Chapter 8 - Strong Impact

146 3 3
                                    

Heaven's POV

"Heaven! Heaven!" napatigil ako sa paglalakad nang may tumawag sa akin. Nilingon ko kung sino ang tumawag sa akin.

"Oh? Alexander!" ngumiti ako sa kanya. Nang makalapit na siya sa akin, hinawakan niya kamay ko at nanginginig pa ito.

"Uy! Bakit ka nanginginig?!" kinabahan na ako. Baka matumba pa ito sa harap ko at bubula ang bibig. Di pa 'rin siya nagsasalita. Panay ang paghinga niya ng malalim.

"Uy! Sabihin mo lang kung may epilepsy ka! Dada----" naputol ang sinabi ko dahil nagsalita siya.

"Pwedeasdhfjskslajffgfs" Mabilis niyang sabi. Dahil sa bilis nito, ang unang salita lang ang narinig ko ng malinaw. Nakanga-nga ako sa harap niya.

"Huh?"

"H-ha? A-ano na?" tanong niya.

"Anong ano na? di ko nga naintindihan ang tanong mo. Ang bilis, pwede bagalan mo?" Tumango-tango siya at huminga ng malalim

"Pwede ba kitang maimbitahan mamaya?" maayos at mabagal na tanong niya sa akin.

"Yun naman pala ang tanong mo eh! Huh? Mamaya? Bakit? Birthday mo?" tanong ko.

"Hindi ko birthday! Uh... ipapakilala kita sa mga kaibigan ko" tinignan ko ang mukha niya, hindi ko maintindihan ang emotion niya, masaya na kinakabahan na parang natatae na.

I looked him with a questionning look.

"Bakit naman?" I tilted my head.

"A-ah ka-kasi... Diba noong first day of school, napag-isipan nila tayo na alam mo na... na uh... na ikaw, ako ganito tayo..." Pinakita niya ang dalawang daliri niya at pinagdikit. Tumango ako bilang tugon na naintindihan ko ang ibig niyang sabihin.

"Eh? Anong connect?" di ko pa 'rin makuha bakit isasama niya ako.

"Gusto ko lang linawin na m-magkaibigan lang tayo. Di kasi naniniwala ang mga kaibigan ko sa akin. Atsaka, ipapakilala kita sa kanila bilang bagong kaibigan ko, diba?" Magkaibigan? bakit parang masakit marinig ang salitang magkaibigan.

No. Paghanga lang ito! Impossibleng may sasakit sa loob-looban ko! Bawal to! Bawal akong magmahal! Ayokong makadamay ng inosente...

"Uy! Hello! Nandito ka pa ba?" winagayway niya ang kamay niya sa harap ko.

"Oo" bumalik na ako sa wisyo.

"Oh ano? Sasama ka?" tanong niya.

"Oo, sasama ako" tinignan ko si Alexander na nasa tabi ko na nakatalikod na sa akin.

"Uy! Anyare sa'yo?" tanong ko. Humarap siya sa akin at ngumiti.

"Ah wala naman! Mamayang 3pm ha? Free naman tayo diba?" tanong niya sa akin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 27, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Consequences of Loving You (Ongoing Series)Where stories live. Discover now