*KKkkkkssssssss*

Tunog iyon na nagmumula sa kung ano mang nilalang iyon. Dalawang hakbang na lang ang layo nito sa akin.

Hindi ako makagalaw. Maging si Mamang ay animo'y naging istatwa na sa sobrang takot.

"Huuuwagggg! Huwaaaggg!" sigaw ni Mamang nang bigla na lamang siyang hinablot ng...aswang.

Nang dahil doon ay napalingon na ako at tuluyan nang humarap sa kinaroroonan nito. Nilingkis nito ang leeg ni Mamang na ngayon ay nakatingin lang sa akin. "H-helga...t-tulungan mo ako!" Pinipilit niya akong abutin pero habang ginagawa niya iyon ay unti-unti naman siyang inilalayo ng Aswang.

Napaisip ako sandali kung bakit hindi ako ang hinablot gayong ako ang Tudlaan at di hamak na ako ang mas malapit sa rito. Noon ko na naalala ang suot kong kwintas na may pangit na itim na batong nagsisilbing palawit.

"Helga! Mamang!" sigaw ni Jason mula sa malayo. Humahangos siya kasunod ang Papang at ang Ate Jenny.

Napalingon ako maging ang Aswang na mas lalo namang hinigpitan ang pagkakahawak kay Mamang. Akmang lilipad na sana ang aswang kasama si Mamang dahil sa pagdating ni Jason pero...

"H-Huwag! Pakawalan mo siya...pakiusap," umiiyak na sabi ko habang sumusulyap-sulyap kay Mamang na umiiyak na rin. Tinatawag niya ang aking pangalan. "K-Kung gusto mo, ako na lang dalhin mo," sabay abot ko sa rito ng aking dalawang kamay. "Pakawalan mo siya, ako na lang ang dalhin mo..."

Mukha namang naiintindihan ako ng aswang kaya naman nang natanaw na niyang malapit na malapit na si Jason, pinakawalan na niya si Mamang, hinablot ako, at saka mabilis na inilipad sa ere.

"Helgaaa!" Nakatingin ako sa ibaba habang pumapailanlang ako paitaas. Natanaw kong lumupagi na si Jason sa pag-iyak. Maging si Mamang, Papang at Ate Jenny ay umiiyak na rin habang pawang mga nakatingala lang lahat sa akin.

Pinilit kong huwag lingunin o tingnan man lang ang nilalang na may bitbit sa akin. Nakakatakot kasi ang itsura nito. Ang laki ng kanyang pakpak na parang sa paniki? At ang itim ng kanyang balat na medyo makintab.

Tiningnan ko lang ang dako nina Jason hanggang sa maging kasingliit na lang sila ng tuldok sa aking paningin.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2013, All rights reserved.

Blangko ang aking isip at tila ba namanhid ang buong katawan ko. Ganito pala ang pakiramdam ng lumilipad. Subalit hindi ko naman pinangarap lumipad sa ganitong paraan kasama ang pangit na nilalang na ito.

Katapusan ko na. Ito yata talaga siguro ang kapalaran ko─ang maging Tudlaan o di kaya naman ay ang maging hapunan ng mga Aswang.

Nami-miss ko na agad si Jason. Paano na kaya siya ngayong wala na ako? Mabilis kaya niya akong mapapalitan? Mas maganda kaya ang ipapalit niya sa akin?

Nyaahhh!

Owshet! Ang slow ko talaga dahil ngayon pa lang nagsi-sink in sa akin na...

Nadagit na nga ako ng Aswang...

Waahhh.

Nadagit ako ng Aswang! Shet!

Waahhh.

Ang pangit niya! Shet!

Waahhh.

"Hoy pangit! Nalulula na ako! Saan mo ba ako dadalhin?" Nakuha ko pang mamula, pampalubag-loob sa kamalasang inabot ko.

*Kkkksssssskkkkkssssss*

"Anong Kssskksss? Wala ako kasabot, dung! Hindi ka ba marunong mag-Tagalog? Eh mag-English? Eh mag-Cebuano? Kapampangan? Waray? Ilocano? Bicolano? Hiligaynon? Sige na, dung, salita na uy! Aaayyy!"

Ang Pag-ibig ng Aswang [PUBLISHED]Where stories live. Discover now