Chapter 5: Ang feeling kong ewan

255 8 1
                                    

Anika's POV


Anong nangyari sa'kin kanina?Bakit biglang may naramdaman akong kung ano sa dibdib ko nang makita silang dalawa. Ansakit eh.........Di ko na naiintindihan sarili ko.

*flashback*

"Pinsan,nagawa mo yung assignment mo sa Math?" tanong sa'kin ni Gwenne at bigla naman akong napatayo na siyang dahilan ng pagkagulat niya.

"Oo nagawa ko!Pero naiwan ko yata sa kotse ko!!" alarmang tugon ko.

"Eh?kunin natin bilis!malapit ng magsimula ang klase oh!First subject pa naman natin yun!" tsaka siya umakmang tatayo na agad ko namang pinigilan.

"Jan ka lang,ako na ang kukuha" sabay kuha ng bag at umalis na.Alam kong magpupumilit yang si Gwenne kaya inunahan ko na siya.

Pagkadating ko sa parking lot ay kaagad akong pumunta sa aking sasakyan at binuksan ito.Hinalungkat ko na lahat at wala parin ako nakitang notebook.Sinara ko nalang yung kotse at nag-umpisang maglakad pabalik. Ayy.wait teka!Baka nasa bag ko lang. Habang naglalakad ay hinahalungkat ko ang aking bag sa pag-asang mahanap ito dito.

"Damn,nasa'n naba yon?" bulong ko sa aking sarili.Iniangat ko ang tingin ko at nakita ko sina Kasper at Zam.Anlapit ng mukha nila sa isa't-isa.Kita ko pa na nilalapit talaga ni Kasper ang mukha niya kay Zam.

Damn that playboy.Kung sino-sino nalang yung tinitirada.

Pero bakit iba yung nararamdaman ko?Parang gusto kong umiyak pero ayaw lumabas ng luha sa aking mga mata.Parang ansakit...........No!Galit lang ako yon lang!Gusto kong umiyak dahil sa galit!Tapos!

Itinuon ko ulit ang aking sarili sa paghahalungkat ng bag ng biglang may nakabanggaan ako.It's Kasper.Suddenly, my heart beats fast.No,it can't be!!Galit lang talaga ako!!

"What the-------- ?!" inis na singhal nito at gulat na napatingin sa'kin.Napalingon rin si Zam sa'kin na parang naiilang.Pinilit kong hindi sumalubong yung kilay ko.Kinuha ko yung nahulog na bag at pati narin yung pirasong papel.Habang pinupulot ko yung papel,as if binabasa ko yun kahit blangko.Itinuon ko ulit ang aking paningin sa dalawa na walang ka emo-emosyon.

"Oh I apologize" seryosong sabi ko tsaka umalis. Hindi ko kayang manatili sa lugar kung saan nandoon siya.Nakahinga naman ako ng maluwag pagdating ko sa classroom.Pero parang ambigat bigat ng nararamdaman ko.As if may dinadala akong mabigat na problema.

*end of flashback*

"Woohh! Nakakastress yung mga lessons!" usal niya habang inaayos ang kanyang mga gamit.

"Nicks,Tara na?" biglang sulpot ni Gwenne sa harap ko.

"A-ahh Sige" at sabay kaming nagtungo sa locker room.Habang inaayos ang mga gamit ko sa locker,I saw Kasper walking towards me with my peripheral eyes.

"When the playboys fall in love"Donde viven las historias. Descúbrelo ahora