Chapter 2

10.5K 311 3
                                    

Chapter 2

Nakakaasar talaga ang babaeng iyon! inis na bulong ni Vladimir sa sarili habang sakay ng jeep.

Naaasar siya dahil hanggang ngayon ay hindi niya mapigilan ang sarili sa mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Hindi man niya aminin ng literal ay talagang naapektuhan siya sa yakap nito. Lalo at sa ayos na iyon na dalaga kanina. Pakiramdam niya ay nakadikit pa rin ang init at bango ni Lira sa kanyang katawan.

Pero alam niyang imposibleng pag-ibig iyon.

Siguro ay naakit lang talaga siya dahil isa siyang nomal na lalaki na kapag nakakita na isang magandang babae ay mag-iinit ang katawan at hindi siya isang tuod para hindi maakit lalo at napakaganda naman talaga ni Lira.

Aminado siyang nagagandahan sa dalaga. Maganda ang mukha, makinis, maganda ang katawan at mapang-akit ang mga mata sa tuwing tumititig sa kanya. Alam niyang inaakit siya nito sa pamamagitan ng mga titig pero iniignora lang niya ito.

Kung sa ibang lalaki siguro nito gingawa iyon malamang na matutuwa ang mga iyon sa atensyon na binibigay ng dalaga, kung may pagkakataon lang ang mga lalaking iyon ay matagal na nilang sinunggaban si Lira.

At kung siya ay magkukuwento na siya ang maswerte na lalaki na kinukulit nito ay siguradong maiinggit ang mga iyon sa kanya. Pero hindi niya gagawin iyon dahil kabaligtaran ni Lira ang tipo niyang babae.

Pero dahil siya ngayon ang apple of the eye ni Lira ay pinipigilan niya ang sarili dahil alam niya na kapag kinunsinti niya ang sarili ay para ng linta na didikit sa kanya si Lira at iyon ang ayaw niyang mangyari.

Para mawala na ang asar niya kay Lira ay makikinig na lang siya ng music. Saktong ilalagay na niya ang earpnone sa tainga niya nang may makita siya. Tinitigan niya muna nang maigi iyon habang mabagal pa ang takbo ng jeep.

"Eliza..." sabi niya nang makilala ang babae.

Kaya bago pa man bumilis ang takbo ng sasakyan ay bumaba na siya para maabutan ang babae.

"Eliza! Eliza!" tawag niya sa babae.

Agad namang lumingon ang babae. Nagtama ang mga mata nila.

"Eliza, kumusta ka na?" tanong niya dito nang makalapit na siya.

"Vladimir?" naninigurong tanong nito.

"Oo! Iyong niligtas mo noon?"

Nangunot ang noo ni Eliza na para bang may pilit na inaalala.

"Ah! Oo! Naaalala ko na!" Napangiti na lang si Eliza. "Kumusta ka na? Hindi na kita nadalaw kasi kinuha ka na ng mga kamag-anak mo noon."

"Okay na ako, salamat pala sa pag-aalalaga mo sa akin noon." Sabi niya habang titig na titig sa mukha nito.

Tatlong taon na ang nakalipas mula nang maaksidente siya. Noon kasi ay may mga lalaking humahabol sa kanila ni Angela, sa pamumuno iyon ni Don Hernan na gustong asawahin ang kapatid niya pero hindi siya pumayag kaya hinabol sila at pinagbabaril. Mabuti na lang at nakaligtas sila. Si Eliza ang nakakita sa kanya na halos mag-agaw buhay, niligtas siya nito. Anyway, hindi pa rin nagbago ang hitsura ni Eliza, mas lalo itong gumanda kahit na napakasimple lang ng suot nito.

"Saan ka nga pala pupunta? Samahan na kita para makapagkwentuhan tayo." Mayamaya ay sabi niya.

"May trabaho pa ako ngayon, eh."

"Parehas pala tayo. Anyway, kunin ko na lang number mo. Okay lang ba?"

Napaisip si Eliza. "Sige..." at isang kiming ngumiti ito sa kanya.

_____

Hanggang sa pag-uwi ay baon pa rin ni Vladimir ang masayang pakiramdam na iyon. That feeling when your see your crush. That everybody called "kilig."

Tattoed in my HeartWhere stories live. Discover now