CHAPTER TWENTY

Magsimula sa umpisa
                                    

Hindi na sumagot yung dalawang babae. Kinuha na lamang nila yung mga papel saka sila umalis.

Umupo naman si Erick sa kabilang upuan. Tumingin siya sakin. No - tinitigan niya ako.


"Did you miss me?" He was smiling but it was kind of different.

"H-ha?"

"Alam mo Kathy, hindi ko alam kung may mali ba akong nagawa sa'yo para maging bulag at bingi ka pagdating sakin."

Hindi ko maintindihan kung bakit bigla siyang nagbago. Hindi lang sa ugali kundi pati na rin sa itsura.

Halos makita ko na ang mga ugat niya sa katawan sa sobrang putla niya. Ganoon din ang kanyang labi. And one thing I noticed, yung mga mata niya, nanlilisik. Yung mga tingin niya na kayang pumatay ng tao.

"H-hindi kita maintindihan Erick." Yun lang ang nasabi ko.

"Hindi mo ako maintindihan ..." Tumayo siya saka siya bahagyang lumapit sakin. "Of course, hindi mo ako maiintindihan. Paano mo ako maiintindihan kung palagi na lang si Damon ang iniintindi mo?"

Hindi ako nakasagot.

Nasaktan ko ba siya?

May nagawa ba akong mali?

May nasabi ba ako sa kanyang masama?

"You we're with him last week, right?" Hindi pa man ako nakakasagot ay muli siyang nagsalita, "You even told him ...




... you even told him you love him."

Napatingin ako sa kanya sa sobrang pagkagulat. "Paano mong-"

"Because I know everything Kathy, everything!"

Naguluhan ako. Paanong nalaman ni Erick ang mga bagay na yon? Sinabi ba ni Damon? Nag-usap ba sila? Pero bakit?

"Erick please ... magulong-magulo ang utak ko ngayon. I need someone to talk to. Hindi ko kailangan ng isa pang problema na dadagdag lang sa iniisip ko." Pakiusap ko sa kanya.

"So I'm a problem to you now."

"Hindi naman sa ganon. Hindi ganon ang ibig kong sabihin." Naiirita ako pero pinipilit kong maging kalmado. "Ano bang nangyayari sa'yo? May problema ba?"

"Even angels get pissed off Kathy."

Nang tumingin ako sa mga mata ni Erick ay hindi siya ang nakita ko kundi ibang tao. Hindi si Erick ang lalaking kaharap ko ngayon. Unti-unti akong nakaramdam ng takot. Kaya naman agad akong umiwas ng tingin sa kanya.

"I don't know what you were saying. I'm sorry, I have to leave." Nagmamadali kong kinuha ang bag ko saka ako tumayo mula sa kinauupuan ko.

"No." Bigla niya akong hinawakan sa braso.

Napatingin ako sa kanya. At laking gulat ko ng mapansin ang mga mata niya, kulay pula ang mga iyon.

Kinilabutan ang buong katawan ko sa nakita ko.

"B-bitawan mo ako Erick."

"Hindi kita bibitawan. Kahit kailan, hinding-hindi kita bibitawan. Lahat isasakripisyo ko para sa'yo Kathy. Kahit sarili ko - wag ka lang mapunta sa Damon na yon!"

Sa sobrang lakas ng pagkakasabing yon ni Erick ay nakuha niya ang atensiyon ng gwardiya. Kaya naman nilapitan kami nito.


"Anong nangyayari diyan?" Tanong ni Manong guard habang lumalakad papalapit sa amin.

Then everything just stopped from moving. Parang movie na naka-pause ang lahat. Tanging ako, si Erick at ang gwardiya lamang ang nakakagalaw. Maging si Manong guard ay hindi makapaniwala. Nakanganga ito habang nililibot ng tingin ang paligid.

"E-erick ..." Mangiyak-ngiyak kong tawag sa pangalan niya.

I don't know what's happening in this world. Alam kong minsan nadedemonyo ang mga tao pero hindi ko inaasahan na literal na may demonyo ditto sa mundo. And I didn't see that coming.

Bakit si Erick? Bakit siya pa?

"Pasensiya na Manong pero hanggang ditto na lang ang itinakdang oras ng Diyos para sa'yo." Kasabay noon ay ang pagtawa ng malakas ni Erick. Tawang animo'y nanggagaling sa ilalim ng lupa. Nakakakilabot.

Walang anu-ano'y biglang nilamon ng apoy ang gwardiya. Humihiyaw ito sa takot habang unti-unting inaagnas ng apoy ang katawan niya. Maya-maya pa'y nabiyak ang lupa, kasabay noon ang mga nakakakilabot na sigaw mula sa ilalim nito. Kitang-kita ko kung paano nilamon ang walang buhay na katawan ng gwardiya habang patuloy itong inaagnas ng apoy.

Biglang tumingin si Erick sa akin.


'Damon ... Damon please tulungan mo 'ko.' Sigaw ng isip ko.


"T-talaga bang ganito na lang kadali para inyong mga demonyo ang paglaruan ako?!" Umiiyak kong tanong sa kanya.

"You just don't get it, do you?" Saka niya ako hinila papalapit sa kanya. "Did you know that I was your f*cking angel? I was the one who saved your life, I was the one who protected you from those devils! It was not Damon, it was me!"

Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Nalilito at naguguluhan na ang isip at nararamdaman ko. I was scared and confused. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Hindi ko na alam kung paanong nangyayari sa akin ang lahat ng 'to.

"I sold my soul to his father. I gave up being an angel and chose to be a devil for you instead. Kasi ito naman ang gusto mo di ba? Kaya eto, nagpakademonyo ako para sa'yo."

Bigla niya akong niyakap.

Nanginginig ang buong katawan ko.

Hindi sa takot kundi sa pandidiri sa taong may yakap sa akin ngayon.

"I love you Kathy. Mahal na mahal kita."

Kung ganito ang pagmamahal, hinding-hindi na ako magmamahal pa. I just told myself that I would regret leaving Damon. And Karma just bounced back at me, not just once coz I know, it will be ... forever.


Naramdaman ko na lang na nanghihina ako. Unti-unting dumilim ang lahat. Hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay.


The Devil's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon