The two became friends, bagay na minsan ay pinagseselosan n'ya dahil si Cherry na lang lagi ang bukambibig ng binata. Pero nang aminin nito na in love ito sa dalaga ay wala na siyang hinangad kundi ang kaligayahan nito. But the thing was, alanganin si Gelo na isugal ang nararamdaman nito, sa takot na masira pati ang friendship na iniingatan nito.

PAGDATING ng Lunes ay nadatnan ni Deejay si Gelo na lugong-lugo.

"Utang na loob. Maghapon ay puro dugo, ebak at ihi na ang kaharap ko, pag-uwi ko ay mukhang lantang bulate pa ang dadatnan ko? What happened to us, being young and alive and happy?"

"She's gone."

"Gone? As in dead?!"

"Sila na ni Karlo. Nag-date sila kagabi at sinagot na niya ang lalaking iyon."

Nanlambot din siya sa narinig. Gusto man niyang sisihin si Gelo sa pagiging makupad nito ay nanahimik na lang siya. Her best friend needed comfort right now.

"I'm sorry, Gelo." Umupo siya sa tabi nito at isinandig ang ulo sa balikat nito. "Coffee crumble?" Alok niya dito.

Umiling ito.

"Dark chocolates?"

Umiling ulit ito.

Nasabi na niya lahat ng paborito nitong kainin pero hindi pa rin ito nagsalita. "Don't be such a baby. May darating pa na mas higit sa kanya."

"I'm in love with her."

"I know. Malay mo after a month lang ay ma-realize ng Cherry na 'yon na ikaw pala talaga ang lalaking para sa kanya. Malay mo-"

Bigla siyang nilingon ni Gelo. Nasa itsura nito na biglang may nag-pop up na brilliant idea sa utak nito. Talk about the genius, nerdy Gelo, lagi na ay may formula at solution ito sa bawat problem.

"Right! Kailangang ma-realize ni Cherry 'yon."

"Right!"

"Kailangang makita niya na nagkamali siya ng lalaking pinili."

"Right!"

"Sabi n'ya, Karlo is the perfect man, wala na raw siyang hahanapin pa dito. So, dapat ay makakita tayo ng flaws nito."

"Teka, kilala mo ba ang Karlo na 'yon?"

"Hindi. Sabi niya ay photographer daw 'yon at merong studio sa bayan, 'yong Snap Shots Digital Photography and Video Coverage. "
"Hmnn... Photographer. Meaning, sagana sa exposure. Malapit sa magagandang modelo at kung saan-saan nakakarating."

"Meaning, playboy!"

"Right!"

"Kailangang makahanap tayo ng ebidensya. Kung akitin mo kaya?"

"Ha? Ako? Bakit ako?"

"Ikaw lang ang mapagkakatiwalaan ko sa bagay na ito, Deejay."

"Mag-isip na lang tayo ng ibang paraan."

"'Yon na ang pinakamabisang paraan."

"Gelo, nalimutan mo na ba na virgin pa ako?" Tinitigan s'ya nito nang diretso. "Seryoso ako, sira ulo! Ipapain mo ako sa kung sinong impakto?"

"Hindi ko naman sinabing bumukaka ka, gaga! Aagawin mo lang si Karlo kay Cherry."

"What if in love talaga si Cherry sa Karlo na 'yon? Makakaya mo ba na masaktan siya dahil sa gagawin natin?"

"Imposible 'yon! She's only attracted to him. Kailan lang sila nagkakilala ng lalaking iyon, while we've known each other for two years now. Kami ang para sa isa't-isa, Deejay. I just can't let her go like that."

Napakamot siya ng baba. Mahal na mahal talaga ni Gelo si Cherry. Kung hindi ba naman ay hindi naman ito makakaisip ng ganito kadesperadong hakbang "I need a drink!"

Sa kakukulit ni Gelo ay napapayag din siya nito. Ano ba naman ang kaunting pabor na iyon para sa pinakamamahal niyang best friend?

SUMUNOD na day off ni Deejay sa ospital, kung saan ay isa siyang medtech, ay sinadya niya ang studio ng Karlo na ito.

"Miss, nandiyan ba si Karlo?"

Nag-angat ng tingin ang babaeng nasa likod ng counter. "May sadya po kayo sa kanya?"

"Gusto ko sanang magpa-pictorial. Ni-recommend siya ng friend ko."

Ngumiti ang babae. "Eh, wala po siya ngayon, Ma'am. Sunod-sunod po kasi ang mga events na iko-cover niya. Kung gusto n'yo po, nandito naman ang studio photographer namin."

"Ah, hindi. Siya talaga ang gusto ko. Sabi kasi ng friend ko ay magaling s'yang photographer."

"Ay, totoo po 'yon. Siya nga po ang kinuhang official photographer sa Party of Destiny."

"Ah, talaga? O siya, babalik na lang ako next week, ha? Salamat."

💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓

Hearts Never Lie (Party of Destiny, Hosted by Lolo Kupido book 3)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora