Prologue

48 1 11
                                        

"No, i won't marry him. Ni hindi ko nga kilala kung sino yung ipapakasal nyo sa akin. Ni hindi ko nga alam kung mabait ba iyon o kung ano" paulit-ulit kung sinasabi sa kanila na ayokong pakasalanan kung sino mang poncho pilato ang gusto nilang ipakasal sa akin.

Nakakainis na, paano nga ba ako napasok sa gulong ito? Paano nga ba na ako ang ipapakasal nila sa kung sino man iyong gusto nilang ipakasal sa akin.

"Please Janine, pumayag kana. We're asking you a favor" pakiusap nya pa sa akin. "favor? Sobrang bigat nga ng hinihingi nyo sa akin eh.

Bakit ako ang magpapakasal sa kanya? Ni hindi naman talaga ako ang bride di ba? Ni hindi naman talaga ako ang dapat na pakasalan nya di ba?" naiinis na dagdag ko pa sa sinasabi nya sa akin. "Sige na pumayag kana, magpapanggap ka lang naman na ikaw Maxine eh. Hanggang sa mahanap lang namin sya" dagdag na pakiusap nya sakin.

"Ayun na nga po kasi ang problema magpapanggap ako na ibang tao, at ayokong magpanggap, kung magpapanggap ako, hanggang kailan? Hanggang sa bumalik sya? Paano kung hindi na sya babalik? Edi ako ang matatali sa lalaking iyon? I have my own life." malapit na talagang maubos ang pasensya ko sa mga sinasabi nila sa akin.

"Babalik si Max, tsaka sa inyong magpipinsan ikaw lang ang kamukhang-kamukha nya Jane, sa inyong magpipinsan ikaw lang ang pwedeng magpanggap na sya." paliwanag pa nya sa akin.

"Magkamukha lang kami, pero hindi ako sya, tsaka hindi ko naman sya pinsang buo, i am just your distant relative, distant, ibig sabihin masyadong malayong kamag anak, tsaka hindi nyo ba napansin tita?

Kaya sya umalis kasi ayaw nyang magpakasal sa taong ni hindi nya kilala, tapos ako pa ang magpapakasal sa kanya? Kaya please lang po tita, sabihin nyo nalang po ang totoo na ayaw magpakasal ng anak nyo sa taong iyon." nakakawala na talaga ng pasensya pero pinipigil ko pa din ang sarili ko na sumabog sa sobrang galit.

Gustong-gusto ko magwala, nasaan na ba kasi pumunta iyong malayong-malayong pinsan ko.

Bakit ba kasi kami naging magkamukha, ako pa tuloy ang ginulo nila. "please Jane, pumayag kana, i can provide you everything you want, just name it. Ibibigay ko sayo basta pumayag ka lang." pamimilit pa din nya sa akin.

"My answer still no, and i have my own money and business kaya kaya kong bilhin lahat ng ibibigay nyo sa akin, and besides alam kong hindi papayag ang parents ko sa kalokohang ito, sino ba namang magulang ang papayag na mapakasal ang anak nya sa isang estranghero.

Kaya po please lang tita huwag nyo na po ipilit ang gusto nyo." pakiusap ko na sa kanya, wala namang mangyayari kung magagalit ako.

Mas lalo lang hahaba ang diskusyon. "alam na ito ng papa mo at pumayag sya sa gusto kong mangyari, even your mother pumayag na din sya, sabi din nila na para ito sa ikakabuti mo, and you're not getting any younger, at hanggang ngayon hindi ka pa din nagkaka boyfriend, nag aalala na sila sa iyo kaya pumayag sila sa gusto kong mangyari." mahabang paliwanag niya sa akin.

"No, tita i'm sorry but i can't do this, no scratch that, i won't do this. I will make a decision of my own, at desisyon ko ang hindi muna mag boyfriend.

At magpapakasal ako sa taong mahal ko, pero hindi ako magpapakasal sa taong hindi ko kilala at ni hindi ko alam ang itsura, somehow i understand Max kung bakit naglayas sya kasi pareho kami ng pananaw about love kaya po please tita, huwag nyo na po ipagpilitan ang gusto nyong mangyari.

I have to go tita, madami pa akong gagawin." tumalikod na ako pagkasabi ko nun at nagmamadaling umalis na sa bahay nila.

---

A/N: totoo po na kamukha ko yung malayong pinsan ko, nakita ko kasi yung picture nya ng pumunta kami doon sa bahay nila para nga kaming magkambal. Naishare ko lang po. Hehe

The Pretend BrideWhere stories live. Discover now