Prologue

16.9K 427 4
                                    

Prologue

Magarbong handaan ang hinanda ni Angela para sa kapatid na si Vladimir nang umuwi ito sa San Lorenzo.

Graduate na kasi si Vladimir sa kursong Political Science, of course with honor. He was the magna cum laude of there batch.

"Congrat's Vladmir. Proud ako sayo." Masayang sabi ni Angela sabay yakap sa kanya.

"Thank you, Ate. Sayang at wala ka kanina para sabitan ako ng medal dahil buntis ka pero okay lang..." may fondness na tumitig siya sa mukha ng kapatid, kahit pitong taon na ang lumipas ay hindi pa rin nabawasan ang ganda nito.

"Sorry for that Vladimir. Malapit na kasi ang kabuwanan niya. Anyway, ang Ate mo naman ang naghanda ng mga ito para sa 'yo..." sabi ni Anthony, asawa ito ng kanyang kapatid. Kahit ito rin ay wala rin pinagbago, para ngang pinatikas ng panahon ang anyo nito. "By the way, I am very proud of you also."

"Thank you, Kuya..." medyo nahihiya niyang sabi.

Hindi dahil naiilang siya rito kundi dahil sa nangyari sa kanila ng bunso nitong kapatid na si Lira.

That was six years ago...

"Hi Tito! We are also proud of you!" Sabay na sabi ng kambal na sina Alwin at Alquen. Anak ito nina Angela at Anthony.

"Thank you, kids. Did you missed Tito?" Nagsitanguan naman ang mga bata. "Don't worry, guys, dito muna ako mananatili para makapaglaro tayo araw-araw, okay?"

"Yehey!" tuwang sabi ng kambal.

"Okay. That's enough. Your Tito Vlady is hungry na." Sabi ni Angela sa mga anak.

"Hey bumalik ka na pala..."

Napalingon silang lahat sa pinagmulan ng boses.

"Lira!" Agad ay tumayo si Anthony at sinalubong ang kapatid. "We did'nt expect na darating ka."

"I'd like to surprise everyone, especially Vladimir." Lumapit ito sa kanya. "Hey congrats ha?"

"Thank you."

"Thank you lang?"

"Lira huwag mo na siyang kulitin okay?" Saway ni Anthony sa kapatid.

Tumigil naman ito at tumabi kay Vladimir.

Nagkatinginan naman si Angela at Anthony. Alam kasi ng mga ito na naging mhairap ang sitwasyon nilang dalawa noong nagsasama pa bilang mag asawa. Yeah, naging mag-asawa sila at ngayon lang sila ulit nagkita ni Lira after six years. Damn!

Matapos kumain ay nagpunta si Vladimir sa veranda. Doon ay lumaghap siya nang sariwang hangin.

"Bakit ba palagi mo akong iniiwasan?" tanong ni Lira nang makita si Vladimir sa veranda.

Napalingon si Vladimir. Hindi na siya nagulat nang sundan siya nito. "Why not ask your self?" Sa halip ay sagot niya kay Lira.

"Why me?"

Marahas na napabuntong-hininga ang binata pagkuway akmang aalis na pero pinigilan siya ni Lira.

"Ano pa bang gusto mo? Pinirmahan ko na ang anullment papers 'di ba? Kahit na... kahit na mahal pa rin kita..."

Agad na dumaloy ang masaya pero mapait na nakaraan sa kanila ni Vladimir...

Tattoed in my HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon