Shoot 22 "Couple Quest"

Start from the beginning
                                    

"Hindi pa ako nakakapagdesisyon e." Sagot ko sa kanya. Sinasabi nga ni Lucky na mag-support class na lang ako but I hate being a backline member of the party na maggagamot lang. Gusto ko na ako yung nasa bakbakan.

"Mas lalakas ang attack mo kung pipili ka na ng class," Sabi niya sa akin.

"Eh ano ba sa tingin mo ang babagay sa akin na class? Maybe kailangan ko nang opinyon ng iba." Sabi ko sa kanya, lumiko kami sa isang pasilyo at papunta kami sa blacksmith para ipa-upgrade ang rifle ni Darkshadow. Sasamahan ko lang siya.

"In your case, assult class suits you. Mas gusto mo laging nasa bakbakan e." Bingo! Mas gusto ko nga na nasa bakbakan lagi. Mamaya nga ay papanuorin ko sa youtube ang advantages and disadvantages of taking up assult class.

Tumingin ako sa oras and ala-una na nang tanghali. Kailangan ko pang pumunta sa mall ngayon para bumiki ng stock na pagkain sa bahay.

"Magla-log out muna ako, may kailangan pa akong gawin," Paalam ko kay Darkshadow. "Bukas pa naman natin gagawin yung mission 'diba?" Tanong ko at tinanguan niya lamang ako.

"Yes. 8:00 at night. Be there." Utos niya sa akin.

I rolled my eyes on him for being bossy bago ako nag-log out.

Pagkatanggal ko ng nerve gear ay pinunasan ko agad ang pawos na namuo sa aking noo

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Pagkatanggal ko ng nerve gear ay pinunasan ko agad ang pawos na namuo sa aking noo. Saglit akong nagpahinga bago naligo.

Bandang alas-dos nung makaalis ako ng bahay. Kinuha ko ang pera na nakapatong sa ibabaw ng fridge pati na rin ang listahan ng mga dapat kong bilihin. Walang ibang tao sa bahay ngayon kun'di ako lang dahil pumunta si mama sa aprtment ni kuya, may sakit daw ang mokong kong kapatid.

Pumunta ako sa pinakamalapit na mall at pumasok sa hypermarket. Binili ko lang ang mga kailangan kong bilihin at lumabas din naman ako agad.

It's 3:30 in the afternoon nung natapos akong mamili at napagdesisyunan kong mag-ikot-ukot muna rito sa mall. Una kong pinuntahan ay ang National Bookstore.

Bukod sa paglalaro ng game, isa rin sa kinahihiligan ko ay ang pagbabasa ng novels. Medyo matagal kasi ang biyahe kapag papasok at pauwi ako from school and instead of listening to music, nagbabasa na lang ako ng mga nobela.

I scanned all the books at may pumukaw na libro sa atensyon ko. Altheria: School of Alchemy. I'm a fan of the story and sinubaybayan ko siya online!

Dadamputin ko na dapat ang huling copy ng libro kaso ay may isang lalaki na nauna ang kamay ke'sa sa akin. "Sorry, mister, nauna ako sa librong iyan." Bigkas ko at tumingin sa kanyang mukha-- si Raydin. "Ikaw na namang demonyo ka?!"

"You're still bitter that I won at Math competition and you're just landed at the fifth place? Being 5th place ain't bad at all." Ayan na, nagsimula ng mang-asar ang demonyo.

School War OnlineWhere stories live. Discover now