8. Chaste and Longing Kiss

40 1 0
                                    

Warning: Lenggwahe. I'm so sorry. :(

-------------------------------------------------

"Why are you touching her?" Sigaw niya kay Tristan. Naka-three piece suit siya at kita ko ang galit sa mukha niya. He's here! Oh my God!

Imbes na mainis ako ay natutuwa pa ako. I don't know. I can't help myself to be happy kahit marami pa akong issue sa kanya. But he's here. Pero kapag naiisip kong may nakahalikan siya ay bumabalik ang inis ko. Kaso naman walanghiyang puso ang bilis tumibok masyado. 

Binitiwan niya ang kamay ko para kwelyuhan si Tristan. Napasigaw naman ako at agad na pumagitna sa kanilang dalawa. Pinagtinginan kami ng mga tao at agad na pumunta si Vini at ang iba pa naming kasama. Nagulat sila nang nakita nila si Ice sa harapan nila.

"Ice!" Sigaw ko sa kanya. 

"Don't you dare touch my girl!" Sigaw niya kay Tristan bago nito bitawan ang kwelyo nito. 

Pinanood ko lang siya habang tumatayo siya at akmang lalabas ng bar. Pero nang naramdaman ko na hinawakan niya ang kamay ko ay wala na akong nagawa kundi ang magpahila sa kanya palabas. 

"Ice! Ano ba?" Hinihila niya pa din ako at hindi man lang niya ako pinapansin.

"Ano ba!" Hinila ko ang kamay ko pagkarating namin sa parking lot. Nakakunot ang noo niya at kitang kita ko ang galit sa mga mata.

"What are you two doing there!?" Sigaw niya sa'kin. Nanginig ako sa sigaw niya. Letse! Aba, siya pa ang may ganang manigaw dito! Pinanliitan ko siya ng mata. "You almost kiss! I saw you!" Dagdag niya pa.

"But I never did! Pero ikaw! Ikaw ginawa mo. They even took a picture of it at nakapost pa iyon. At ikaw pa ang may ganang sumigaw dito? Ikaw pa ang may ganang magalit? You don't even care to explain that damn picture to me! Pagkatapos magpapakita ka sa harap ko para sigawan lang ako. How dare you!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Oo, mabilis ang tibok ng puso ko dahil sa presensya niya sa harap ko pero hindi pa rin mababago nito na meron pa siyang kasalanang ginawa.

Hindi siya nakapagsalita. Namutla lang siya habang nakakuyom ang panga niya. 

"See, you are guilty! Ano? I thought you've change." Pumiyok na ang boses ko. Napaluha na lang ako dahil sa galit ko. 

"Baby..." Lumapit siya sa'kin. Napaatras ako. 

"What are we exactly? Are you toying me? Pinaglalaruan mo lang ba ako? Bored ka ba noon kaya ako ang napagtripan mo?" Naiyak na ako ng tuluyan sa sinabi ko. 

"Fuck, Liz! I never thought of you as a toy!" Napasapo siya sa noo niya bago niya hinilamos ang kamay niya sa mukha niya. "Kung nilalaro lang kita at kung bored ako sa'yo, I should have left you before I even asked you to be with me? Kung pinaglalaruan lang kita, I wouldn't be here chasing you. FUCK! Just fuck it." Tumalikod siya at sinuntok ang kotse niya. Nanginig ako sa ginawa niya. I never thought this scene will happen to us.

Umiiyak lang ako doon habang pinagmamasdan siyang frustrated. Ilang sandali ay lumapit siya sa'kin at niyakap ako.

"I'm sorry, baby." Humikbi ako. I can't speak. "I'm sorry. I was about to call you after it happened."

Sinapak ko siya habang nakayakap siya ng mahigpit."Bakit di mo ginawa?"

"'Cause something came up. I'm sorry dapat inuna kita." Bumuntong hininga siya. "Naospital si Dad."

Nalusaw agad ang galit ko. Nalusaw agad lahat. Unti unti nang lumambot ang puso ko na sa una pa lang naman ay malambot na ito para kay Ice.

Forever And A Day With Ice HowardWhere stories live. Discover now