CHAPTER ONE

87 2 0
                                    


This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

+++++

Lexxie Min Gael, a daughter of Allyssa Eunice Lianno-Perez. The only daughter who had been fall inlove to someone who can't love her back.

Magmamahal ka pa ba kahit alam mong hindi ka naman mapapansin?

Magmamahal ka pa ba kung ang turing lang sayo ay isang kaibigan?

Magmamahal ka pa ba kung gagawin ka lang niyang rebound?

Kahit una palang alam mong mahal mo na siya, lagi kang nandiyan sa tabi niya para gawin ang bagay na alam mong kailangan niya ng tulong.

Ngunit, paano kung ipinagtapat mo na sa kanyang mahal mo na siya pero hindi niya matanggap?

Susuko ka na ba? O tatanggapin ang nakatadhana?

- I LOVE YOU FROM THE START -

*********************************************

#ILYFTSChapterOne

***********************************

"Kieeeeeellleeee! Kielle!" Halos hindi ko na siya aabutan dahil ang laki ng mga hakbang niya. Habang ako eto kailangan pang tumakbo maabutan lang siya.

"Hoy Yssan Kielle!"

Hindi niya parin ako narinig halos mamaos na ako sa kakasigaw ko sa kanya. Sinasadya na naman ba niyang magbingi bingihan? Sarap na nga niyang batuhin ng sapatos ko eh.

Aga aga ganito ang routine ko sa kanya. He's three years older than me. Naging close lang kami dahil na rin mag bestfriends ang Mommy ko at Mommy niya noong high school. Ngunit mas maaga siyang naulila sa ama't ina. Hindi siya masyadong nakukwento kasi, sa madaling salita matipid siyang magsalita.

"Pag hindi ka pa lumingon, babatuhin na talaga kitaaaaaa!" Napahinto naman ako pagkatapos kong isigaw iyon.

Pero mukhang sinusubukan niya talaga ako. Mga limang dipa na siguro ang layo niya sakin. Still wala parin siyang kibo. Humanap ako nang buwelo tsaka hinubad ang flat shoes ko.

"One, two, three!" Sabay hagis ng sapatos ko at ayun!

"What the hell!" Sapul sa ulo niya. Pasalamat nga siya at wala itong takong dahil kung hindi mas masasaktan talaga siya. Pahawak hawak siya sa ulo niya at hinihimas himas ito.

Buti nga sayo.

"What was that for?" Tanong niya sakin inirapan ko naman siya at hinintay akong makalapit.

"Bakit ba ang bingi mo? I was calling for you three times pero hindi ka man lang lumilingon!"

"Do you think, is it the proper way that you'd throw your fuvkin' shoes on me! The hell Lexxie!" Galit na galit niyang singhal sakin. Pabato niyang binigay sakin ang sapatos ko tsaka pumaunang naglakad muli.

Kitam mo to! Akalain mong hindi nagtatanda! Hmmft!

Imbes na habulin ko ang lakad niya ay binagalan ko nalang ito.

'Naku! Humanda ka lang talaga sakin Kielle dahil pag ako gumanti. Hindi mo ko malapit lapitan.'

"Are you going to talk to yourself the whole day?" Iritadong tanong niya sakin.

Hindi ko alam kung bakit napakamainitin ng ulo niya at mas lalong hindi ko alam kung bakit lagi ko nalang kinakausap tong sarili ko. Pinagmumukha pa akong baliw nitong kasama ko.

I LOVE YOU FROM THE START (ON GOING)Kde žijí příběhy. Začni objevovat