30.Heartaches

Magsimula sa umpisa
                                    

Hindi ko naman alam na ganun ang epekto sa libro, kung una palang alam ko ng mangyayari to edi sana lumayo na ako sa kanya! Edi sana hindi na mas lumalim pa yung feelings ko kay Sean at hindi ako masasaktan ng ganito.


"Ngayon hindi ko alam kung itutuloy ko pa to... dahil kung pati wakas nito mababago, pati ako maaapektuhan at magdurusa dahil sayo"

Hindi ko alam kung papano sya maapektuhan pero ang tanging alam ko lang,kailangan matapos ko ang kwento para makauwi!

"H..hindi Book! G..gagawin ko lahat kahit anong mangyari! Pakiusap naman! tatapusin ko to promise!!"


"Mas mabuting maghintay nalang ulit ako ng ibang taong tatapos sa libro kesa baguhin mo ang lahat, hindi na ako naniniwalang kaya mo"


"Book! k..kailangan ko umuwi! Please! Nakikiusap ako sayo!"


Sunod sunod na luha na ang pumatak mula sa mata ko. Hindi ko hahayaang hindi ko ituloy ang kwento! Sayang lahat ng paghihirap ko nung nakaraan!At kailangan ko ng tapusin yan agad dahil baka mawalan ako ng connection sa totoong mundo!!

"Oo mahal ko na si Sean.. pero sisiguraduhin kong hindi magbabago ang wakas ng storya, yun ang importante diba? yung wakas? Kaya please lang! pakiusap... Gusto kong umuwi Book, gusto kong makita ang kapatid ko, si lola at ang papa ko.. Please..."

Hindi na muling nagsalita si book kaya napaluhod na ako at tinakpan ang mukha ko.

Gustong kong makauwi, Hindi pwedeng matapon sa wala lahat ng efforts ko!

Kailangan ako na ang tumapos sa libro, kailangang matapos ko na yun.

Ang hilig nya sa ganyan, matapos magbitiw ng masasakit na salita, biglang aalis.
Nakatingin lang ako kay Book na hindi na nagsalita

Pero matapos ang ilang minuto ay unti unting umilaw ang page nito.

Dumalo ang dalaga sa pagdiriwang ng anibersaryo ng Palasyo. Maraming namangha sa taglay nyang ganda at hindi talaga maalis ang tingin ng karamihan lalo na ang mga lalaki sa kanya. Pero isa tao lang ang gusto nyang makita... Ang Prinsipe.

Isinayaw sya nito buong gabi at hindi manlang binigyan ng tyansa ang ibang lalaki na isayaw sya. Ito narin kasi ang gabi na hinihintay ng Prinsipe para aminin ang nararamdaman nya sa dalaga at ayaw nya na magulo ang lahat ayon sa plano.

Pinunasan ko ang luha ko matapos ko tong mabasa. May kirot sa puso ko pero hinayaan ko nalang yun.

"S..salamat book! salamat..."sabi ko. Hindi na sya sumagot kaya pinasok ko na sya sa shoulder bag ko.

Tumingin muna ako sa salamin at inayos ulit ang mukha ko. Namamaga ng konti ang mata ko kaya nagpatagal pa ako ng konti sa loob.

mabuti at walang taong pumapasok dito.

Lumabas ako sa Cr na parang walang nangyari, Pupunta ulit sana ako sa pwesto namin kanina pero napatigil ako ng matanaw sina Sean at Shane na kasama si Merielle.

Napayuko ako at nainis sa sarili ko. Kasi alam kong nagseselos ako pero pinipigilan ko yun. Wala akong karapatang magselos dahil hindi naman ako ang dapat na nandun.

Bumuntong hininga ako at tumayo nalang sa tabi habang pinagmamasdan sila.

Si Merielle dapat ang kasama nila ngayon. Sya dapat ang tinatawag na Mama ni Shane. Sya ang gusto ni Sean.

Hindi ikaw Chichi.

Hindi ako.

"Mama! Mama! Mama!"Nakita ako ni Shane at agad syang napangiti at tumakbo sakin.

✔Book ApartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon