IJL (Happy Bliss Day)

24.3K 928 165
  • Dedicated to sa lahat ng nagbabasa :)
                                    

May favoritism daw ako. Halata? :)


Rico again otr--->>>



----------------------------------------------------------------------------------------------------



*Rico*

Pucha! Leche! Tangshit at lahat na!

Bakit naman sa lahat ng araw... ngayon pa?!

Kailangan ba talagang ngayon sila maglandian? Sa harap ko pa? SA MISMONG BIRTHDAY KO?!

Tang-ina talaga! Ang sakit sakit! Woooo! Para lang naman akong tumama ng 70 million sa lotto tapos na-holdap. :/

Gago pala si Toby eh... sabi nya walang gaguhan?! Di ba nagkasundo naman kami na walang sulutan ng girlfriend? Oo alam ko—hindi ko naman girlfriend si Gale pero—mahal ko yun eh! Kaya nga si Jasmine kahit patay na patay sa 'kin hindi ko pinapatulan. Hindi ko pinapansin... kase alam kong mahal nya yun at ayokong masaktan sya.

Pero bakit... bakit ganito sila???

Magka-holding hands at masayang-masaya sa piling ng isa't isa?

Binabangungot ba 'ko?!

"Rico... tagay oh." Inabutan ako ni Author ng isang bote ng Tanduay ice. Gabi na kase. Nag-iinom kami. Nilaklak ko yun na parang tubig. Pucha. Sprite pala! Walang tama. Aish. Nevertheless, napatingin pa rin sila lahat sa 'kin kase nga nilaklak ko yun ng walang binabaan.

"Wow.. di ka rin uhaw noh?" Sabi ni biep. Biep na rin kase tawag namin sa kanya.

"Isa pa nga." Sabi ko na lang. Napatingin ako kay Gale. Nakatingin rin sya. Pero nung tumagal yung titig ko sa kanya... nag-iwas sya ng tingin at tumingin na lang kay—anakngpusa! Dukutin ko mata nito weh!

"Eto o. Mukhang kelangan mo ng mas hard." Inabot sa 'kin ni biep yung isang bote ng SaM.

"Salamat." At nilaklak ko din yun ng dere-derecho. At--*ubo ubo*--syempre pa nasamid ako. Malanit kaya sa lalamunan!

"Okay ka lang?" Femi.

"MUKHA BA AKONG OKAY?!" Bigla syang namula. Hala... nasigawan ko tuloy. Nakakagago kase yung tanong nya eh. Kita ng problemado... tatanungin pa kung okay!

"Sorry..." Mahina kong sabi.

"O-Okay lang." Pero halatang nagtampo sya.

"Alis muna ako." Tumayo ako at kumuha pa ng isang bote tapos binuksan ko.

"San punta?"

"Papakalunod lang." Nagpunta ako sa tabing dagat. Baka nga magpakalunod ako. Bahala na. Kung ano maisipan...

*Gale*

Leche! Bakit ganito? Bakit ganito ang feeling?! Hindi na ako natutuwa! Naasar ako sa sarili ko... ang tanga ko naman ata?

"Uy... okay ka lang?" Tanong sa 'kin ni Toby. Magka-holding hands kami kanina pa. Akala nyo kinikilig ako? Akala ko din eh... pero hindi... bothered na bothered ang pakiramdam ko.

Nag-aalala ako kay Rico.

I managed to smile at him pero umiling sya. Para bang sinasabi na hindi sya naniniwala... Nagtanong pa?!

I Just Loved (COMPLETED)Where stories live. Discover now