Chapter Sixteen

2.4K 55 2
                                    

"Anong ginagawa mo dito?" Bungad ko kay Bryce na nasa labas ng bahay namin.

Tatlong araw na ang nakakalipas simula nung nangyari yung insidenteng yun sa The Underground. Nasa ospital na rin si Paolo Mendoza, at hindi maganda ang kutob ko sa mga susunod na mangyayari. Umuwi na rin ako ng bahay namin dahil hindi ko alam kung paano ko pakikiharapan si Bryce pagkatapos ng lahat ng mga nangyari. Parang ang hirap na ng sitwasyon.

 "Cheska.. Pwede ba tayong mag-usap?" Seryosong saad nito.

 "What? May ginagawa ako."

"Sabado ngayon, Cheska...."

"May mga plates akong tinatapos." Pagkasabi ko nun, akmang isasara ko na ang pinto pero napigilan ito ni Bryce.

"Umuwi ka na ulit sa condo, Cheska. Delikado dito." Mataman na sabi ni Bryce sa akin.

"No."

"Cheska, please. I'm begging you. Umuwi ka na sa condo then I'll explain everything."

I looked straight into his eyes. His pleading eyes are piercing through my very soul. Hindi ko maipaliwanag yung pakiramdam parang gusto kong sumama sa kanya na ewan. I can't explain the feeling. Sa totoo lang, naaawa na rin ako kay Bryce. I know he's going through a lot these past few days.

"Cheska---- Oh, sorry."

Sabay kaming napalingon ni Bryce sa pinanggalingan ng tinig, and there we saw Marcus standing in the porch, he's smiling and carrying a paper bag from a famous restaurant.

"Kuya." Pag-a-acknowledge ni Bryce sa kapatid niya. "Sige, aalis na ako, Cheska. Think about what I've just said." Seryosong sabi nito at naglakad na palayo.

 "Bryce, hindi mo ba kami sasamahan?" Tanong ni Marcus nang mag-abot sila ni Bryce.

Umiling ito. "Kayo nalang, kuya." Madilim ang mukhang sabi nito. "I'm sure, Cheska wouldn't want any distractions."

Dahil sa sinabi niyang yun, nainis naman ako. Ano bang gusto niyang iparating?

"Oh, if you say so." Mukhang naguluhan din si Marcus sa sinabi ng kapatid niya.

Nilapitan ako ni Marcus kaya pinapasok ko na rin siya sa loob ng bahay. "Anong problema nung kapatid ko?"

The Despicable Prince [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon