Chapter 16: Kasper's First Move

134 6 0
                                    

Anika's POV


Hingal na hingal kaming tumatakbo patungong ----- music room?

"What the heck Kasper?!Bitawan mo nga ako!" pero di parin siya natinag at nagpatuloy parin sa pagtakbo.

"Argghhh! Kasper!!Kung ano man tong pinaplano just stop it! " at pilit na tinatanggal ang pagkakahawak ng kamay niya sa kamay ko.Napahinto ito sandali at nilingon ako.Napabuntong hininga pa ito bago magsalita. "I can't.Kasi nagsisimula pa lang ako.Wala nang atrasan pa." at tumakbo nanaman kami ulit.Hingal na hingal kaming napahinto sa harap ng music room.Napansin kong nakabukas ang ilaw dito.May tao?

"Putspa Kasper,Bakit kailangan pa nating tumakbo kung pwede naman itong lakarin -.- " reklamo ko habang namimilipit sa sakit.Ansakit sakit na talaga ng paa ko.Ikaw kaya ang tumakbo habang naka heels! .Napakamot nalang siya ng ulo.

"Haist! Never mind.Anong meron?Why did you bring me here?" sunod-sunod kong tanong.

"Easy lang miss.Haha.You'll find it soon." at kumindat pa talaga ang gago. Sinenyasan niya akong pumasok na at kinunotan ko lang siya."Sumunod ka sa'kin kung ayaw mong anohin kita! " banta niya. Binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin."Anong anohin?" taas kilay na tanong ko." Ahh,basta!Pumasok ka na nga lang!Ang kulit mo!" sabay tadyak ng paa na parang batang inagawan ng lollipop. "Ay wow! Ako pa talaga ang makulit ah?!Sige jan ka na!Aalis----" hindi ko natuloy ang sasabihin ko kasi bigla siyang pumasok without waiting kung anong gusto kong sabihin. Napaismid nalang ako sa kawalan at nakangusong pumasok. Nakita ko siyang nakaupo sa isang sulok  ,hawak-hawak ang gitara.

"Umupo ka dito." turo niya sa isang bakanteng upuan na kaharap niya lang.


"Nah,no need.May ibang upuan pa naman." tanggi ko na ikinakunot ng kanyang noo."Sit H.E.R.E " napa face palm nalang ako at umupo.

"HAPPY?" sarkastikong ani ko.Ngumiti naman ito ng nakakaloko.Agad kong iniwas ang aking tingin.Delikado na.

"So ano,bakit mo'ko dinala dito?" tanong ko habang nakatingin parin sa ibang direksyon.

"Look at me."

"H-huh?"

"I said,look at me.Wag mo na akong paulitin pa Nicks. " ay ganern?

"When the playboys fall in love"Donde viven las historias. Descúbrelo ahora