Chapter 18: The History of Gems

207 8 0
                                    

Athena's POV

Ilang oras na ang nakalipas simula ng laban namin ni Adonis at gaya nga ng sinabi ko, natalo ko siya ng ganun kadali.

Flashback

Habang hinahabol ako ni Adonis, nakita ko mula sa malayo si Amihan.

Ginamit niya ang kapangyarihan niya para gumawa ng kamukha niya at ang clone niya ang gagawin kong pain laban kay Adonis.

Because I believe that when you love someone, he/she will be your strength and WEAKNESS.

Nang maitututok ko na ang espada ko sa clone ni Amihan ay ginamit ko naman ang ibang kapangyarihan ko para humina ang loob niya at hindi niya maramdaman ang paglapit ng totoong Amihan sa kanya.

At nangyari nga.

End of Flashback

"Hindi ko maimagine na tinulungan mo pa si Athena para lang matalo ang fafa mong si Adonis." Anicka

"Labag man sa loob ko, kailangan kong tulungan si Athena kahit ang kapalit ay masaktan si Adonis." Amihan

Tahimik naman na nakasandal sa puno si Daniel na nahuli kong nakatingin sa akin.

Umiwas ulit ako ng tingin dahil parang huhubaran na niya ako sa lalim ng titig niya.

Nakapalibot kami sa isang bonfire at si Adonis nalang ang hinihintay.

"So, what do you want to know then?"

Hindi namin napansin ang pagdating ni Adonis na naka indian seat narin gaya namin.

"All." maikling sagot ko.

He sighed at nagsalita, "The gems can transform themeselves just like humans but only here in the forest of Sapiro and Adamya. We can transform three times in a year. But, when we reach the limit we can't transform and waited for another 100 years." whoah, grabe pala ang mga brilyante. Mas makapangyarihan pa kaysa sa amin.

"Pero hindi rin habang buhay ay makakaya namin maging independent. We can't live without leading us because we created by Emre to help our masters in battle. And it is you, Princess Athena." this time si Amihan naman ang nagsalita.

"Once we get the other gems, hindi na ito maghihiwalay sa nagmamay ari sa kanila. Pero bago mo makuha ang isang brilyante, kailangan mong lampasan ang pagsubok na ibibigay ng mga brilyante sayo." dagdag pa niya.

"Pero sabi niyo, makakapag palit lang kayo ng anyo kapag nasa Sapiro at Adamya at kung apat kayong brilyante, paano naman yung isa?" Anicka

"Ang brilyante ng apoy ay may kakayahang magpalit din ng anyo kahit wala siya sa Sapiro o sa Adamya. Pero hindi gaya namin, isang beses lang niya kayang gawin yun." Adonis.

Nagtatagalog din pala tong brilyante na ito? Infairness, ok naman yung tagalog niya.

"Pero ang pagkakaalam ko, nasa puder siya ng Forbidden Kingdom? At kung hindi ako nagkakamali, mukhang ginamit siya ng mga ito para sundan kami sa mundo ng mga tao." sabi ko.

"Your right Princess. Those creatures used Andrea, the gem of fire to open the last portal without the permission of Emre. That is one of her greatest power." Adonis

"Kakampi din ba siya ng mga ito?" Ako

Sasagot na sana si Adonis pero naunahan na siya.

"No. Ginawa lang yun ni Andrea para hindi nila mahulaan na may propesiya na nakatakda sayo." Daniel

May alam siya?

"To be honest, nakaharap ko siya. Sumunod pala siya noon at ako talaga ang sinadya niyang kausapin. She warned us to be careful." nagulat kaming lahat sa sinabi niya.

"Bakit ngayon mo lang sinabi?" Anicka

"Naramdaman kong may nagmamasid sa atin habang nasa loob si Athena. Mabuti nalang at pinayagan tayong makapasok ni Adonis dito para masabi ko sa inyo ang tungkol kay Andrea." paliwanag ni Daniel tapos tumingin siya sa akin.

Bumibilis bigla ang tibok ng puso ko sa titig niya. Ano ba yan? Kinikilig na naman ba ako?

Maya-maya, hindi na siya nakatitig sa akin dahil nagsalita na naman si Adonis.

"Since you defeated me, Princess my power is now officially yours." sabi ni Adonis at tumingin naman siya kay Amihan.

Bigla silang naghawak kamay at lumiwanag ang kanilang mga katawan.

Bumalik ang kanilang anyo sa pagiging brilyante at lumulutang silang dalawa palapit sa akin.

Muli kong ibinuka ang mga palad ko at nagsimula na silang maglaho at pumasok sa loob ng palad ko.

Nanatili parin na may barrier ang gubat ng Sapiro kahit wala na dito si Adonis at gusto ko rin naman na protektahan ang gubat na nagsilbing tirahan niya.

"Tara na. Kailangan na nating pumunta sa Adamya." sabi ko kila Anicka at Daniel.

Habang naglalakad kami, napansin kong may humawak sa kamay ko. Napatingala naman ako sa kanya at nakita ko siyang nakangiti.

At sino ang humawak?

No other than King Daniel Templeton.

--

Next destination is Adamya! Keep reading guyss! :)

The Famous Girl has a Secret [COMPLETED]Where stories live. Discover now