8. Chaste and Longing Kiss

Magsimula sa umpisa
                                    

"Why didn't you call me? I should have been there for you."

"Maraming naging problema sa itinatayong hotel. Gumuho ang ilang parts nito habang itinatayo siya. I have to sue the construction company na nagsu-supply ng materials. And Dad's still in the hospital that time."

"I'm sorry I didn't know that." Humihikbi pa din ako.

"It's okay. I'm sorry, too. But it was an accident. I already fired her." Tumingin ako sa kanya. And yes, it was Hazel. Pinunasan niya ang luha sa pisngi ko. "I'm sorry, baby. I should have known. I love you and I wouldn't kiss any woman's lips if it wasn't you."

"Ice, I want to hear all the truth out of it. Ayoko ng sugar-coated words. Ayoko ng ganon." Saka ulit ako yumakap sa kanya. This feels good.

"Okay, you will hear everything. I also want an explanation to what I saw." Tumango ako habang nakasubsob ang mukha ko sa balikat niya. "'Cause I'm freaking jealous, Liz!" Naramdaman ko pa ang mahigpit niyang yakap sa'kin.

"For almost two months, I'm in torture. Nakikita nga kita pero hindi kita mahawakan. I want to hug you as tight as this. I want to kiss you as much as we want to. I want to feel your warmth. At ngayong nandito na ako saka pa ako makakakita ng ganon. I hate it. I'm freaking jealous and this is the first time for me. Nobody touches you but me. Nobody else could kiss you but me. Nobody else should have you but me."

Tumingin ako sa kanya at nakita ko sa mga mata niya kung gaano siya nagseselos. Kung gaano niya ako nami-miss. Kung gaano  siya nagagalit sa nakita niya kanina. I'm terrified by the way he shouts at me but I'm not terrified with him being posessive.

Naramdaman kong humigpit pa lalo ang yakap niya sa'kin. "I'm sorry, baby but I have to be selfish. I'm not used to share what I own. I'm selfish because I just want you for myself."

Yumakap din ako pabalik sa kanya. I'm still crying but I don't care. At least I know that Ice wants me. That he loves me. Step by step, I will know what happen.

Pagkatapos ng yakapan namin ay dumiretso kami sa hotel nila. Halos lahat ng empleyado ay nagulat sa pagdating niya kaya naman aligaga ang lahat sa pag-asikaso sa anak ng CEO ng Howard Hotels. Nagulat din sila dahil kasama ko si Ice at hawak hawak niya ang kamay ko. 

Binigay ng receptionist, na medyo pamilyar sa'kin, ang card ng suite. Sinalubong din ni Maam Ana at ng iba pang managers si Ice. Kinausap naman ni Ice ang mga ito ng saglit at dumiretso na kami sa elevator papunta sa suite niya.

"Ice, okay na ba yung Dad mo?" Tanong ko sa kanya.

"He's recovering. Kaya nakapunta na ako dito."

"Wala ka na bang aasikasuhin sa Pinas? Paano yung construction ng bagong hotel niyo?"

"Hmm...naghanap ako ng bagong comapny na magsu-supply ng materials sa bagong hotel. Sumakto naman na nandito yung CEO ng Fernandez Firm kaya nakipag-meeting ako sa kanila kanina bago ako pumunta sa bar kung nasaan ka." Tumango na lang ako sa sinabi niya hanggang sa makarating kami sa suite niya.

Engrande talaga ang hotel nila. Mula sa high class na mwebles at mga chandeliers. Maganda din ang lugar na pinagtayuan ng hotel nila. Kitang kita ang over-looking na syudad.

Humarap ako para tignan si Ice. Nakaupo siya sa kama at nakapikit. Mukhang napagod siya. Nakipag-meeting pa siya kanina pagkatapos pumunta siya bar kung nasaan ako. Mukhang may balak siyang sorpresahin ako sa pagdating niya dito. Napa-buntong hininga ako. Ang dami pala naming misunderstanding gawa na din ng miscommunication. LDR couldn't be trusted.

"Magpahinga ka muna, Ice. You look really tired." Sabi ko sa kanya. 

"No, I want us to talk." Hinila niya ako at napaupo ako sa tabi niya. Kinabahan agad ako.

Tinignan ko ang mapungay at pagod niyang mga mata. Nakatinginan lang kami parehas. We are alone in one room. In one big space. Just me and Ice. Yan ang laman ng isip ko. Ang lakas pa ng tibok ng puso ko. Oh my God! Why am I having such thoughts?

"Listen to me, Liz. I know for sure you have doubts about me because of that stupid kiss and picture. It was nothing, okay?" Hinawakan niya ang pinsgi ko. "Kahit na nasabi ko na ito kanina. It was just an accident. And I haven't called you because of Dad's condition. I'm sorry, baby, if I haven't called you. Communication means a lot, right?" Ngumiti siya sa'kin. "I know my excuse is such a stupid excuse and I'm sorry."

"It's okay." Tumango ako sa kanya.

"I won't let that happen again. Ayoko na ng ganon. Nagsisigawan tayo. I'm sorry if I hurt you." Niyakap niya ako at niyakap ko din siya pabalik.

"So what's with you and that Tristan?" Nanliit ang mata niya nang tumingin ako sa kanya. "He likes you. You should stay away from him."

"You know I love you." Sabi ko sa kanya. Hindi ko alam kung anong nangyari kay Tristan at kung bakit ganoon ang kinikilos niya sa'kin. Pero wala namang makakapagbago ng nararamdaman ko. It's still Ice.

Hindi siya nakasagot sa'kin. Nakita ko pa siyang pinipigilan ang ngiti at ngumuso siya. Natawa naman ako sa ekspresyon niya. Kinikiliti ng bongga ang tiyan ko. I miss him. So much.

"I miss you." Sabi ko sa kanya. 

Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at sinabing, "I miss you more." Saka siya lumapit sa'kin. Mas lalong tumibok ng mabilis ang puso ko. My heart is racing again. Ice is looking at me intently. Nakaawang ang bibig niya habang papalapit siya ng papalapit sa'kin hanggang sa magtama ang ilong naming dalawa.

"I love you, baby." Nakapikit ako habang sinasabi niya iyon. Hanggang sa inangat niya ang baba ko at inilapit ang labi ko sa labi niya.

"I love you too, baby. So much." I said between kisses. And there we shared a kiss. A chaste and longing kiss.

 --------

P.S. I hava a problem with getting in touch in Singapore since hindi pa ako nakakapunta doon. I have lapses don and I'm sorry. Nagresearch naman ako about doon sa Sentosa Park at sa Resorts World at alam ko rin na may Lifestyle District sila doon katulad din ng mayroon sa Manila. Yung Howard Hotels of course, di ko alam kung totoo. But this is fiction. Haha But I also want my fiction story to be as real as possible kahit imposible. LOL. Salamat ulit. :)

Forever And A Day With Ice HowardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon