"Ang dami mong kiliti."

"Paano mo naman nasabi?"

"Nakabisado ko na kung saan-saang parte sila. Even when I'm inside you, I know where to hit the proper spot."

Nanlaki yung mga mata ko at nag-init nang husto yung buong mukha ko sa sinabi niya. "Alam mo, imbes na minamanyak mo ko verbally, why don't you just tell me something about yourself? Palagi na lang kasing ako yung nagkukwento sa 'yo tungkol sa akin at halos wala pa 'kong alam tungkol sa 'yo."

"What do you want to know about me?"

"May nickname ka ba?"

"My close friends call me Rye sometimes."

I smiled. "Ry? How do they spell it?"

"R-Y-E."

"Ahh..." Tumango ako. "So ilang taon ka na, Rye?"

"I'm twenty-nine. My birthday is July 8."

"Wow! Ka-birthday mo pala yung kapatid kong si Zailey. Six years older ka pala sa 'kin."

"Why? Does it matter to you?"

"Hindi naman." Mas gusto ko nga yung thought na mas matanda ka sa 'kin kasi sabi nila men older that their women tend to be more caring and protective. Napangiti ako sa naisip ko. "Tell me more about yourself."

"I'm a pilot."

My eyes widened. "Wow! Really? Ang astig naman! Kaya pala marunong kang magpaandar ng helicopter. President na ng mga kumpanya, pilot pa."

"My dad was also a pilot kaya siya yung naging inspiration ko na gayahin paglaki ko. When Dad became very busy with our companies, hindi na siya nakakalipad, so I told my mom that when I grow up, I wanted to be a pilot too at ako ang maglilipad sa kanya sa iba't-ibang mga bansa at isasama pa namin sina Daddy at Trevor. But those dreams remained only a dream. Hindi ko na natupad kasi even before I could study aeronautics, nawala na sila pareho sa amin."

Parang kinurot yung puso ko dahil sa mga ikinuwento niya. "You really love your mom, don't you?"

I saw him smiled. "Sobra. Siya kasi yung hands-on na nag-alaga noon sa amin ni Trevor kaya sobrang close kami sa kanya. I could still remember whenever she was playing with us when we were still young. Kahit lalaki kami, nakikipaglaro talaga siya ng toy cars sa amin ni Trevor. Ipinapasyal niya kami palagi sa kung saan-saan. She was very supportive whenever I had school plays. Siya yung palaging nagpapalakas ng loob ko. She was always proud with my achievements in school. She was also a great cook that's why Dad was always complaining that she was making him fat."

Kahit medyo madilim ay kitang-kita ko pa rin na kahit nakangiti siya ay malungkot na malungkot naman yung mga mata niya. Tumagilid na rin ako at hinaplos ko yung pisngi niya. "Mahal na mahal talaga kayo ng Mommy mo."

"She did. Even yung mga pangaral niya noon sa amin ni Trev, until now I could still remember a lot of them. Siguro kaya hindi ko na magawang saktan ka ngayon or to treat you again badly because oftentimes, I could see my mom in you. Your simple but thoughtful ways of taking care of me made me always think that she was just near to me. Kahawig mo nga siya tuwing ngumingiti ka."

I felt my eyes filled with tears. "Talaga?"

"I wish she was still alive. I wish you could meet and know each other. Siguradong magkakasundo kayo."

"How did she die? I mean... kung okay lang sa 'yong pag-usapan."

"She had a heart attack. Hindi niya kinaya nung nalaman niya na namatay na si Daddy," he told me as his voice cracked for trying to suppress his emotions.

Heart Held CaptiveМесто, где живут истории. Откройте их для себя