Chapter 4

9.1K 285 5
                                    

Chapter 4

"Yes! The long wait is over..." sabi ni Lira habang nakatingin kay Vladimir na walang kaayusang nakahiga sa kama.

Naroon siya sa silid nito. Sinundan niya ito kanina habang pasuray-suray na naglalakad. Uminom kasi ito kasama nina Anthony, Leandro at Stanley. Niyaya kasi ng mga lalaki ang binata, napasubo kaya hindi na nito namalayan nakaubos na pala sila ng isang case ng beer.

Actually, wala sa plano niya ang drinking session na iyon. Dahil ang gusto sana niyang mangyari ay akitin si Vladimir, nakaisip na nga siya ng mga seducing tactics na gagawin. Kaya nga isinuot na niya ang kanyang seductive red nighties na kita ang kanyang cleavage at mapuputing hita. Napakanipis din niyon na halos ay hindi na naitago ang katawan niya.

Sayang, hindi mo man lang makikita itong suot ko.

Pero nangyari na, wala na siyang magagawa.

Anyway, mukha namang pabor sa kanya ang sitwasyon. Come to think of it, kung lango si Vladimir sa alak may possiblity na lutang ang utak nito kaya puwede siyang mag-intact ng memory rito na para sa binata ay panaginip lang.

Sa naisip ay napangiti siya. Sumampa na siya sa kama ni Vladimir, pinakatitigan niya ito pagkuway hinaplos ang pisngi.

"Hi, Vlady... Gumising ka na..."

Nagpatuloy siya sa ginagawa at nang magsawa ay nilapit niya ang mukha rito. Inilapat niya ang labi nito.

It was only a smack kiss. Napangiti siya.

Vladimir was her first kiss. Yes. Marami na siyang naka-relasyon pero hindi niya hinayaan na halikan siya ng mga ito. Hanggang holding hands lang ang kaya niyang ibigay.

"Hindi mo ba iyon naramdaman? Sobra ba ang pagkalasing mo?" Malambing niyang sabi saka hinaplos ang pisngi nito.

Mayamaya ay biglang naalimpungatan si Vladimir. Bigla itong bumangon at tumitig sa dalaga. Napalayo agad si Lira dahil sa gulat dito.

"B-bakit?" tanong niya pero imbis na sumagot ay hinapit siya nito pahiga sa kama.

And he kissed her tenderly. Ni hindi man lang nakapalag ang dalaga nang gawin iyon ni Vladimir. Pero bakit naman siya papalag? Ito ang gusto niyang mangyari.

Kaya naman nang maramdaman niya ang kagustuhan ng binata na palalimin ang halik ay kusa niyang ibinuka ang bibig at ginanti ang halik nito kahit hindi niya alam kung paano. Nalunod na siya sa halik na iyon kaya hindi na niya pansin ang mga kamay nito na humahaplos sa dibdib niya.

And then his lips went on her neck. Slowly biting and licking it.

Napaungol na lang siya sa kakaibang kiliti na nararamdaman niya. Hindi naman bago sa kanya ang mga ito dahil napapanood niya ang mga ganitong eksena sa mga romantic films.

Yeah. This is the right thing to do. Tayo ang para sa isa't isa... bulong niya saka hinanda na ang sarili para sa mas intimate scene na mangyayari.

Pero biglang huminto ang binata at tinitigan siya. Bigla ay natakot si Lira dahil baka gising na ang diwa nito at kapag nangyari iyon ay masisira ang kanyang plano. Dagli ay nag-isip siya ng paraan.

Kung sakaling gising na ito, siguradong magagalit ito at palalayasin sa kwartong ito. So, kapag nangyari iyon ay sisigaw siya ng "rape" and voila! Makakakuha siya ng atensyon mula sa labas at mahuhuli sila ng mga kuya niya and for sure, pipilitin ni Anthony si Vladimir na pakasalan siya.

She smiled. Brilliant idea!

Wala siyang pakialam kung maging shot gun wedding ang mangyayari ang mahalaga ay maikasal siya kay Vladimir.

Tattoed in my HeartWhere stories live. Discover now