Siya
Is it me? Or everybody in this corner observes the same?
Ang mga kamay ng orasan ay tila isang pagong kung tumakbo. Lahat ng taong nandito ay walang ni isang ginagawa maliban nalang sa pagtutunganga. I'm done with my first report and I'm so proud that I ace it without my world spinning. Ang asignaturang iyon lamang ang tanging pumasok sa ikalawang araw ng klase.
Alas dos ng hapon, ay napagpasiyahan naming umuwi na lamang. Nagsimula akong magligpit ng gamit upang tuluyan nang lumisan pansamantala. Pansin kong may nakatitig ngunit ipinagsawalang-bahala ko ito. Nang matapos ay tuluyan na akong umalis.
Ang oras ngayon kung tutuusin, ay maagang-maaga pa sa normal lang na uwian araw-araw. Kung kaya't aking napag-isipang maglibang muna at palipasin ang mga minuto.
Naglakad ako patungo sa hardin ng pamantasan. Dito ako pumapalagi kapag bakante ang aking schedule. Umupo ako at pinagmasdan ang nakakalulang paligid. I like this place because it seems magical and refreshing. Hanggang kalauna'y ito ay naging aking tambayan.
Isinalpak ko ang aking headset sa dalawa kong tenga at umayos ng puwesto upang maging komportable. When I am satisfied of my position, I played and pick a song randomly.
I'm perfectly fine,
I live on my own
I made up on my mind,
I'm better off bein' alone
We met a few weeks ago
Now you try on callin' me, baby,
Like tryin' on clothes
Bigla akong napadilat sa kantang aking napili nang wala sa sarili.
Gosh Eya. Hanggang ngayon pa ba naman?
And all at once,
you are the one I have been waiting for
King of my heart, body and soul, ooh whoa
And all at once, you are all I want, I'll never let you go
King of my heart, body and soul, ooh whoa
"Miss?"
Biglang tumulo ang aking luha. Hindi yata nauubos ito, sapagkat halos araw-araw na akong umiiyak.
"Ano ba naman yan! Kainis ka naman Eya! Tanga ka parin ano?"
Pangaral ko sa aking sarili. Hindi ko parin maiwaglit sa aking sistema ang lalaking nagpatibok ng aking puso noong nasa ikapitong taon palang ako sa High School. Now, I am grade 11 and all I think about is him. When my mom scolded me, all I can do is to feel the pain of my mom's words and I also include my feelings for him.
How broke am I? Can anyone tell me?
Ipinukpok ko ang aking ulo upang matauhan din naman. Ewan ko ba kung bakit sa dinami-dami ng lalaki, siya pa ang napili ng puso ko. Ang dami ko na ngang problema, dumadagdag pa siya.
Ngunit hindi naman niya kasalanan eh. Hindi niya ako inutusang mahalin siya, pero bakit ang tanga ng pusong ito? Simpleng gesture niya lang ay iniisip kong may ibig sabihin ang lahat. Di ko parin maiwasang umasa. Umasa na maging kami sampung taon ang lili-.....
"Miss? Okay ka lang? Kanina ka pa umiiyak"
Naestatuwa ako sa aking puwesto nang makita ko ang tinutukoy ng mga kaklase ko. Hindi ko alam ang buo niyang pangalan ngunit kahit papaano'y alam ko ang kaniyang unang pangalan. Pupunasan ko sana ang luha ko ngunit nagsalita siya.
