Chap. 16: Who will win CHLOE'S HEART?

1.1K 54 1
                                    

Nick's POV

Napaisip ako sa mga sinabi ni Chloe.. Tama siya, kung nabubuhay pa si papa gugustuhin niyang maging masaya kami, iniisip lang ni papa ang lahat ng makakabuti sa amin.

Mali nga ako, mali akong kontrolin ang buhay ni Chloe.. Alam kong lahat ng ginagawa ko ay para maiwasan niyang masaktan.. Nag-aalala lang ako sakanya, ayokong balang araw ay umiyak siya at masakatan dahil sa nagmahal siya ng sobra.. Pero kung ito lang ang magpapasaya sa kanya, dapat ko nang gawin ang nararapat..

Papayag na akong ligawan siya nina Nathaniel at Xander, pero hahayaan ko ng si Chloe ang magdesisyon kung sinong sasagutin niya..

Pumasok na ako sa school at hinanap ko sina Nathaniel at Xander..

Nakita ko si Nathaniel sa di kalayuan, kararating lang siguro niya.. Tumakbo ako palapit sa kanya,

"Ohh future brother-in-law, anong problema?" sigaw niya.. Ang ingay nito, mamaya kung ano pang isipin ng ibang studyante dito.. Mamaya isipin nilang engaged na sila ni Chloe..

"Bunganga mo nga! Pwede ba itigil mo na ang pagtawag sa akin ng future brother-in-law.."

"Ahh ganun ba.. Edi bayaw na lang para hindi na future, hahaha.." baliw ang isang to..

"Tch! Seryoso ka ba talaga sa kapatid ko??"

"Oo naman.. Sisiguraduhin kong lagi siyang ligtas kasama ako.."

"Siguraduhin mo lang Nath na di mo siya sasaktan at di mo paglalaruan ang damdamin niya, kundi manghihiram ka ng mukha sa asong ulol.."

"Sure bayaw.. Mahal ko ang kapatid mo,."

"Tch! Bayaw ka dyan, wag kang pakampante tandaan mo meron pang isa.." halatang natakot siya.. hahaha..

"Di naman ako magpapatalo sa kanya nuh.. Psh!"

"Hahahaha.. Oo na, basta alagaan  mo ang kapatid ko ahh.. Wala akong kinakampihan sa inyong dalawa, wala ring nakakalamang para sa akin.. Dahil tanging si Chloe lang ang magdidesisyon kung sino sa inyo.."

"Pangako bayaw, sisiguraduhin kong sa akin mapupunta ang kapatid mo.. Dahil kaya ko siyang protektehan.."

"Itigil mo nga ang pagtawag sa akin ng bayaw.. Tch!! Diyan ka na nga, baka late na ako sa class ko.."

Tinaas ko  na lang ang right hand ko, senyales ng pagpapaalam ko habang tumalikod na ako sakanya..

Nathaniel's POV

Pumayag na nga si bayaw Nick.. Masaya ako dahil pumayag na siya..

Naglakad ako papuntang section nina Chloe para kamustahin siya.. Namiss ko na agad siya ehh, xD sigurado ako sa nararamdaman ko.. Mahal ko na siya..

Habang naglalakad ako, syempre nagsisigawan na naman ang mga fangirls ko.. Aish! Nakakairita talaga sila.. Oo alam kong gwapo ako, di na kailangan pang ipamukha sa akin..

May lumapit sa aking babae, sigaw ng sigaw..

"Kung wala kang importanteng sasabihin, lumayas ka sa harapan ko, ngayon na.."

"Babe, let's date." sabay cling niya sa braso ko.. ang landi!

Hinawi ko buhok niya at linapit ang mukha ko sa mukha niya, aktong hahalikan ko siya.. Asa naman siya!

"Sorry ka ha, may GIRLFRIEND na kasi ako ehh.. Di ako mag-aaksaya ng oras sa mga walang kwentang tulad mo.."

Nanigas naman na parang bato yung babae sa kinatatayuan niya.. Naglakad narin ako papunta sa room ni Chloe.. Alam kong sumusunod parin sa akin ang mga fangirls ko, tch! Bahala kayo, masasaktan lang kayo pag nalaman niyong si Chloe ang ipapakilala kong girlfriend ko..

Dire-diretso lang ako sa pagpasok sa Section 1.. Oops! Andito na pala ang teacher nila, sorry naman..

"Mr. Hwang, bakit nandito ka.. Wala ka bang class? Don't you see that we're having our class right now and you're disturbing us.." ang sungit mo.. Palibhasa matandang dalaga, ipatanggal kita dyan ehh.. Pasalamat ka good boy na ako dahil andyan si Chloe..

"I'm sorry Ma'am,  but I have something important to tell to my GIRLFRIEND.." nagbulong-bulungan na ang mga studyante sa loob, may amnesia ba sila? Pinakilala ko na ngang si Chloe yun ehh.. tch! Repeat announcement nga lang..

"Kung di nyo pa alam, ang GIRLFRIEND ko ay si CHLOE HAN.. kaya kayo mga lalaki, wag kayong aaligid sa kanya.. at kayong malalanding babae, wag na wag nyo siyang aawayin kung ayaw niyong ako ang mananakit sa inyo.." lumapit ako papunta sa upuan ni Chloe, nakayuko lang siya at halatang hiyang hiya na..

"Don't be shy babe.." iniirapan na niya ako niyan, alam kong ayaw niya tong ginagawa ko dahil daw mapapahamak daw siya..

"Akong bahala sayo.." bulong ko sakanya.. tsaka ko siya hinigit patayo..

"I just want to tell you, and everyone how much I love you.."

Tameme lang silang lahat..

"I LOVE YOU, I LOVE YOU VERY MUCH CHLOE.." sabay halik ko sa noo niya, halatang gulat siya at namumula..

"Ayiieee.." pang-aasar ng mga lalaki dito sa section1 habang binibigyan kami ng palakpak.. Ang mga malalanding babae naman OA kung magreact, may kunyaring di makahinga at nahihimatay.. tch!

"Ma'am pwede ko bang i-excuse si Chloe.. Magdedate lang po kasi kami ehh.."

"Ok you may go.. Wala na akong magagawa.. Go Chloe, you're excuse from all of your class.."

Yes! Hahaha.. Kami naman ang magdedate.. ^__^

Xander's POV

Kitang kita ko lahat ang pangyayari sa loob ng room nina Chloe.. Gagawin talaga lahat ni Nathan para mapasagot niya si Chloe.. Alam kong MAHAL NA MAHAL rin talaga niya si Chloe..

Wala na akong magawa, wala naman ako sa posisyong magselos at magalit dahil wala rin lang mangyayari.. Naglakad na lang ako pababa ng building, at nakasalubong ko si Nick..

"Mag-usap tayo.."

Pumayag naman ako.. pumunta kami sa tambayan sa canteen at dun kami nag-usap,.

"Kung tungkol to kay Chloe, di ako titigil kasi mahal na maha----"

"Payag na ako.."  nagulat ako sa sinabi niya..

"Ano?"

"Bingi ka?! Payag na nga ako. Payag na akong ligawan mo ang kapatid ko.. Paulit ulit.."

"Salamat! Salamat talaga Nick, pangako kong di ko siya sasaktan.. at sigurado ako sa nararamdaman ko, mahal na mahal ko talaga ang kapatid mo.."

"Siguraduhin mo lang.. Pinayagan ko narin si Nathan, si Chloe na ang bahala kung sino man sa inyo ang sasagutin niya.. Siya na ang magdidesisyon.. Pero once na masaktan siya dahil sa inyong dalawa, malalagot kayo sa akin.. Maliwanag?!"

"Hinding hindi yun mangyayari.. Dahil gagawin ko ang lahat para maprotektahan siya.."

"Oh siya sige sige.."

Umalis na nga siya.. ako naman naiwan ditong pangiti-ngiti.. Ang saya saya ko ngayon..

LET'S SEE NATHANIEL HWANG, IF WHO WILL WIN CHLOE'S HEART..

"HUMANDA KA NA NATHAN.."

~TO BE CONTINUED..~

×O×O

MISS NERD MEETS THE GANGSTER HEARTHROBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon