Chap. 13: A BIG BIG PROBLEM!!

1.1K 54 1
                                    

Xander's POV

Hinatid ko na nga si Chloe sa bahay nila.. Ang saya saya ko ngayong gabi, di ako makapaniwala na nakasama ko siya kahit ilang saglit lang..

"Salamat Chloe.."

"Wala yun.. bawi ko na yun sa mga ginawa mo sa akin, tingin ko kulang pa nga yun ehh.."

"Hindi Chloe.. sobra sobra na.. kahit sandali lang naging masaya ako dahil sayo.. Salamat talaga.."

Tumango na lang siya at bumaba na ng kotse.. Binuksan ko naman yung bintana pagkababa niya at nagwave ako sa kanya.. nagwave back naman siya sa akin.. napasaya talaga ako ni Chloe, ang saya saya ko.. pero mas magiging buo lang ang pagiging masaya ko kung masabi ko sakanya lahat ng totoo.. na ako yung bestfriend niya nung bata kami.. Di pa ako handa, pero soon sasabihin ko na..

Nagdrive na nga ako pauwi ng bahay.. Pagkauwi ko, agad kong binagsak ang katawan ko sa kama.. Nakakapagod pero lahat ng pagod worth it naman, dahil nakasama ko yung taong Mahal na Mahal ko.. haaaaay!

"MAHAL NA MAHAL KITA CHLOE.." yan.. yan lang ngayon ang masasabi ko.. alam ng PUSO at ISIP ko na yang salitang yan ang gustong gusto kong ipagsigawan sa buong mundo..

Makatulog na nga..

AFTER 5 MINUTES . . . .

10 MINUTES

15 MINUTES

30 MINUTES

45 MINUTES

1 HOUR

3 HOURS..

12 AM na.. bakit mulat pa ako?! aish.. ganito na ba kalakas ang apekto sa akin ni Chloe.. haaay! natamaan na nga ako.. mahal ko siya ehh! patulugin mo naman ako Chloe.. -_-

Bumangon ako ng kama at pumunta sa CR dahil na-iihi na ako..

Pagbalik ko sa kama, ganun parin ang sitwasyon di ako makatulog.. haaay! ganito na nga siguro ako ngayong gabi, mulat magdamag.. hihintayin ko na lang mag 6 am para makaready na akong pumasok..

o_O

Chloe's POV

9 pm, I arrived at our house..

Pag bukas ko palang ng pinto..

"Kyaaaaaaaaah! Anak, anak! magkwento ka na dali.. ano na ?! ano?! sinagot mo na?! kayo na ba? nag-kiss na kayo?! buntis ka n-----" bago pa matapos si mama, nagsalita na ako..

"Ma!! pwede ba wag masyadong OA! di pa kami OK!? friends lang kami.. di pa ako handa dyan ehh.. mama naman, pagod ako pwede ba? magpapahinga na lang po ako.." umakyat na ako ng kwarto at humiga sa kama.. haaaay! grabe ang mga pangyayari ngayong gabi.. maitulog na nga..

ZzzZzzzzzzZzzzZzZzzZzzzZzzzZzzzzZzzzz

*Kriiiiiiiiiiiing!!*

Asdfdghfkgkllsh! nakakainis tong alarm clock na to! istorbo! parang 5 minutes lang ako nakatulog ehh.. aish! -_-

Bumangon na nga ako.. total no choice ako, monday ulit.. may pasok na naman.. aigooooo!

Pagbaba ko kumakain na si kuya.. san to galing? Isang gabing di siya natulog dito ehh..

"Kuya, san ka galing? Bakit di ka umuwi kagabi?"

"Dun lang sa bahay nila Zach. May party.." halatang nagsisinungaling si kuya.. kilalang kilala ko na siya..

MISS NERD MEETS THE GANGSTER HEARTHROBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon