Chapter Thirty-One

1.9K 41 1
                                    

THREE YEARS LATER


"Mommy!"


Nilingon ko ang batang tumatakbo papasok ng bahay ko. Sa loob ng tatlong taon, maraming bagay ang nagbago. Pagkagraduate ko ng college, hiniling ko sa mga magulang ko kung pwede akong humiwalay ng bahay. Eto ang naging resulta noon, binilhan nila ako ng bahay sa isang executive village 30 minutes away sa dati naming bahay.


Hindi ko kasi kayang manatili sa luma naming bahay. Masyadong maraming masasakit na alaala ang meron doon.


Tatlong taon na ang nakakalipas simula ng pumunta ang mga Fuentebella sa America. Nung unang mga buwan na wala sila, madalas kaming makatanggap ng balita tungkol kay Bryce, ngunit habang tumatagal ay paunti ng paunti ang mga balitang natatanggap namin hanggang sa tuluyang mawala ang komunikasyon namin sa kanila.


Ang huling balitang natanggap namin ay si Bryce, na comatose pa rin.


At iyon ay anim na buwan matapos nilang pumunta sa America.


"Hi, baby! Where have you been?" Hinagkan ko sa pisngi ang batang bagong dating. Siya ay si Cathryn, adopted siya ng parents ko. Tinatawag niya akong mommy dahil sa akin siya madalas naiiwan, dahil busy ang mga magulang namin mag tour around the world.


Alam niyo naman ang mga wish ng elderies kapag tumatanda na sila, ang magtour at cruise kasama ang kanilang mga lovey-dovey. Hehehe.


"Alam mo, kung hindi ko lang alam na adopted child ng parents mo si Cathryn, iisipin ko na anak mo talaga siya." Bungad ni Tanner Cedric na may dala-dalang tatlong malalaking paperbags ng sikat na boutique at toy store.


"Ano na naman yang mga dala mo?" Usisa ko. "Di ba sabi ko sa'yo, quit spoiling Cathryn?"


"Sus, hayaan mo na! Hindi ko matanggihan yung bata." Balewalang sabi ni Tanner Cedric sa akin.


As much as I don't want to say this, and also to happen, both of our parents agreed na ipagkasundo kami sa kasal.


So, technically, Tanner Cedric and I are engaged.


Alam kong pangit pakinggan dahil bestfriend ni Bryce si Tanner Cedric.


But I want to break free from the phase of my life. I need to move on. Hindi na rin naman akong umaasa na babalik si Bryce, or what not. Masasaktan lang kasi ako ulit.


Pero sana, maayos siya ngayon.


Still, my feelings for him lingers.


Alam ni Tanner Cedric yun, kaya hindi niya ako pinipilit, and this guy, believe it or not, he confessed to me that he likes me. That happened about a year ago, kaya eto, we are trying to work things out between the two of us.


Okay naman sa akin dahil wala naman nagbago. We treat each other na parang tropa at comfortable naman kami sa isa't-isa.


"Really?" Umarko ang isang kilay ko at inabot ang paperbags. "Akin na nga yan."


"Say, Cheska, how about we live together?"


Muntik na akong mauntog sa nakabukas na cabinet sa kwarto ni Cathryn dahil sa biglang sinabing 'yun ni Tanner Cedric.


"Seriously? Instant family lang ang peg mo?" Natatawang sabi ko sa kanya, pero sa totoo lang, nagulat ako at medyo naging uncomfortable.


Ilang beses na rin niyang sinabi ang tungkol doon sa akin, pero tinatanggap ko nalang bilang biro. Parang hindi ko pa kasi talaga kaya. I loved Bryce so much, and I don't want to sound hypocrite, but I still have feelings for him.


"HAHAHA!" Humagalpak ng tawa si Tanner Cedric. "Of course I am kidding! Ayaw ata kitang masabihan ng masama ng ibang tao. We'll do this the right way."


Nginitian ko nalang siya at nagpatuloy sa pag-aayos ng mga laruan sa cabinet ni Cathryn.


-


Margaux's POV


AFTER FIVE LONG YEARS! Nakabalik din ako sa Pilipinas. Kasama ko si Kuya Bryce.


Naniniwala na talaga ako sa milagro. Three years ago, I felt that my world shattered to pieces ng mabalitaan ko ang nangyari sa kapatid ko. Dito siya sa America nagpagamot at therapy. Hindi biro ang pinagdaanan ng kapatid ko.


Those three years felt like hell to him, alam kong iyon ang nararamdaman niya kahit hindi siya nagsasalita, o nagsasabi ng nararamdaman niya. His longing for his great love, my bestfriend, Cheska, was also unbearable for him. Pero it was his choice na hindi muna bumalik agad, because he wanted her to be safe. Dahil sa estado ng mga nangyayari noon, delikado kung babalik siya agad-agad sa Pilipinas.


He chose to be the bad guy sa buhay ni Cheska.


He chose to cut our ties with them. FOR THE MEAN TIME.


Malaki din ang kasalanan ko sa bestfriend ko, dahil alam ko naman na dapat, binabalitaan ko siya, but I respect my brother so much.


Kahapon pa kami nakabalik sa Pilipinas at ngayon, nandito kami sa mall para mamili ng gamit sa bahay.


"Kuya?" Untag ko kay Kuya Bryce na nakatulala sa children's section ng department store.


Na-curious naman ako kaya tiningnan ko rin ang tinitingnan niya.


And there I saw Cheska, may akay akay siyang batang babae na siguro ay nasa two years old ang edad at kasama niya si...


TANNER CEDRIC.


They are all smiling like a one big happy family.


Ibinalik ko ang atensyon ko sa kapatid ko.


Kuya Bryce turned around. "Let's go, Margaux." He said with his voice as cold as ice.


-


TO BE CONTINUED.

The Despicable Prince [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon