Chapter 7 - Confrontation

135 5 1
                                    

Sorry! Ngayon ulit nagkaroon ng time -_-"

--*--*--*--*--*--*--*--*--*--*--*--*--*

"Remember your Mission?"

"Yes"

"Beat those girls! Nakakahiya kayo!"

"We will try Boss"

"You better use another Tactic, di sila madaling paikutin!" Sigaw niya sa akin.

"Boss, ang plan namin ay palambutin ang mga puso nila. Oras na gamitin namin ang pinagkaloob ng Diyos sa amin na kagwapuhan." Pagmamayabang ni Anthony

"May silbi rin pala yang papangit niyong mukha" Sagot ni Boss

Sumimangot naman si Anthony sa sinabi niya.

"Tapos unti-unti natin sila pahihinain, tapos pag mahina na sila saka na tayo umatake!" Spencer.

"Luma na yan!" Sighag ni Anthony

"Tsk! Bahala na kayo diyan! Luma man o Hindi ang plano niyo ang importante, magawa niyo ang pinagagawa ko sa inyo!" at umalis na.

~~

Antonette’s POV

“Alis muna ako Heaven, Ica”  paalam ko sa kanilang dalawa. Tumango sila.

May bibilhin pa ako sa 7/11. Kinuha ko ang jacket ko dahil malamig na sa labas.

“Balik ka before 9:30” pahabol ni Ica

“Okay!” Alam kong nag-aalala sila sa akin dahil gabi na at ako lang mag-isa.

Naglalakad ako at medyo malayo pa ang 7/11

Nang may humawak sa braso ko.

“Eto ‘yung sinasabi ko sa’inyo!” sabi nung lalaki sa kanyang mga kasamahan.

“Anong kailangan niyo?” Pero di sila nagsalita at hinila ako.

“BITAWAN NIYO AKO!” I punched him on his nose bridge and kicked him with 360 degree kick.

“Palaban si Miss!” ayun sumugod sila, I am ready to kick them nang may nangunang sumapak sa kanila. What the?!

“Miss tabi!” pinatatabi niya ako, parang sinasabi niyang kaya na niyang mag-isa ang lahat!

Tumabi naman ako. Tinignan ko ‘yung lalaki kung papaano niya isa-isang pinapatumba ang mga lalaki kanina.

The Consequences of Loving You (Ongoing Series)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang