Chapter Eighteen

2.4K 58 4
                                    

"For your finals, each of you should pass a maximum of three plates with a minimalistic theme. That's all. Class dismissed."

 Wala talaga akong masabi dito sa professor na 'to. Three hours ang period namin sa kanya pero lagi siyang undertime at palaging homework and stuff lang ang pinapagawa nya sa'min. Ang demanding pa sa plates. Sakit sa bangs.

"Cheska, gusto mong sumama sa'min? May bagong bukas kasing bar malapit dito eh. Tutal malapit ng mag-finals, alam mo na." Sabi ni Aina sa'kin at ngumiti.

"Oo nga, Cheska. Sumama ka na. Namimiss ka na namin." Pangungumbinsi ng isa pa naming kaklaseng si Angelli.

Tumawa ako. "Sige, sige. Wala rin naman akong gagawin mamaya."

"Yay! Baka pwede kang magsama ng The Kaisers, Ches." Biro ni Aina.

Nginitian ko sila. "I'll see what I can do."

-

Pumunta ako sa organization room nung uwian namin para yayain sana ang The Kaisers para sa pupuntahan ko mamaya. Laking gulat ko ng maabutan ko ang The Kaisers sa labas ng organization room. Sinilip ko yung tinitingnan nila and to my surprise, nakita ko ang loob ng kwarto na vandalized, makalat at basag ang ibang gamit kabilang na ang wall lamps, ilang desktop monitors at yung malaking LED TV ng The Kaisers.

"Guys..."

Tawag ko sa atensyon nila.

"Cheska, nandito ka pala. Sorry, off-limits muna sa loob. Ayaw namin galawin hangga't hindi pa namin napapaimbestigahan."

I nodded. "It's okay."

"What brought you here, by the way?" Tanong ni Gale sa'kin.

"Napadaan lang ako kasi yayayain ko sana kayo dun sa bagong bukas na club malapit dito. Nagkayayaan kasi sa classroom kanina and they're wondering if you guys could come." Nahihiyang sabi ko.

"Of course, okay lang naman." Nakangiti na sabi ni Dustin. "Right, guys?" Baling nito sa mga kasamahan.

"Sorry, but I think I'll have to pass."

Napalingon kaming lahat kay Tanner Cedric.

"Dude! Ano ka ba, unwind!" Sabi ni Eros at inakbayan ang kaibigan.

Umiling naman si Tanner Cedric. "Dude, seriously, how can I unwind?" Tumingin si Tanner Cedric sa loob ng organization room. "I have to find out who's behind this shit." Tiim bagang na dugtong nito.

Accidentally, napatingin ako sa may sulok ng kisame and a CCTV caught my attention.

"Uhm... Guys, I think I can help." Sabi ko.

"How?" Tanong ni Etienne sa'kin.

The Despicable Prince [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon