Chapter 11: Right time

790 26 2
                                    

Yassie POV

Hello States . Bye Manila.
This is it. Ngayong nasa States na ako maaayos ko na ang buhay ko.

"Morning bes"

"Morning din bes"

"Bumangon kana dyan. Aasikasuhin pa  natin ang mga kailangan sa school." ito ang mahirap kapag umalis ka eh.. Pagpapaenroll na naman.. Andami dami na namang aasikasuhin..

"Sunod na ako sa baba bes . Pahintay na lang "

Pumunta na kami sa school na pageenrollan namin.

HOPE UNIVERSITY

pagkabasa ko sa pangalan ng school ng university.

PAG-ASA? Salitang masakit pakinggan kasi iyong akala mong may pagasang magtagal nawala , iyong pagasang kayo hanggang sa huli nawala na. Iyong akala mo meron pang kayo pero wala na pala..

"Oh bakit bes lipat na lang tayo sa iba gusto mo"

"Huwag na bes ano ka ba napuwing lang ako tara na"

Pagkapasok  namin.

Waaahhhh ang laki ng university parang nasa kalahati lang nito iyong university namin dati.

"Excuse me miss"
Sabi ni bes doon sa babaeng nakaupo

"Where is the registration here"
Tinuro naman ng girl kung saan kami magpaparegister.

Pwede na daw kami pumasok bukas sabi nila.

"Bes libot tayo dito" sabi ni evon

"Haha ikaw talaga hindi napapagod kakarating lang eh" hahaha kahapon lang kami dumating eh

"Sige na bes" sabi ni evon

At lumabas na nga po kami. Sumakay kami sa bus.

"Bes salamat huh salamat talaga. Bes promise mo huwag mo akong iiwan kahit anong mangyari huh. Nandiyan ka lang dapat sa tabi ko"

"Oo naman bes hindi kita iiwan palagi akong nasa tabi mo because bestfriends never leave each other"

Sabay tawa naming dalawa. Nakaserious mode kasi eh haha.

Bumaba na kami sa bus. Tapos pagbaba ko biglang may nakita akong lovers tas ang sweet nila. Ano ba paano ba ako makakamove on.

Tapos tiningnan ako ni bes na para bang sinasabi niya kung ok lang ako nagnod na lang ako sa kaniya.

" Bes picture tayo dito oh ang ganda" nagnod ako ulit tapos ayun nga nagpicture kami. May peace sign, dub at finger heart. Syempre hindi kami nawawala sa uso.

At may nakita akong kainan.

"Bes promise ko babawi ako next time"

"Oh bakit?"

Sabay turo doon sa pagkain. Wala akong pera eh.

"Bes ano ka ba huwag na"

"Hindi pwede" sabi ko

"O sige bayaran mo huh hanggang sa una mong utang kailan ba iyon nung last year pa ata iyon"

"Bes naman" sabi ko

"Hahahaha" sabay naming tawa

"Tara na nga doon mamaya maubusan pa tayo"

"How much is this?" Sabi ni bes. Wow english hahaha. Sana all fluent..

"2$ 3 pieces"

"Can i have 6 pieces on that then ikaw bes ano sayo" sabi niya sa akin

" Magkano to bes" sabay turo ko dun sa pagkain na gusto ko

"How about this?"

"1$ each"

"Give me 10 pieces"

Pagkatapos namin bumili lumabas na kami kasi plano naming maglibot sa mga pasyalan dito sa States.

"Bes punta tayo doon sa rides oh"

"Sige bes doon tayo sa ferris wheel"

Tatawa pa ako na nababahala kasi naman eh siya iyong palaging nagbabayad ng mga gagastusin namin.

Ang swerte ko talaga sa kaniya.
Sumakay na kami sa ride. Pero hindi naman ako iyong taong mapangabuso..Balang araw lahat ng binigay sakin ni best masusuklian ko rin..

"Bes paano kung ginawa lang niya iyon dahil para iyon sayo?"

"Pano bes ni wala nga siyang iniwan na kahit ano para malaman ko kung bakit eh" sabi ko

"Paano lang naman" sabi niya

Paano nga ba? Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam. Hindi ko alam.

"Huwag mo ng sagutin" naalala ko bigla iyong sinabi niya sa akin

'Don't you ever forget that I Love you ya ikaw lang..' kung ako lang bakit niya ako iniwan

EVON POV

"Evon sana maintindihan mo may banta si Mica kay yassie baka kung ano gawin niya kay yassie ito lang ang alam ko.Hayaan mo ng kasuklaman niya ako basta ligtas siya Pakiusap evon"

"Pakisabi mabal na mahal ko siya"

Biglang pumasok iyan sa isip ko.

Sabi niya itatago ko na lang daw eh bakit pa. Baka nga kasi ayaw niyang masaktan si bes.

Oo nagpagisip isip ko din. Sasabihin ko na lang sa kaniya in the right time iyong di na siya nalulungkot. Baka pagsinabi ko masasaktan lang siya. At baka mapahamak pa siya

"Bes sorry"

"Oh bakit ka nagsosorry ako nga dapat iyong magsosorry eh kasi pabigat ako sa iyo"

"Tara na nga uwi na tayo" dagdag ni yassie

Umuwi na nga kami.

Maaga pa kami bukas kaya deretso na kami sa kwarto hapon na kasi kami nakauwi.

***********************

Sana po patuloy niyo pa pong basahin iyong next chatper. Maraming maraming salamat po sa mga nagvovote at nagfafollow sa akin. Love you guys.

BE WITH A MODEL GUY(BOOK 2)Where stories live. Discover now