Chapter 32

162 8 4
                                    

Athena's POV

Rosela..

"Ano naman to, Uno?" inis na tanong ko.

"She will be the one who holds the gems." sagot niya.

Tinaasan lang siya ng kilay ni Rosela, "At sa tingin mo susundin kita?! Damn you!" sigaw niya.

Hindi sumagot si Uno. Maya-maya, hinawakan ng isa sa mga tauhan niya ang bibig ng kapatid ko na pinipilit nilang buksan.

May kinuha siyang maliit na bote sa bulsa niya at ipinainom iyon sa kapatid ko.

"Pashnea ka Uno! Anong ginawa mo sa kapatid ko?!" sigaw ko.

"ROSELA!" rinig kong sigaw ng fiancè niya.

Hindi ko manlang napansin si Mikael na bihag din pala nila.

At ang masasabi ko lang, planadong planado nila ang pangingidnap sa dalawa.

"Now, wake up my lady." utos niya

Agad na bumangon si Rosela. Blangko lang ang mukha niya. At mukhang hindi na niya ako nakikilala.

Binitiwan naman siya ng hadezar kasabay naman ng pagbitaw nila kay Alpha Mikael.

"Rosela! Are you ok?" nag aalalang tanong nito.

"Mikael, don't." Daniel

Nagtatakang tinignan kami ng Alpha, "Why? My fiancè is in danger now! Tapos sasabihin mong wag ko siyang lapitan?!"

"Rosela is under his spell." sagot muli ni Daniel.

Nagtaka uli siya. Akmang lilingon na sana sa kakambal ko. Pero nakita nalang namin ang sarili niyang tumalsik papalayo.

Maluha-luha kong tinignan si Rosela. Parang bumalik ang dating aura niya noong unang beses kaming nagkita.

"Now, Rosela get the gems from your twin sister and kill them all." utos sa kanya ni Uno.

Humigpit bigla ang yakap sa akin ni Daniel. Pero bigla kaming hinawakan ng dalawang malalakas na hadezar at pilit kaming hiniwalay.

Inilayo nila sa akin si Daniel na nagwawala.

Shit! Bakit ba ito nangyayari sa akin?

Paano ko maliligtas ang mga kaharian na gustong makamit ang kapayapaan?

Mahigpit akong hinawakan ng hadezar at inilapit ako kay Rosela.

"Rosela, please wake up. Lumaban ka!" sigaw ko sa kanya.
I expected her to hurt me like what she did to her mate na ngayon ay nagpapahinga sa kweba but I'm wrong.

Tinignan niya lang ako at sinabing, "Let your mate crave for blood."

Sa hindi malamang dahilan, kusang gumalaw ang mga katawan ko gusto kong pigilan pero hindi ko magawa.

Nakaharap na ako ngayon kay Daniel na nanghihina narin.

Kung kanina buong katawan ko ang gumalaw, ngayon ang kaliwang kamay ko naman at agad na lumabas ang tatlong brilyante sa aking palad.

"A-Ano to?" tanong ko sa sarili.

May lumabas na kapangyarihan mula sa tatlo at tumama ito kay Daniel.

Anong tong nagawa ko?!

Nakahiga na ngayon si Daniel at walang malay. Agad siyang nilagyan ng posas sa mga kamay at paa.

Matapos ang ilang minuto, nagising na siya.

"Daniel! Thank God your--"

Nagulat nalang ako nang makitang pulang pula ang mga mata niya. Nakalabas ang matutulis niyang mga pangil.

He is thirsty.

Tumingin siya sa kwebang pinagtataguan ng iba pa naming mga kasama. At duda ko, naaamoy niya ang dugo nila.

"Daniel! Please don't!" sigaw ko.

Siya naman ngayon ang nakatingin sa akin na nauuhaw.

Naalala ko nung unang beses ko siyang pinainom ng dugo ko. As his mate, dugo ko ang maaaring makatanggal ng pagkauhaw niya.

"Pumili ka Athena. Ibibigay mo ba ang tatlong brilyante? O mamamatay ang mga kasamahan mo dahil sa pagkauhaw ng Hari ng mga bampira?" nakangising tanong ni Uno.

"Sige. Ibibigay ko na."

Ibinuka rin ni Rosela ang kaliwang palad niya at nalipat na sa kanya ang tatlong brilyante.

Naramdaman ko namang nanghina ako dahil sa unang pagkakahiwalay sa akin ni Amihan.

Anicka! Please hurry!

---

Sorry kung maikli itong Chapter. At sa Part 2 po masasagot ang lahat ng mga tanong niyo kung meron man. Hihihi. Enjoy Reading!

The Famous Girl has a Secret [COMPLETED]Where stories live. Discover now