Chapter 3

9.6K 296 6
                                    

Chapter 3

Habang nasa klase ay nag-iisip si Lira ng plano kung  paano hindi makakapunta si Eliza sa bahay nila. Maraming pumapasok na idea sa kanyang utak kaya naman hindi siya makapag-concentrate sa mga lecture ng professor nila. Hanggang sa natapos na ang klase ay wala man lang siyang natutunan.

"Pupuntahan mo pa ba siya? Gusto ko nang umuwi, eh." Maktol ni Lira habang sinusundan si Vladimir.

"Hindi ba ang sabi ko sa 'yo ay tawagan mo si Mang Juan para sunduin ka?" Inis na sabi nito nang humarap sa kanya.

"Hmp! Bakit pa? Eh, sabi ni Ate Angela ay dapat sabay tayong umuwi."

Napangisi si Vladimir. "Well, Im sorry, Lira pero ang sabi sa 'kin ni Ate ay dalhin ko si Eliza sa bahay, anong magagawa mo? Gusto niyang makita si Eliza?"

Napatirik ng mata si Lira. "Ano mo ba 'yang Eliza na iyan? Girlfriend mo ba siya para dalhin sa bahay?"

"My soon to be girlfriend."

"Why she? Why not me? Bakit ba hindi mo ako magustuhan?" bulyaw ng dalaga kay Vladimir. At dahil malakas ang boses niya ay nakakuha sila ng atensyon sa mga kasabayang estudyante.

Nakuyom ni Vladimir ang kamai. "Dahil dyan sa ugali mo!" Mahina pero pagigil niyang sabi saka nag-martsa palayo.

"Hey! Saan ka pupunta?" Agad ay sumunod siya sa binata.

Binilisan ni Vladimir ang paglakad kaya naman ay halos patakbo na rin ang lakad ni Lira para maabutan ito. Dahil sa paghabol niya sa binata ay natipalok siya. Three inchess heels kasi ang gamit niyang sapatos kaya natipalok siya.

"Ouch! Vladimir! Please help me..."

Napalingon ito sa kanya. Napipilitan na nilapitan siya nito. "Ano ba ang nangyari?" Inis na tanong nito.

"Ikaw kasi, eh! Ang bilis mong maglakad!" Naiiyak niyang sabi dahil sa paa niyang nalamog.

Pero ang totoo ay arte niya lang iyon para may dahilan ito na hindi siya iwan at para hindi nito mapuntahan si Eliza.

"Hindi naman namamaga, eh" sabi ni Vladimir matapos sipatin ang kanyang paa. "Huwag ka nang umiyak." Pagkuway binuhat siya nito at iniupo sa bench na naroon.

"Masakit, eh..." patuloy pa rin si Lira sa pag-arte kahit ang OA na ng dating.

Napailing na lang si Vladimir habang pasulyap-sulyap sa dalaga. "Pahiram ng cellphone mo. Tatawagan natin si Mang Juan para sunduin tayo."

"Sige..."

Agad ay kinuha ni Vladimir ang cellphone at ini-dial ang number ng driver nila pero hindi nito ma-contact. Ilang ulit pa itong nag-redial pero wala talaga kaya naman si Anthony na lang ang tinawagan nito.

"Mamaya parating na ang Kuya mo," sabi nito matapos ibalik ang kanyanh cell phone.

Napatango na lang si Lira habang lihim na nagdidiwang dahil hindi na matutuloy ang pagkikita nila ni Eliza. Naisip niya na siguro ay kinakampihan siya ng langit kaya kahit hindi naman talaga masakit ang paa niya ay napaniwala siya si Vladimir.

"Kakargahin na lang kita," saka nag-position si Vladimir ng pa-piggy ride.

"Ha? Paano?"

"Sumampa ka sa likod ko. Doon na lang tayo maghintay sa labas para hindi mahirapan si Kuya Anthony na hanapin tayo."

Napatango na lang si Lira pagkuway sumampa na sa likod ng binata.

Actually, first time niyang gagawin ito, kaya medyo atubili pa siyang gawin iyon pero kung si Vladimir ang kakarga sa kanya then much better!

Tattoed in my HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon