Shoot 22 "Couple Quest"

Start from the beginning
                                    

Ooops, kung iniisip ninyo na kaming dalawa iyan ni Darkshadow... Diyan kayo nagkakamali. Sa dami-dami ng pwedeng pwestuhan dito sa school garden, dapat talaga sa tabi nitong dalawang couple na naglalandian.

Like seriously, nakakasuka! Parang rosas daw, sus malalanta rin ang rosas, papangit din 'yan. "Bakit ba dito mo pa ako kailangang papuntahin?" Tanong ko sa kanya at umupo sa tabi niya sa bench.

Biglang tumayo si Darkshadow. "Halika na,"

"Wow naman! Kakaupo ko lang, tapos aalis agad tayo?" Pasigaw kong tanong sa kanya.

"Alam mo, ang ingay mo. Tara na lang." Inis niya ring sagot sa akin kung kaya't napairap ako sa ere.

He's still the bossy Darkshadow. Never namin magagawa yung pinaggagawa nung dalawang couple na nasa tabi namin. Eeew, kadiri.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya at humabol sa kanyang paglalakad. A lot of students are looking on us but hindi ko na lang ito pinagtuunan ng pansin dahil parehas kaming mainit sa mata ng mga tao.

"There's a couple quest na mataas ang pabuyang pera at may mga items na pwedeng ipang-upgrade sa mga gamit. Kukuhanin natin iyon," sabi niya sa akin.

Napakunot ang noo ko. Ang couple quest ay ang bagong feature sa game na last week lang naging available. Quest ito para sa... Ehem... Ehem... Magsyota. "Anong level mo?" Tanong niya sa akin.

"26." Sagot ko.

Kumunot ang kanyang noo. "Ang bagal mong magpa-level, malapit na ang war so dapat nag e-exp boost ka na." Sabi ni Darkshadow. Palibhasa ay level 35 na kasi siya at hindi pa rin siya nalalaglag sa top 5 overall ranking. Habang tumataas ang level ay pahirap na nang pahirap magpa-level.

Pumunta kami sa principal's office dahil sabi ni Darkshadow ay doon daw nakukuha ang quest na iyon.

"May isang bata kasi na nawawala sa may Mystic forest. Walang kasiguraduhan kung buhay pa ang batang ito o patay na ngunit nais ng ama niya na hanapin pa rin siya at maiuwi sa kanilang bahay,"

Bigla akong napalagok ng laway dahil pupunta kami sa mystic forest. Isang beses pa lang ako nakakapunta sa lugar na iyon at wala pa akong 30 minutes sa lugar na iyon ay namatay na agad ang character ko dahil sa malalakas na monsters na namamalagi dito.

"Handang magbigay ang ama nito ng malaking pabuya. Tatanggapin ninyo ba ang misyon?" Tanong ng aming principal.

Will you accept the quest?
Yes
No

"Darkshadow, mababa pa ang level ko para pumasok sa Mystic Forest." Sabi ko sa kanya dahil pang-level 30 pataas ang map na iyon. Hindi ako takot I am just not sure kung kakayanin ko.

"Sino bang kasama mo magku-quest?" Okay, si Darkshadow nga pala na hambog ang makakasama ko. Mataas ang bilib niya sa kanyang sarili.

I rolled my eyes and accepted the quest. Sabi naman niya ay bukas na lang namin ito sisimulan dahil titingin pa siya sa forum baka makakita siya ng helpful tips to finish this quest easily.

"You're now level 26 and hindi ka pa rin pumipili ng class mo?" Tanong niya sa akin. Ang tinutukoy niya ay ang class kapag nag-level 20 na.

Darkshadow is in sniper class. Thatjerk is in Heavy class (which is cool for me). At si BlueQueen ay nasa Assult class. Nung nakaraan man ay nagpalit na rin ng class sina Lucky at Katana. Si Lucky ay nasa support class samantalang si Katana naman ay kagaya ni Thatjerk, she takes up heavy class.

School War OnlineWhere stories live. Discover now