Chapter 19:Selos?

158 4 1
                                    

Anika's POV



"Anak ng tinapa Anika.Magsisimula ka o magsisimula ka?" iritadong tanong ni Gwenne.Eh kasi,kanina pa sila naghihintay sa ikwekwento ko.Puro  buntong hininga lang ang ginagawa ko.




"Eh kasi,di ko alam kung saan ako magsisimula." sabay kamot sa ulo ko.



"Ano ba yan Anika!Mahigit isang oras na kami dito oh!Di ka parin nagkwekwento!Atat pa naman kami -.- " at inis na napaupo sa isa pang couch na katabi lang ng inuupuan ko.





"O M G!! Guys,take a look at this! Ang sweet nilaaaaaaaa" malakas na tili ni Leighla at napabaling naman ang atensyon namin.Iniharap pa nito ang phone kay Gwenne para makita kung anong tinitilian niya.



"Alam ba nila yung salitang W A L A N G F O R E V E R ?" ani ni pinsan na halatang iritado parin.


"Wag ka ngang bitter jan Gwenne!Tignan mo,ang cute kaya! Diba Anika?" sabay harap niya sa'kin ng screen. Bigla akong nanlumo sa nakita. Sa isang post,nakita ko yung picture ni Kasper with Zamora.Tama nga ako ng hinala.Sila nga yung magkasama. Doon,nakita ko si Kasper na nakangiting naka-akbay kay Zam.Parehas silang dalawa na naka hoodie jacket at ang mas nakapagpadala ng sweetness ay parehas itong black and white na may disenyong parang white thread na kapag pinagtabi mo ay bubuo ng salitang L O V E . At yung caption pa ay ganito.

With her ~ *heart emoji*





Fvck,why am I feeling this way?Para akong nag oover react.




Wala sa sarili kong hinablot ang kanyang phone at kaagad na nagreact ng - angry emotion - . Kaimbyerna sila -.-






"Woi Anika!Ano ba!Akin na nga yan!" sabay hablot niya sakanyang phone pero kaagad kong nailagan.




"Teka sandali,pahiram muna.May titignan lang." I calmly said,buti pumayag ang dyosa.

"Oh diba?Pati si Anika tutol sakanila.Wala kasing poreber." ani Gwenne na ngayon ay busy sa paglalaptop. Nagsusulat nanaman siguro yun ng story.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 24, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

"When the playboys fall in love"Where stories live. Discover now