IJL (Stupid Selflessness)

20K 719 191
                                    


Femi--->>>>


----------------------------------------------------------------------------------------------------------


*Gale*

 

"Gale okay ka lang?"

"Huh? Ah.. yeah." Nasa kwarto ako nina Author. Palit muna kami ni Femi eh.

"Sure ka?"

I sighed.

"Yeah." Ano'ng oras na ba? Malapit na atang sumikat ang araw pero hindi pa rin ako makatulog. Nakakapagtaka... kase di ba karaniwan kapag lasing mas madaling makatulog? Pero hindi eh...

Kanina nung kami ni Rico yung magkatabi... ang sarap sarap ng tulog ko. Kaso naalimpungatan. Tapos ngayon si Author na ang katabi ko. Tingin nyo ba natutuwa ako? -_-

Pero... for Femi...

Haaay...

I just hope na walang mangyari dun sa mga kinatatakutan ko... Ayokong dumating yung time na... sarili kong best friend ang makakaaway ko. Baka hindi ko kayanin. Iba kase akong magmahal ng kaibigan eh. Higit pa sa pamilya...

Parang kapag nawala sila... mapuputulan ako ng braso or something.

Mas malala kapag si Femi... kase feeling ko kapag sya ang nawala, pati kalahati nung puso ko mawawala rin.

Akala nyo masyado akong petty noh? Maarte and all? Kakagulat bang may puso rin ako ng normal na tao? :)

Oo nga eh.. ngayon ko lang narealize...

"Ayos lang sa 'yo na magkasama sila? Sa iisang kwarto? Si Rico at Femi? Sure kang ayos ka lang dun?"

-_-

Gusto nya bang sa kanya ko ibunton ang inis ko? Sinabi ko ng okay lang ako eh... hindi pa tigilan.

"I'm fine."

"Weh? Ayos lang sa 'yo na may possibility na maagaw ni Femi si Rico?"

"Pwede ba! Matulog ka na lang kase!" Asar. -_-

*Author*

Haha! Asar sya eh. Pero hanga din ako dun... handang pagbigyan yung best friend... kahit ang ibibigay eh yung taong gusto nya. At oo... gusto na nga ata nya si Rico. Hindi mahiwalayan ng tingin eh!

Tuwing nagtatama yung mga mata nilang dalawa... napapangiti sila pareho. Oh di ba ang sweet?

Tinamaan ata ng kidlat si Gale. Haha...

Pero pano ba 'to? Sino ang mas deserving sumaya?

Si Gale na natutunang mahalin yung taong nagmamahal sa kanya at handang magparaya para sa best friend nya o si Femi na six years ng nagpaparaya at ngayon eh napag-isip-isip na mag-stand up at ipaglaban yung nararamdaman nya?

Hirap namang pumili eh...

Pero kung si Rico ang pagbabasehan ko... kay Gale na 'ko syempre.

Mutual na yung feelings eh.

Pero kawawa naman si Femi di ba? Wala naman syang kasalanan eh... nagmahal lang sya... ng maling tao.

Mali pa sa ngayon kase hindi naman sya yung gusto.

Haaay... ewan. Sa totoo lang... sa totoong buhay. Yung totoong buhay na Author... sumasakit na ang ulo kakaisip. Ano ba kase 'tong pinasok ko? Akala ko kase mabibigyan ko sila ng happy ending eh.

I Just Loved (COMPLETED)Where stories live. Discover now