Chapter 39

9.5K 186 5
                                    


Jesse POV:

"H-huwag po, p-parang awa m-muna wag mo akong s-sakitan b-buntis po ako." Pagmamakaawa ko habang paatras na lumalayo sa lalaking nangangalang Ramon dahil dahan dahang itong humahakbang palapit sakin at nakakatakot ang mga mata nito nakatingin sakin lalo na't halos magkasalubong na ang kilay nito.

Taliwas sa expression na pinapakita nito kanina na blangko pero ngayon ay waring galit ito na hindi ko alam kung bakit.

Kaming dalawa lang ang nasa loob ng kubo at sa tulong ng ilaw mula sa lamparang de gas naaaninag ko ito ngunit hindi ko parin nakikita ang kanyang buong mukha.

"What are you doing here woman?" Mahina ngunit madiing tanong nito kaya natigilan ako.

Kanina ay hindi ko nabigyan pansin ang kanyang boses dahil sa nerbyos at takot ngunit ngayon napagtanto ko na familiar ang kanyang boses lalo na ng magsalita ito ng english.

"P-please wag kang lumapit." Naiiyak kong sabi sapo ang aking tyan ng makaramdam ako ng kunting kirot.

"H-huwag please! Bitiwan mo ako-" Nagpumiglas ako ng hawakan nito ang magkabila kong balikat pero napatigil ako ng takpan nito ang bibig ko at mahigpit na hinawakan ang dalawa kong kamay gamit lang ng isang palad nito.

"Ssssssh, l!tse! huwag kang maingay. Hindi kita sasaktan kaya huminahon ka." Bulong nito at tinanggal ang isa niyang kamay sa bibig pero mahigpit na hinahawakan parin ang dalawa kong kamay.

Inalalayan ako nitong makaupo sa lapag gawa sa kawayan kaya nabawasan kahit papano ang pananakit ng aking tyan. Siguro dahil sa pagod at stress kaya nakaramdam ako ng kaunting kirot sa tyan.

Unti onti nitong tinangal ang takip sa kanyang mukha at ganoon nalang ang gulat ko ng makilala ito.

"I-ikaw? Anu ang ginagawa mo dito? Bakit ka kasapi ng mga rebelde?" Sunod sunod kong tanong sa kanya.

"Ako ang dapat magtanong niyan sayo miss Jesse, anu ang ginagawa mo dito lalo na't buntis ka pala? Paano ka nakarating dito sa San Enrique lalo na dito kota ng mga rebelde?" Nasindak ako sa malalim nitong boses.

"M-meron kaming medical mission sa Jawili kaya a-ako narito." Hindi ko maiwasan mautal dahil sa kaba.

"Sa Jawili? Bakit dito?  At paano ka napadpad sa teritoryo ng mga rebelde na nag-iisa? Tssk, never mind." Natigil ito sa pagtatanong ng makitang napangiwi ako dahil may dumaan kirot sa tyan ko.

"Magpahinga lang mabuti dahil mukhang hindi maganda ang kondisyon mo. Kailangan mo ng lakas mamaya, hindi ka pweding magtagal dito ng ilang oras dahil halang ang kaluluwa ng mga tao dito." Napatango nalang ako at sinubukang pakalmahin ang sarili ko.

Kung may makakita samin iisipin nilang nakayakap ito sakin at hinahalikan ako nito sa pisngi o leeg pero ang totoo ay sinisigurado nitong hindi magkadikit ang balat namin at nilalapit ang ang bibig sa tenga ko.

Kaya pala kahit papano ang panatag ang loob ko sa kanya una palang dahil magkakilala pala kami.

"Pero anu ang ginagawa mo dito? Miyembro ka ba talaga ng rebelde Leon?" Taka kong tanong sa kanya.

Oo, si Leon ang lalaking may takip ang mukha at tinawag na Ramon.

Lumayo ito ng kunti sakin at umiling.

"Hindi ito ang tamang oras at lugar para pag-usap ang bagay na yan." Makahulugan nitong sabi bago tumayo.

"D*amn, where the h*ll are you Lorenz?" Dinig kong bulong nito bago naglakad papunta sa sulok ng kubo at pagbalik nito ay may bitbit na itong isang piling na hinog na saging at isang boteng tubig.

Moskova Series #1: Mr. Nice Guy???Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ