" Hahahaha..... Beatriz! Bi-bitawan mo hahahahaha....ako........A-ang d-daya.....hahahaha........." si jho ng tawa ng tawa at halos manghina na.


Di ko ginawa kase alam kong umaarte lang sya at pag binitiwan ko sya ay tatakbo na naman sya, madaya ka  yun!


"Ayoko! Andaya mo kaya." ako sa pagitan ng paghingal at pagtawa ko.


Nagpupumiglas pa rin sya pero lalo ko lang hinihigpitan ang pagkakayapos sa kanya at dahil sa kakapiglas nya ay napaharap sya sa kin! Tawa pa rin kame ng tawa pero ng mapagtanto namen na nasa ganong posisyon na kame,na magkaharapan. Si jho na napahawak sa magkabilang balikat ko at ako naman ay mahigpit na nakahawak sa balakang nya!


Unti unti kameng napahinto sa pagtawa hanggang sa mapaseryoso kameng napatitig sa isat isa. Magkalapit at magkadikit na magkadikit kame as in para kameng may glue sa katawan sa ayos namen ngayon!



DUG DUG......DUG DUG......DUG DUG......DUG DUG........




Hindi ako makahinga ng maayos! Parang lalabas ang puso ko sa sobrang lakas  at bilis ng tibok nya ngayon. Nagwawala ang buo kong sistema,di ako makapag isip ng maayos ngayon! Bakit ba ganto ang epekto mo sa kin jhoana!?


"Pwede ba akong humingi ng favor sayo?" di mapigilan ng utak ko ang bibig ko ngayon para itong may sariling utak na sya mismong nagpapasya. Ni hindi ko na nga hinintay na tumango man lang ang kayapusan ko. "Pwede bang......ganto na lang tayo.......Forever?"











JHO

"Pwede bang ganto na lang tayo forever?"


Paulit ulit na nag rereplay sa isipan ko yun pati na rin ang mga nangyare sa min kanina dun sa tagaytay. Nakauwi na rin kame at ngayon nga ay nandito na kame sa eliazo, dito na kame tumuloy paguwi kase nga maaga ang call time namen for training tomorrow. Tumawag  na lang si beatriz sa mom nya to informed na nakabalik  na kame ng manila at nasa ateneo na kame. Dala na kase namen yung mga gamit namen kaya kahit naligo pa kame kanina sa ulan ay ayos lang kase may pamalit naman kame ni bea.


Nagpabiling biling ako sa bed ko,di ako makatulog.😞 Mag aalas dose na pero eto ako ngayon dilat na dilat pa rin.Dapat nga ay tulog na ko kase nakakapagod ang mag drive papuntang tagaytay,oo mga bes,papunta lang kase nung pauwi na kame ay di na ako pinayagan pa ni beatriz na mag maneho,nababagalan daw ang ate nyo sa kin mag drive,eh sa maingat ako eh di tulad sa kanya may pagka kaskasera.😒


Napa-upo ako sa bed ko at naiinggit na tiningnan sina kim at ate ells na mahimbing na natutulog pero ako ayaw dalawin ng antok.Kinuha ko ang phone kong nasa tabe ko lang at binuhay yun,nagpunta agad ako sa gallery at pagbukas ko pa lang ay sumalubong agad sa kin ang mga pagmumukha namen ni bea na pinagkukuhaan  namen kanina sa tagaytay. Swipe ako ng swipe at di ko mapigilang mag smile every pic na makita ko, di ko akalain na napaka rame pala ng mga pic namen kanina.Napahinto ako ng mapadaan sa kin ang pic namen ni bea na nakabackhug sya sa kin at parehas kameng basang basa na sa ulan ng magpasuyo kame sa napadaang magjowa sa gawi namen. Kahit pumapatak pa ang ulan nyan ay di kame nagpaawat at nagharutan at naghabulan pa kame.Okay lang dahil water proof naman phone ko kaya malakas ang loob ng ate nyo kahit naulan at dala pa ang phone ko.Thanks sa kin at nakapag-ipon ako.Hehehehe.....


12:14 am na at di pa rin pagod si mata kaya kelangan ko ng matinding back up plan para makatulog na ko.Dahan dahan akong lumabas ng room namen at nagtungo sa kusina pagkarating ko dun ay binuhay ko ang ilaw sa loob at napatili ako ng may maabutan akong nakatayo sa lamesa.


"Jhoana!"


"Beatriz!" inis akong lumapit sa kanya at pinagpapalo ko sya. Salag naman sya ng salag sa mga palo ko. "Kainis ka! Tinakot mo ko!"


Best thing i (N)EVER hadWhere stories live. Discover now