"kaya dapat tapusin mo agad, hindi chapters ang binibilang Chichi, kundi Oras, tandaan mo pwede kang makita ng ibang tao na wala kang malay o natutulog lang sa totoong mundo at ilayo sayo ang libro... maraming instances kaya bago pa may makakita sayong ibang tao sa kalagayan mo, bilisan mo ng kumilos"

"sa pananalita mo para kang nagbabanta"nakapout kong sabi.

"hindi naman, nag papaalala lang"nakangiti nyang sabi.

"hello ladies..may pagkain na ba?"nakangiting bati ni Dre.

Pareho kaming napataas ng kilay ni Belle. Pano kasi nakaakbay si Dre na nakangiti kay Sean na mukhang ewan ang itsura. =.=

"kakatapos ko lang bee, tara kain na tayong apat!"masiglang bati ni Belle.

"Yiiee! ang bango bee!! mukhang masarap, the best ka talaga magluto"lumapit si Dre kay Belle at kiniss nya sa lips.

grabe sa harap talaga naming dalawa ni Sean?

"bee tama na, nakakahiya sa dalawa oh"natatawang sabi ni Belle.

"psh. edi gumaya sila, magkiss din kayo dali"masungit na sabi ni Dre.

"tsk! baliw ka talaga!"natatawang sabi ni Belle at hinampas sya ng mahina.

Napatingin ako kay Sean na nakatingin din pala sakin kaya napaiwas agad ako.

Naalala ko na naman yung kaninang nagkiss kami accidentally.
>\\\<

"I think we should eat now? I'm starving"sabi ko.

"Yeah, me too" sumulyap ulit ako kay Sean pero nakangiti na sya sakin ngayon.

Hala~ang pogee!

So ayun nga, kumain kami pagkatapos tapos ako naghugas ng plato kasi nakakahiya sa dalawang lovers na naghaharutan sa harap namin ni Sean kaninang kainan haha.
Nagsusubuan pa kasi. OP kaya kami ni Sean! haha.

"Take my hand...take a breath..pull me close..and take one step..Keep your eyes, lock into mine, and let the music to be our guide---"

"You can sing?"

"Ay dagang kulot!" muntik ko ng mabitawan yung plato sa pagsulpot ni Sean mabuti at nasalo nya agad.

"Bakit ba palagi kang nanggugulat!?"inis na sabi ko.

tumawa lang sya ng mahina at binigay sakin yung plato.

"what's that song?"

"ah? song? nakikinig ka!?"

"obvious? so what's that song then?"

"uhh..can i have this dance"

"ngayon ko lang yan narinig"

"uuh siguro matagal na kanta na yun"

kanta yun sa high school musical. wala bang palabas na ganun dito? ba't yung titanic meron??

"okay

"sya nga pala may jam na ginawa si Merielle para sayo,nandyan sa tabi pakikuha nalang"

"oww.. Well thanks.."sabi nya ng nakangiti.

"kay Merielle galing yan"

"Oo nga kakasabi mo lang diba?"

"sabi ko nga"

akala ko kasi sakin sya nag thank you haha! assumera.

sandali kaming natahimik habang ako naghuhugas parin, naiilang nga ako kasi pinapanood nya ako. >.<

✔Book ApartWhere stories live. Discover now