4. Spell and Red String

72 3 5
                                    

Lumabas ako sa office ng HR ng hotel. Tapos na sa wakas ang internship ko at syempre, tanggap na ako sa trabaho. 

"Huy girl, kamusta?" Tanong sakin ni France nang makasalubong niya ako.

"Okay naman. Tanggap naman ako." Sabi ko.

"Eh bakit ganyan ang mukha mo, para kang hindi tinanggap." Komento niya.

Paano ba naman kasi inoffer-an ako ng trabaho sa Singapore. Yung isa pang hotel ng mga Howard. Hindi naman sa hindi ko gusto. Sayang ang opportunity pero paano naman si Ice? Alam niya kaya ito?

Ipinakita ko kay France ang letter. Tumalon siya at niyakap ako. Sabi niya pa dapat maging masaya daw ako dahil iilan lang ang napipili sa mga ganitong bagay. Tama nga naman si France, iilan nga lang talaga. Mga dalawa. At isa ako sa napiling iyon.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bag. Tinignan ko muna ang oras bago ako pumindot sa cellphone. Baka kasi may meeting pa siya. 4pm. Ang alam ko wala na siyang meeting ng ganyang oras at nasa office na lang siya kaya nag-dial na ako ng numero niya.

Nag-ring ito ng limang beses bago niya sinagot.

"Hi, Liz! How was it?" Sabi niya sa kabilang linya.

"Di mo alam kung anong result?" Nagtaka ako sa kanya. Siya ang namamahala ng hotel nila, parang imposibleng di niya inalam.

"Hindi. I want you to tell me. Kung hindi ka man pumasa, I'll comfort you. O kaya susugudin ko na lang yung tao sa HR." Natawa ako sa sinabi niya.

"Of course, I passed. Don't underestimate my skills." Sabi ko ng nakapamewang. 

Narinig ko ang tawa niya. "I know you'll pass. You're Liz."

"Ang cheesy mo!"

"You love cheese, don't you?" Napangiti na lang ako sa sinabi niya. Ganito din kaya ang mangyayari kapag LDR na kami? Nalungkot naman ako bigla sa naisip ko.

"You still there, Liz? I'm sorry, medyo busy kasi." Sabi niya.

"I know. It's okay. Sorry, if I call."

"No, it's not your fault." I heard him sigh. "Your voice makes me relax, anyway. Pauwi ka na ba ngayon?"

"Hm...oo sana. I have to tell you something pero gusto ko sa personal."

"Hm...mamaya pa ako dito, Liz."

"It's okay. I'll just go home." 

"Are you mad?"

"No."

"You sure?"

Tumawa ako. "Yes, I'm sure."

"Alright. I'll call you later. Take care."

"Ikaw din." Binaba niya na ang phone. I sighed. Paano ko kaya masasabi sa kanya ito? Hindi niya pala inalam ang result. Edi ibig sabihin hindi siya yung nag-refer sakin sa Singapore kundi ang mismong Management.

Well, it's hard to choose between dream and love. Yes, this is a once in a lifetime opportunity but we still have doubts. I still do. Paano kapag magkalayo kami ni Ice ay makalimutan niya ako? O di kaya naman mas maraming babae ang umaligid sa kanya. 

Kahit na nakilala na ako ng lahat bilang girlfriend niya, still marami pa ring nagkakandapara sa kanya. Lalo na ngayong mas mature na siya. Madalas ko ngang nakikita ang mga babae na lumalapit sa kanya. Mga past niya.

Minsan din nung nag-date kami, isang sexy model ang lumapit sa kanya. With her seductive look, nilalandi niya si Ice sa harap ko. Ngayon pa nga lang na nandito ako sa tabi niya marami nang umaaligid, paano pa kaya kung malayo ako sa kanya.

Forever And A Day With Ice HowardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon