29.We're the Chosen Parents?

Start from the beginning
                                    

May dala din sya megaphone. Ano kayang meron?

"Ehem..ehem.. Ang palasyo... ay iniimbitahan ang LAHAT na dumalo sa isang engrandeng pagdiriwang ng anibersaryo ng ating Palasyo, gaganapin sa loob ng kastilyo, dalawang araw mula ngayon ,inaasahan ang lahat, iyon lamang at maraming salamat"

bumaba sya sa platform at sumakay na ng kabayo tsaka umalis. May mga tao naman na namigay ng flyers about dun sa inannounce kanina.

8:00 pm ng gabi ang simula. Hmm... mukhang bongga nga ito.

"Are you interested to come?"

napatigil ako ng marinig ang pamilyar na boses. Inangat ko ang mukha ko at hindi nga ako nagkamali...

"Y..You?"

tinaasan nya ako ng kilay.

"Me?"

Ngumiti sya sakin ng ikinabog na naman pesteng puso ko.

Nababaliw na ako!!

Gusto ko syang yakapin pero hindi ko magawa. .Bakit ganun? Sobrang namiss ko sya agad?

"so you love playing hide and seek?"

"huh?"maangmaangan kong sabi.

Sumimangot sya nun pero ngumiti ulit ng maliit.

"okay, I'll just not think that you're avoiding me these past few days... let's go"

hinawakan nya ang kamay ko at hinila ako.

"Teka!" tumigil ako at bumitaw.

"Saan tayo pupunta?"

"somewhere? tara sumama ka nalang!" hahawakan nya sana ulit ang kamay ko pero nilayo ko agad.

"susunod naman ako eh"mahinang sabi ko.

tinignan nya ako ng ilang segundo at kita ko ang pagtataka sa mukha nya tsaka nagkibit balikat.

"fine.."

Nagsimula na syang maglakad at sinundan ko naman sya hanggang sa nakarating kami sa park.

Medyo nagulat ako sa itsura ngayon ng park. Mukhang may kung anong ganap dito.

"Today's Flower Fair"sabi sakin ni Sean.

Ang daming tao dito, mukhang dinarayo ang fair na to.

"Look, that's the gigantic flower"sabi nya at tinuro yung sobrang laking flower sa pinakagitna.

Color red sya with yellow touch tapos color orange naman ang dahon nya. Wow.. this is awesome!!

"myahh!!myahh!!"napatingin ako sa maliliit na color white flowers na umiiyak.

may cute silang mukha at umiiyak dun sa nanay nilang nasa kabilang pot. Aww..nakakaawa sila at ang cute nila!!

"what are those?!"tanong ko kay Sean.

"The crying flowers"sabi nya at hinawakan ang isa sa mga ito.

"They're still babies.."

Eh? babies? pati ba bulaklak dito nanganganak na?

"seriously?"

✔Book ApartWhere stories live. Discover now