Chap. 3: The Blue Dragon Gang

1.6K 63 0
                                    

Nathaniel's POV

*Riiiiiiiiiiiiiiing!*

Tunog yan ng bell.. swakas at break na, nakakaboring naman kasi ang pumasok at mag-aral lalo na't di ko kasama ang aking mga barkada ..

Dumiretso ako sa office ng school kung nasaan si Lolo gusto ko na kasing lumipat ng ibang section.. Section kung saan simula 1st year ako ay kasama ko ang aking mga kaibigan ..

"Lo, ilipat niyo ako ng section., gusto ko sa dati.. sa Section 12.." - sabi ko

"Apo, kaya kita inilipat sa Section 1 ay para may matutunan ka naman.." - sagot ni Lolo

"Ayoko! sa ayaw at sa gusto niyo bukas na bukas lilipat na ako ng section.. at yun ay sa Section 12! maliwanag?" - medyo pasigaw kong sumbat kay lolo

Tingin ko mapapasunod ko naman yung tandang yun.. psh! Makapunta na nga sa tambayan sa canteen at gutom na ako.. sigurado akong andun na yung mga ugok na yun ..

Naglakad na nga ako papuntang tambayan namin.. umukyat na ako dahil ang canteen ay may 2nd floor.. at ang floor na yun ay exclusively para sa Blue Dragon Gang.. wala pang nakakalapit na iba dyan maliban aa amin at sa mga gusto naming papasukin..

Pag pasok ko nakita ko na si Ace .. may kasama na namang babae at ang malala naghahalikan sila, aish! di na nagsawa.. Siya ang cassanova sa aming gang..

"Ehh-ehem! nakakaistorbo ata ako sa inyo.." - sabi ko..

Natigilan naman silang dalawa.. Ngiting ngiti naman itong si Ace.. g*go to..

"Hey! Kamusta brad? balita ko sa Section 1 ka? bakit di ka sa section natin..?" - tanong ni Ace

"Tch! kasi yung matandang yun ang may pakana ng mga ito.. pero sinisigurado kong bukas na bukas ay makakalipat na ako sa Section 12.." - sagot ko

"Okay bro.. nga pala, siya si Michelle.. date ko,." - pakilala niya sa babaeng kasama niya..

tch! babaero talaga tong si Ace.. araw araw may date..

"Date? dito pa talaga sa school ha? ang baduy mo bro.. haha" -sabi ko

"Pumunta kasi siya dito sa school para makita ako, di ba babe?" - sabay kindat niya kay Michelle..

Haaay naku! Teka nga asan yung iba?

"Ace, asan sila?" - tanong ko

"Aba malay ko.. bsta ako nag-eenjoy dito.." - sagot niya sabay halik ulit sa babae..

San kaya nagsusuot ang mga yun??

Xander's POV

Papunta na sana akong tambayan ng may narinig akong boses ng 3 babae na parang may inaaway at pinagtutulungan .. sinundan ko yung boses, at nakarating ako sa medyo madilim na part ng campus at halos walang pumupunta rito.. Teka sila na naman, ang 3 Bad Girls, lagi na lang silang napapaaway at laging ang nerd na to ang puntirya nila.. nasusubaybayan ko ang mga ginagawa nila lagi dito sa nerd na to, simula nung 1st year kami lagi siyang binubully kahit wala naman siyang ginagawa sa kanila..

naalala ko pa noong 1st year kami. . . .

FLASHBACK

First day of classes din noon.. wala pang mga kilala ang ilan sa amin.. dumating itong isang nerd na babae na siyang nakakuha ng atensyon ko at atensyon ng iba.. umupo siya sa may bandang likuran at parang nahihiya.. makalipas ang mahaba habang pagpapakilala, nalaman kong Chloe Han pala ang pangalan niya.. nang magrecess na, tumayo siya at parang nagmamadali.. pero napansin ko at ng marami ang red stain sa kanyang palda. mukhang may period siya pero tumawa ang marami.. nakita ko rin ang 3 bad girls na nagtatawanan sabay apir sa isa't-isa..

"Good job girls! hahaha" - Brittany

"Yes.. haha!" - sabi ng 2 pang alipores niya..

Tutulungan ko sana siya ngunit nakatakbo na siya palayo..

~ END OF FLASHBACK ~

Nakarinig ako ng masasakit na salita galing sa mga 3 Bad Girls na to na sinasabi nila kay Chloe..

"Malandi kang babae ka, ang kapal ng mukha mong landiin ang baby ko,.!!" - Brittany

"Oo nga.. tignan mo nga yang itsura mo, di ka nababagay sa kanya dahil ang mga gaya lang namin ang para sa kanya, at kami ang bagay sa kanya.. hindi ikaw! hindi ang tulad mong NERD!!" - dagdag pa ni Bianca

"Assuming ka masyado!!" - Bobbie sabay aktong sasampalin na si Chloe at napapikit na lang siya sa takot..

Di na ako nag-alinlangan pa lumabas na ako sa pinagtataguhan ko at sinangga ang kamay ni Bobbie na pasampal na kay Chloe.. halatang nagulat at nanlaki ang mga mata nung tatlo sa ginawa ko, dahil alam nila na miyembro ako ng Blue Dragon, at kung sino man ang bumangga o makilaban sa amin tiyak na malalagot..

"Wala kayong karapatan saktan siya..." - sabi ko sa kanilang tatlo..

Kumaripas ng takbo sina Brittany, Bianca, at Bobbie..

"Okay ka lang? sinaktan ka ba nila?" - tanong ko kay Chloe..

"Salamat.. okay lang ako.." - sagot niya..

"Wala yun.. Ako pala si Xander, ikaw?" - tanong ko..

"Ahhh-hmm. ako si Chloe.. salamat ulit .." - nahihiya niyang sabi..

Kahit alam ko na talaga ang pangalan niya tinanong ko parin para di niya isipin na matagal ko na siyang kilala ..

Ngumiti ako sa kanya at umalis na ako dahil pupunta pa ako ng tambayan..

Sa TAMBAYAN..

Nathaniel's POV

Asan na yung mga ugok na yun? tsss.. ang boring tuloy,.

Bumukas yung pinto dito sa tambayan, ayan na siguro sila.. Pumasok si Xander at mag-isa lang siya.. asan na yung 3?

"Xander, san ka galing?" - tanong ko

"Ahh nag-cr lang ako.." - sagot niya

Mukhang may di siya sinasabi sa akin..

"Asan yung 3 ugok?" - tanong ko ulit sa kanya

"Ewan." - tipid niyang sagot.. kahit kelan tahimik talaga ng isang to, misteryoso tuloy ang tingin ko sa kanya.. parang marami siyang sinisekreto sa akin at sa Blue Dragon Gang..

Di nagtagal dumating na nga yung 3 ugok..

"Yo man!" - yan si Kurt ang pinakabata sa lahat kahit magkakayear kami, siya parin ang pinakabata sa aming 6 ..

"San kayo galing?" - tanong ko..

"Wala lang.. " - si Zach yan.. ganyan ganyan siya pero di niyo alam player po yan ..

"Kanina ka pa ba dito? at mukhang bored na bored ka.. tignan mo yang si Ace enjoy dyan sa babae niya.. haha" - si Nick yan. pinakamatanda sa aming anim. Ako ang leader ng gang pero hinihingi ko rin ang opinion nitong si Nick, dahil siya ang pinakamatanda . magbigay galang sa mga matatanda.. hahaha..

Ayon at kompleto na naman kaming anim, ang BLUE DRAGON GANG ..

TO BE CONTINUED ..

MISS NERD MEETS THE GANGSTER HEARTHROBWhere stories live. Discover now