"My god Angeline, akala namin hindi ka na makakadating." Hinawakan ako ni Trisha sa magkabilang balikat. She's one of my friends on our section.

Sinipat nya ang mukha ko na para bang may hinahanap. Pagkatapos ay naramdaman ko na lang na pinupunasan na nya ng panyo ang pawis ko sa noo.

"Sorry, may nangyari lang kasi" paliwanag ko.

"Okay lang yan. Ang mahalaga manalo ka. Baka nakakalimutan mo, ikaw ang tunay na pambato ng section natin. Hindi ang isang yon." Nakita kong nginuso nya ang direksyon kung saan nandoon si Portia.

So some of our classmates dont want her, huh?

Natawa ako ng nandidiring umirap si Trisha. She looks really disgust on Portia.

Hindi lang naman pala kaming dalawa ni Rachelle ang may ayaw sa babaeng yon.

"Magsuot ka na at aayusan ka na namin nila Patricia. Wait for us there, I'll just call them. " tinuro nya ang isang bakanteng gilid na may upuan.

Pumasok muna ako sa dressing room para magpalit. Our dress code must be a white T-shirt partnered with any kind of jeans and Footwear.

Sinuot ko na agad yung akin at nagmamadali nang lumabas ng dressing room.

"You're hot on that, Gel" salubong sakin ni Trisha paglabas ko.

I gave them a smile. Umupo na ako sa upuang tinutukoy ni Trisha at humarap sa salamin. Halos hindi ko na nasundan ang mga ginawa ni Trisha sakin. All that i knew is her putting some make up on my face.

Ilang minuto pa ay natapos na rin siya sa pag aayos sakin.

"Im finally done!" bahagyang gumilid si Trisha para bigyan ako nang espasyo sa salamin.

"God Angeline. You will probably nail the pass sheets of the judges for you." muli akong napangiti sa sinabi ni Patricia. Maganda ang ginawa ni Trisha sa mukha ko dahil mas nadepina ang mga hugis at detalye sa mukha ko.

Imbes na matuwa, lalo lang yata akong kinabahan nang marinig ko na ang pangalan ni Portia na binabanggit sa stage. Sumilip ako roon at napanood ang walang kakaba kabang pagrampa ni Portia.

She's almost done and im the next contestant to be called.

Naramdaman ko na lang ang paghila ni Trisha sakin papunta sa likod nang stage. Gusto nang kumawala nang puso ko sa sobrang pagkabog nito.

"Go girl! Alalahanin mong kayang kaya mo silang patumbahin lahat. Boost your confidence and let them see how stunning you are on ramping" tumango ako at nagpakawala nang hangin.

Inayos ko na ang sarili ko at huminga nang malalim. Pagkarinig ko pa lang sa pangalan ko ay taas noo na akong lumabas nang entablado.

Sinalubong ako nang maiingay na sigawan at palakpakan. Their claps and cheers are almost the same on the beating of my heart. Nakita ko pa ang iba kong mga kaklase na may mga hawak na papel kung saan nakasulat ang pangalan ko.

I walked graciously on the ramp with a genuine and bright smile. Using my sweetest charm on the judges and people around the auditorium. Before i finished on ramping ,i'll make sure that they'll not forget my face.

Can't be Yours (ON HOLD)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin