🌹 Chapter 65 : Mavy Dion 🌹

3.6K 80 2
                                    

Chapter 65 : Mavy Dion

"ano na? hindi padin nakikita yung sinasabi mo na Mavy!" asar na sabi ni Yunna .. Sakanya lang ako nag pasama para ibalik yung Panyo.

"alam mo.. Naikot na natin buong Campus hindi padin natin sya nakikita.." sabi pa ni Yunna

"eh... alam ko new transfer sya eh... Narinig ko yun! sabi nung babae na tumawag sakanya na Mavy.."

"hayy.. Babalik na ako sa Room bahala ka na nga... Baka nag iilusyon kalang..."

"ok.. SaLamat sa tulong mo" sabi ko nalang...

"oii anong salamat ka dyan!.. May kapalit yon! libre mo ako mamayang recess..." mataray na sabi nya...

"huh!? ah! oo nalang ! sige mamayang recess"

"Yes!! Naka limutan ko kasi baon ko eh..hehehe..."

"Hahaha...baliw ka talaga..."

May klase talaga kami ngayon... Eh! Wala yung Teacher namin... Absent nanaman.. May problema daw sya eh..

Anyway... Hanggang ngayon  hindi ko padin na hahanap yung Mavy nayun! Nag tanong tanong pa nga ako eh... Sabi naman ng iba hindi nila kilala yun ... Ngayon lang daw nila narinig yung name nayon... And nag tanong din ako sa guidance kung saang section yung name na Mavy... Tinanong naman nila ako kung anong Last Name kaso sagot ko hindi ko alam... Hehehe. .

May sinabi naman sila kung saang Section , sabi sa Third Floor daw Section Lucky Star ... Hay! Kahilera lang pala ng Section ko , section Lucky Heart kasi kami eh ! bakit nga ba hindi ako unang nag hanap don!?? Huhuhuhu.

Umupo muna ako sa Isang Bench sa Quadrangle sa gilid , parang Waiting Shed pero ganon na nga yun hehehe...  In fairness parang pang Couple 'to ah! ... May mga naka Decorate na kasing Christmas Light , may mga garlands at kung ano-ano pa.

Ang bilis ng panahon ah! Hindi mo namamalayan na malapit na pala ang Christmas... Ilang linggo nalang pasko na.. Kita ko din na nag de-design na ang ibang studyante sa kani-kanilang Room , may ma gaganap nanaman kasing Party dito. Then pagandahan ng Designs ng Room may Premyo daw sa Principal kay Ms. Legaspi , Libreng Road trip , may camping din.. Hay! Sana manalo kami gustong gusto ko talaga ang mag Camping eh ... Kaso wala pang Design ang Room namin
-.- masabihan nga si Serenity sya naman ang President sa Room eh..

Umakyat na ako sa Third Floor at pinuntahan ang Room nung Mavy..

"Ah.. Hi! Dito ba ang Room ni Mavy?" Tanong ko sa isang babae na naka tambay sa Corridor..

"Ah.. Oo yung gwapong lalaki?" Masayang sabi nito

"Huh.."

"Saglit lang tatawagin ko..Buti wala yung parang linta nyang Girlfriend hehehe.. Wait lang ha."

Nag hintay ako saglit sa labas..

"Ah nandito na sya.." Sabi nung babae

Biglang lumabas ang Ideal Boy ko sa Room nila... Grabeeee matutunaw yata ako dito eh..

"Ah.. Hi! Ikaw pala.." Naka ngiting sabi nito saakin..

"Ah.." Pumikit muna ako saglit..

"Ok kalang ba? Anong ginagawa mo dito?" Tanong panya

Dinilat ko na ang mata ko.. At sinagot sya...

"Ah.. Ito na pala yung panyo mo.. Sa-salamat" woooo naka raos din

"S-salamat din.. " sabi din nya..

"Aalis na ako.." At sabay yuko sa harap nya aakmang lalakad na sana ako nang hawakan nya ang wrist ko...

My Teacher is  My HusbandWhere stories live. Discover now