano nila yunna na kakayanan na makaharap ang taong nangloko saakin hanggang ngayon , at parang walang nangyari .

"Kung ganon bakit hindi ka dumiretsyo sa clinic.?" Tanong pa ni Sir. Lucas..

Sadyang manhid ba talaga sya..? Siguro nga.. Bakit pa nga ba ako umaasa na ako ang pipiliin nya saaming dalawa ni Ma'am Jena...

"Sir. Sasamahan nalang po namin sya.." Mataray na sabi ni Lala

"Sige na.." Cold lang na Sabi ni Sir.

Bakit wala sa tono ng boses nya na nag-aalala sya..?

"Tara na Scarlet... " sabi ni Zane

Tumayo naman ako at dinala ang Sling Bag ko,gusto ko nadin sanang dumiretsyo umuwi.. Pero hindi sa bahay namin ni Sir. Kundi sa bahay namin nila kuya...

Habang nasa Garden kami sinabi ko na sakanila na alam ko na ang lahat... Sabi ko din na uuwi na muna ako hindi ko na tatapusin ang 3 subjects ko.. Pagod na ako ...  Gusto nila akong ihatid pero sabi ko na kaya ko naman... Sabi ko na kay kuya ako de-deretsyo at hindi sa bahay namin ni Sir. Lucas..

Nang maka uwi na ako sa bahay namin ni kuya ... Medyo sumasakit ang ulo ko at hindi ako makahinga ng maayos kakaiyak habang nag lalakad ako pauwi , mas ginusto ko na mag lakad para makapag-isip ng mabuti.. Nang makarating na ako sa bahay agad kong hinanap si kuya...

"K-kuya?" Tinawag ko si kuya sa loob ng bahay...

Nang makita ko si kuya na palapit saakin at may kasamang babae ay bigla nalang akong nahilo at natumba..

Nang magising ako , nasa kwarto ko na ako na naka higa at may nararamdaman ako na nag pupunas ng braso ko ...

"S-sino ka..? Nasan si Kuya..?" Tanong ko sa isang babae ... Maganda sya , magandang babae , Sexy ang katawan nya , mas may laman naman ang katawan nya kesa saakin na buto't balat nalang , kulang nalang na liparin ako... Baka Girlfriend ni Kuya hehehe...

"A-ah.. saglit lang ha.. Tatawagin ko lang si John, wag ka muna tatayo baka may masakit pa sayo ... May lagnat ka kasi.. Pero hindi naman ganon kalala" Sabi nito saakin at lumabas sa kwarto ko

My Teacher is  My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon