[35] Hear His Heart

Start from the beginning
                                    

“Wait, boy, are you sure you’re gonna mess with me?” maangas na tanong ni Samuel.

Napatingin ako kay Drake nang walang salita siyang nagsimulang lumakad papalapit kay Samuel. Nagkatinginan naman sina Andrew, Justine at Israel bago nagpasyang sumunod na rin kay Drake. Nang magkatabi-tabi na silang lima ay bahagyang napaatras ang ibang estudyante sa kanila. Mukhang may natitira pa silang takot para sa grupo nila Drake matapos nilang batuhin ng itlog ang leader ng mga ito.

“Bro, may rule ba na hindi natin pwedeng saktan ang mga ito?” tila nang-aasar na tanong ni Justine.

Dahil sa tanong ni Justine ay mas lalong napaatras ang mga estudyante palayo sa kanila.

“Not really sure. Bakit hindi natin tanungin si Jack? As I can remember, he’s the creator of the Judgment day.” Sagot naman ni Drake.

Napakunot ang noo ko dahil sa ginagawa nila. Are they trying to put on a show? Well I must say it’s effective dahil sa itsura ng mga estudyante. They’re obviously scared.

“Oooohhhh. Si Jack pala ang nagpauso ng Judgment day? But why is he being attacked right now? Bumaligtad na ba ang mundo? Ang superior na ba ang inaatake ng inferiors?” tanong naman ni Samuel.

“I think these inferiors had the guts to go against the superiors now.” Sagot naman ni Israel.

Superior and inferior. Storm mentioned those things to me before. The bully and the victims.

“W-What are you trying to say? W-We’re superiors as well.” Nauutal na saad ng isa sa mga estudyante.

“Said who?” tanong ni Samuel habang nakangiti ng mapang-asar.

Kaagad na umingay ang paligid dahil sa kanya-kanyang violent reaction at pagbubulungan ng mga estudyante. Mukhang naguguluhan sila.

“I think you don’t clearly understand. We’re at the top of the superiors. You may claim that you’re all superiors. However, don’t you ever forget that we are above you.” Saad ni Andrew.

“Therefore. We. Are. The. Superior. Among. The. Superiors.” Mapang-asar na saad naman ni Israel.

Walang ibang nagawa ang mga estudyante kundi ang iiwas na lang ang mga mukha nila. So does it really mean these boys are above them? Pero bakit naging superior sila among the superiors? Dahil ba sila ang nagbibigay ng rules? Does it mean that they are the greater bullies among the bullies?

“What should we do with these inferiors now who dare to insult us?” tanong ni Samuel.

“No more for Judgment day. Dahil sa ginawa nila, Judgment day would be no longer fun. Dapat na siguro nating palitan ang Judgment day.” Nakangiting saad ni Drake.

“Ano kaya kung pabagsakin na lang natin ang company nila? Para naman malaman nila kung ano ang consequences ng pag-insulto sa atin.” Suhesyon ni Andrew.

Kaagad na nagkagulo ang mga estudyante nang marinig ang sinabi niya. Sa itsura nila ay mukhang kayang kaya ngang gawin nila Andrew ang sinabi nila. Eto ba ang dahilan kung bakit superior sila among the superiors? Dahil mas mayayaman sila kumpara sa ibang estudyante?

“I think that’s a good idea. Sino kayang magandang unahin sa kanila?” tanong ni Samuel.

“Ah, sino nga ulit ang nagsabi kanina na dapat si Jack ang maging target nila?” tanong naman ni Drake.

Awtomatiko na sabay-sabay na tumingin ang mga estudyante sa isang babae na nakatayo sa gitna nila. Tila naubusan ng dugo ang babae at kaagad na namutla ang mukha niya. Teka, mukhang familiar ang mukha niya.

BY THE WAY, HIS NAME IS JACK FROSTWhere stories live. Discover now