"Huwag ka nang magpalis ng luha, tuyo na naman ang iyong mukha" ani niya

Ngunit pinunasan ko parin. Tama siya, tuyo na nga ang aking mukha subalit ginawa ko parin.

"Anong ginagawa mo rito?" malamig kong sambit at akmang tatayo ngunit natigilan dahil pinabalik niya ako sa pagkaka-upo. Tumabi siya sa akin at naglahad ng kamay.

"I'm Nicholas"

Tinitigan ko muna ito bago inabot at nakipagkamayan.

"Eiccine Thea"

"Eiccine Thea? Parang narinig ko na iyan. Teka, ikaw yung babaeng magaling mag-..."

Hindi ko na siya pinatapos sa kaniyang sasabihin dahil parang alam ko na kung saan tutungo ang istorya.

"Oo, ako nga" sambit ko at tumayo

"Mauna na muna ako Nicholas, may aasikasuhin muna ako. Nice meeting you" tugon ko at ngumiti

"A-ah o-okay. Sayang naman at gusto kong makipag-usap sayo" ani Nicholas

"Maybe next time" sabi ko at tuluyan nang naglakad palayo.

Nang di na niya ako matanaw ay tuluyan na akong nainis sa aking sarili. Hindi ko alam kung ano ang meron sa akin, ngunit talagang ayaw ko ang kaniyang aura.

Kalauna'y dumating na ang aking sundo. Binati ako ng Mang Kanoy pero wala ako sa aking sarili na napatango na lang. Nalilito na ako kung ano ang uunahin kong isipin, ang umasang mapapagalitan na naman ako mamaya ni Mommy, siya na hanggang ngayon ay di ko pa maalis-alis ang kaniyang mukha, o ang frustration ko kay Nicholas na kanina ko lang nakita. Ewan ko ba kung bakit ang bigat ng aking dibdib. Samu't saring emosyon ang gustong kumawala pero hindi ko mailabas at wala akong mapagbuntungan. Isinandal ko na lang ang aking ulo sa may bintana ng aming sasakyan at pumikit.

Nakaidlip ako ng isang minuto kung kaya't ako'y naalimpungatan nang huminto ang sasakyan. Napatingin ako sa bintana. Nandito na pala ako.

Binuksan ko ang pinto ng aming sasakyan at naglakad papasok sa bahay. Nagulat naman si Mang Kanoy sa aking ginawa. Akala niya siguro'y tulog pa ako.

"Hindi ko muna kayo ginising Ma'am kasi para hong pagod kayo." pagpapaliwanag niya

"Ah okay lang po iyon Mang Kanoy, Salamat. Sige pasok na po ako" sabi ko at tuluyan nang pumasok sa bahay

"Eya!" maligayang bati ni Ate Sally

Hindi ko alam pero nung masilayan ko ang kaniyang ngiti biglang gumaan ang loob ko. Panandaliang nawala ang mga sakit na iniisip ko. Ang swerte ko parin pala, dahil kahit katulong lang namin siya atleast may isang tao parin ang nakakaintindi sa akin pagdating ko dito sa bahay

"Ate Sally" may ngiti kong tugon

"Nakahanda na ang hapunan. Baka nagugutom ka na?" tanong nito

Ah oo nga pala. Hindi ako nakapag snacks man lang kasi hindi ko naisipang kumain bago pumunta sa aking tambayan kaya ako ginugutom ngayon. Bigla akong napangiti ng todo.

"Ano po ang ulam Ate Sally?"

Mas lalong lumaki ang aking ngisi nang makita ang kaniyang tuwang-tuwa na ngiti.

"Paborito mo"

Bigla akong napatakbo ng mabilis patungo sa kusina. Excited ako dahil tamang-tama at gutom na gutom ako. Narinig ko naman ang tawa ni Ate Sally roon pero hindi ko na siya pinansin. Hindi ko naman kasi naramdaman ang gutom kasi nagdrama ako.

Nang marating ko ang kusina, ang kaninang excited kong diwa ay napalitan ng hiya at disappointment. Automatic na nawala ang gana ko kahit na wala namang laman ang aking tiyan.

"Sabi ko naman sayo, dahan-dahan lang dahil mayr-.." Hindi natapos ni Ate Sally ang kaniyang sasabihin dahil inunahan ko na siya.

"Busog pa pala ako Ate Sally. Akyat nalang po muna ako sa aking kuwarto"

Hindi ko na hinayaang tumutol pa sila dahil agad akong tumalikod at kumaripas ng takbo patungo sa aking silid.

Ano ang ginagawa niya rito?

Iyan ang naging laman ng aking utak nang ibabad ko ang aking sarili sa tubig. Ipinikit ko muna ang aking mga mata upang makapagpahinga. Maya-maya'y may kumatok sa aking kuwarto. Hindi naman ako sumagot ngunit narinig kong binuksan ang pinto at narinig ang boses ni Ate Sally.

"Eya?"

Hindi ako sumagot dahil gusto ko munang mapag-isa. Nagbabakasakali akong lumisan muna si Ate Sally ngunit may kumatok sa pinto ng banyo

"Nakaalis na sila Eya, kaya umahon ka na at magbihis. May dinala akong pagkain para sayo. Dito ka nalang kumain" ani Ate Sally ngunit di parin ako kumikibo.

"Naku, Eya. Siya pa rin ba ang laman ng puso mo hanggang ngayon? Tsk! Akala ko pa naman hindi na" dagdag niya pa.

"Maiwan muna kita. Batid kong gusto mo munang mapag-isa"

Narinig ko ang mga yapak na papalayo at narinig kong bumukas at sumara ang pinto. Umahon na ako sa tubig at nagbihis. Paglabas ko sa banyo, agad akong nagtungo sa aking kama. Nakita ko ang pagkaing inihanda sa akin ni Ate Sally at nanghihinayang ako na ngayon ay wala akong ganang kumain. Sayang at paborito ko pa naman sana ang kaldereta.

Magtataklob na sana ako ng kumot nang biglang nagbukas ulit ang pinto. Nagtulog-tulugan nalang muna ako upang hindi usisahin ni Ate Sally ngunit hindi niya ako pinapaniwalaan sa aling mga ikinikilos dahil kabisadong-kabisado na niya ang mga arte ko

Wala akong nagawa kundi ang harapin siya at ibahagi ang aking araw. Alam niya ang lahat lahat ng nangyayari sa akin. Kapag siya ang aking kausap, lahat ay detalyadong-detalyado. Siya ang taong naging malapit ko dito sa bahay.

"Hayaan mo nalang Eya. Alam mo namang hindi natuturuan kailanman ang ating mga puso. Kung kaya't hindi mo siya masisisi dahil umiibig lang din siya. Hindi nga lang sayo, kundi sa iba."

Hindi ko lang kasi maiwasang umasa sa kaniyang mga kilos. Alam ko namang sa lahat niya iyon ginagawa ngunit binibigyan ko ito ng halaga at kaakibat na hinala. Hindi ko maiwasang isipin na baka mahulog siya pagdating ng panahon.

"Ang kinaiinisan ko lang naman sa kaniya ay hindi siya marunong kumapit ng matagal sa isa Ate Sally. Kung mayroon mang babae ang napapalapit sa kaniya, agad na nahuhulog ang loob niya, kaya di ko maiwasang umasa." sabi ko kay Ate Sally na humihikbi

"Matulog ka na. Huwag ka nang umiyak, tama na iyan. Mamumugto ang iyong mga mata bukas. May pasok ka pa naman. Sige na magpahinga ka muna."

Tumango ako at sinimulan nang ipikit ang mga mata.

Siya, ang huli kong masisilayan kapag ako'y pumipikit at siya rin ang unang taong aking nasasalubong kapag ako'y gumigising.









"King of my Heart" by Taylor Swift (Reputation Album)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 16, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Switch of PatternsWhere stories live. Discover now