10. Hazel and Tristan

51 1 0
                                    

"Hazel." Nagulat ako ng nakita ko siyang pumasok. This is Ice's suite. Why is he here?

Nakita ko din sa mukha niya ang pagkagulat. Parang 'di niya inaasahan na nandito ako sa suite ni Ice.

"You two are still together?" Tanong niya na parang di makapaniwala. Napasapo pa siya sa noo niya. "Damn, that guy! He failed."

Napakunot ako ng noo. Who failed? Hindi ko alam. Sa tingin ko ay laging may kakaibang lenggwahe itong si Hazel. Marami siyang weird thoughts. Katulad na lang n'ung Red String na sinasabi niya.

Lumapit siya sa'kin at nagbanta. Nag-wicked smile pa siya sa'kin. Grabe. She's such a witch.

"You think that you won?" Tinaas niya ang kilay niya. "Well, you haven't. You will lose and I'll get him."

Saka siya diretsong lumabas ng suite. Dinig na dinig ang mga malakas na pagdadabog ng mga paa niya. At bakit? Is this a game? This isn't a game. I love Ice and he loves me. Bakit niya pa balak kunin sa'kin si Ice?

It's obvious that Hazel likes or more like loves Ice. Pero ganun ba siya kadesperada para makuha si Ice. If I love a man and he doesn't loves me back, I have to move on right? I don't have to be desperate to get his love. Yes, it will hurt me but I'll get over with it. Dahil alam kong magiging masaya ang taong mahal ko sa iba.

Pero paano kung sa'kin yun mangyari? Will I be desperate like Hazel? Will I do everything even if it means that I have to hurt the woman she loves? Oh my God!

"Baby, is something wrong?" Napatingin agad ako sa nagsalita. It's Ice. Ni hindi ko man lang namalayan na dumating na siya.

Kinuha niya ang mga papel na hawak ko at inilapag ito sa mesa niya. Kanina ko pa pala ito hawak dahil sa sobrang pag-iisip. Napabuntong-hininga ako. Should I tell Ice na nanggaling dito si Hazel? Alam ba ni Ice na nandito ang babaeng gusto siyang agawin sa'kin?

"Hey, tell me what's wrong." Tumingin ako kay Ice na nag-aalala."Baby, you can tell me what's bothering you."

Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at hinigpitan niya ang hawak dito. Nag-ipon ako ng lakas ng loob para sa sabihin sa kanya kung anong gumugulo sa isipan ko. Pumikit ako bago magsalita.

"Dumating si Hazel dito." Nakita kong namutla siya sa sinabi ko.

"A-Are you alright? Sinaktan ka ba niya? What did she do?" Umiiling ako sa mga tanong niya.

"She didn't do anything." Yumuko ako. Hinila ako ni Ice para yakapin. "She said she'll do anything to get you."

He chuckled. Bakit siya tumatawa sa mga ganitong pagkakataon? "And what did you say to her?"

"She walked away after she said that. Sobrang inis na inis siya."

Tumango lang siya habang niyayakap ako. What if she'll succeed? Nakakatakot. Baka mamaya sa sobrang pagka-desperada niya ay gayumahin niya na lang si Ice. Hindi pwede ito.

"And you believe that she'll succeed? Come on, Liz. It will never happen."

"What if it did? Paano kung akitin ka niya? Paano kung gayumahin ka niya?"

"As if that will happen, baby." Tinanggal niya ang kamay ko sa bewang niya. He cupped my face. "Look at me, Liz." At tinignan ko siyang mabuti sa mga mata. He looks serious.

"I don't think a day will come that Hazel will get me. I won't be attracted to her. You know why?" Ngumiti siya sakin with his soft smile and eyes. "'Cause I'm already smitten with you. I'm not sugar-coating here, baby. I really am in love with you. And I don't think I can't get over with you so you have no choice but to be with me."

Forever And A Day With Ice HowardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon