"True. Masarap magmahal 'te! Masaya 'yong pakiramdam na uuwi ka sa bahay hindi lang para magpahinga dahil sa stressful na araw kundi dahil excited kang makita ang taong dahilan kung bakit nakakangiti ka pa rin sa kabila ng pagod," sang-ayon naman ni Narissa. Ito ang naunang nagpakasal sa kanilang lahat.

"Sana naman sa kasal namin ni Franco, may boyfriend ka na. Huwag kang mag-alala. Sasabihin ko sa kaniyang next year na kami magpapakasal, para may time ka pa," ani Nixi.

"At talagang binibigyan mo pa ako ng ultimatum? Para namang ang tagal nang sinasabi mong next year eh hello? Ilang linggo nalang at January na!"

Sabay sabay na namang nagtawanan ang mga kasama niya. Palagi nalang ganito ang mga ito sa kaniya. Hindi niya malaman tuloy kung sumpa ba ang pagiging isang single kapag kasama niya ang mga ito.

"Isa lang ang ibig sabihin no'n, Syd. Kailangan mo nang makahanap ng mapapangasawa as soon as possible."

"At para namang bibili lang ako ng damit kung makapagsalita ka riyan, Jet. Hindi minamadali ang pagdaan sa EDSA, tandaan n'yo 'yan."

"Ayan na naman po tayo sa mga banat mong ganiyan. Kaya ka single eh, ang lalim mo kasi minsan!"

"Compliment ba 'yan? Sa EDSA ang naisip ko eh. Malay n'yo naman kasi 'di ba? Na-traffic lang?"

Sa huli ay sumang-ayon nalang ang mga ito sa kaniya. Nagsimula na rin ang program kaya na-divert din ang attention ng mga ito sa totoong bida ng pagtitipong ito. Masaya talaga siya para sa kaibigang si Trina. Mabuti pa ito at nahanap na ang prince charming nito. Samantalang siya? Halos ilang bulalakaw na ang dumaan, ilang kahilingan na rin ang nausal niya pero hanggang ngayon? Zero pa rin ang love life niya. Tama nga siguro ang sinasabi ng mga kaibigan niya, tatandang dalaga siya.

Huwag naman sana.

"NAKAPAG-file ka na ba ng leave sa trabaho mo?" tanong sa kaniya ng kaniyang ina. Halos araw-araw na siyang kinukulit nito simula nang matanggap ang wedding invitation ng kaniyang pinsan na si Wincy. Si Wincy ang pinakamalapit niyang pinsan at kahit mahigit isang dekada na siyang hindi umuuwi ng San Agustin ay hindi iyon naging hadlang para maging malapit sila ng pinsan. Nagkikita naman kasi silang dalawa sa tuwing magagawi sa Manila si Wincy.

"Opo, kaka-approve lang po kanina."

"Good. Bukas na bukas din babiyahe tayong San Agustin. Nako, ilang beses na 'kong kinukulit ng mga pinsan mo. Lalo na 'yong lola mo. Ewan ko ba naman sa'yo kung bakit hindi ka man lang nagbakasyon doon?"

"Mommy, alam mo namang masiyado akong naging busy dito. After my graduation, in-absorb agad ako sa company kung saan ako naging intern. Ni hindi ko nga naranasang magkaroon man lang ng long vacation katulad ng mga classmate ko, eh."

Totoong hindi niya naranasang mabakante ng kahit isang buwan man lang pagkatapos niyang mag-aral. Nagustuhan kasi ng supervisor niya ang naging performance niya at talagang ni-refer siya nito noong magkaroon ng bakante sa kompanya. Nagkataon namang akma sa kurso niya ang nabakanteng posisyon kaya hindi na siya nagdalawang isip pa.

She kept herself busy here in Manila. At sa mga pagkakataong nabibigyan siya ng break, kasama naman niya ang kaniyang barkada upang magliwaliw sa kung saang sulok ng Pilipinas. Iyon ang common denominator nilang lahat, they love to travel and explore the beauty of the Philippines. Kahit na may kakayahan naman silang makapunta sa labas ng bansa, mas pinipili nilang tangkilikin ang sariling bansa. Mas masaya nga namang masaksihan at i-appreciate ang sariling atin.

"But still, gaano ba kalayo ang San Agustin para hindi mo dalawin, Sydney? Totoong sinabi namin ng Daddy mo na maganda ang opportunity kung dito ka sa Manila mag-stay for good pero hindi namin sinabing bawal ka nang umapak sa lugar kung saan ka lumaki. Kung hindi ka busy sa trabaho eh sa pagliliwaliw mo naman inuubos ang oras mo. Hindi mo ba sila nami-miss, ah?"

My Man in the Mirror (✔)Kde žijí příběhy. Začni objevovat