Napatingin ako kay Pech na hanggang ngayon ay mahimbing na natutulog.

Napaisip tuloy ako tungkol sa sinabi sa akin ng kaibigan ko.

Paano kaya kung bumalik na si Pech sa tamang katinuan? Malalaman na lang niya na buntis na siya o di kaya naman ay mayroon na siyang anak.

Mayroon din siyang boyfriend na hindi ko talaga sigurado kung hiwalay na ba sila o hindi pa dahil noong isang araw ay aksidenteng nakita namin si Vince na boyfriend ni Pech malapit sa bazaar sa may terminal.

Paano na lang kung itakwil ako ni Pech? At paano kung ipapatay nga ako ni Senator Del Valle dahil sa ginawa ko sa anak niya?

Aaminin ko, mahal ko naman si Pech. Sobra, hindi naman ako magpapaka-baliw ng ganito kung hindi ko mahal si Pech.

Eh di, sana noon pa lang ay pinabayaan ko na si Pech sa kalye para hindi na gumulo ang buhay ko.

Wala naman akong pinagsisihan sa ginawa ko kay Pech.

Lahat naman iyon ay nagustuhan ko at gugustuhin ko para kay Pech.

"Hmmm..."

Bahagya akong napangiti nang marinig kong umuungol si Pech, mukhang malapit na siyang magising kaya pumunta na kaagad ako sa kusina at naghanda ng makakain niya.

Maswerte ako dahil mayroon akong kaibigan na katulad ni Allan at Peter, kung wala sila ay hindi ko na alam kung saan ako mapupunta.

Ilang saglit pa ay nakita ko na si Pech na naglalakad papalapit sa akin na may nangungunot na mga noo habang patingin-tingin sa paligid.

Mukhang nagtatakha siya marahil ay wala siya sa bahay ko.

Napangiti naman ako at pagkatapos ay mabilis siyang hinalikan sa pisngi niya, "Nandito tayo ngayon sa condo ni Peter, pinahiram niya tayo ng extra niyang condo."

Hindi na naman sumagot si Pech.

Ipinakita ko sa kanya ang result ng pregnancy test na inilagay ko kanina sa bulsa ko.

"Ito nga pala 'tung result, Pech.. Magkaka-baby na tayo!" Masayang sabi ko sabay hawak sa kanya.

Muli kong kinuha ang cellphone ko na nakapatong sa mesa at kinuhanan ng litrato ang nakangiting si Pech.

Gusto ko sanang i-upload sa facebook ang picture niyang iyon kaya lang ay ayoko namang pagkaguluhan kami ng mga tao.

Marami naman kasi talagang naghahanap kay Pech para sa malaking pabuya na mula kay Senator Del Valle.

Hinawakan ko ang kamay ni Pech, "Uhm, Pech... Mahal mo ba ako?"

Hehehe! Ang tip kasi sa akin ni Allan kanina pagkarating namin dito sa condo ay tanungin ko si Pech kung mahal niya ako habang hawak ko ang kamay niya, doon ko daw malalaman kung may pakiramdam ba talaga si Pech.

Ang sabi pa nga ni Allan ay kapag mas lalo pang hinawakan ni Pech ang kamay ko ang love daw talaga ako ni Pech, pero kapag ipinagtabuyan niya ang kamay ko ay hindi daw ako mahal ng Pechay ko.

Hindi naman masamang maniwala sa mga kaibigan ko lalo na kay Allan na magaling sa science.

"Ano Pech? Love me or hate me?" Nakangiting tanong ko pa sa kanya habang nakahawak sa kanang kamay niya.

Naghintay ako ng halos dalawang minuto pero nananatili pa rin siyang nakahawak sa kamay ko. Nakatingin din ako sa mukha niyang nakaka-inlove ng sobra pero wala naman iyong reaksyon.

Hanggang sa maramdaman kong unti-unting tinanggal ni Pech ang pagkakahawak ko sa kanya na halos ikabagsak naman ng balikat ko.

Muli akong napabuntong-hininga at tinignan ang mga pagkaing inihanda ko para sa kanya, "Kain ka na?" Aya ko pa sa kanya.

Napangiti naman ako at napahinga ng maluwag nang makita ko siyang kinakain ang mga pinaghirapan kong lutuin kanina.

Siguro nga hindi pa ito ang tamang oras para mahalin din ako ni Pech. Sabi nga sa isang sikat na movie at ilang beses ko na ring nabasa sa internet, love takes time.

Kaya naman kinuha ko ang cellphone ko at saka nag-status, naka-tagged din si Allan at Peter sa status ko.

Feeling hopeful.

#Lovetakestime

Pagkatapos kong mag-facebook ay tumitig lamang ako sa maamong mukha ni Pech. Napakagat pa ako sa ibabang labi ko dahil pilit kong pinipigilan ang pag-iyak.

Siguro nga mababaw ang luha ko. Sa amin kasing magkakaibigan ay ako talaga ang laging inaasar ni Allan at Peter na iyakin.

Napatingin naman sa akin si Pech kaya agad kong pinunasan ang pisngi ko at ngumiti sa kanya, "Kain ka pa... Masasarap iyan." Malambing na sabi ko sa kanya.

Ito nga siguro ang nagagawa ng pag-ibig.

His Name Is HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon