*****

5.6K 79 3
                                    

"Uhm Excuse me, miss?"

Humarap sakin yung babae.

"Brett!?"

Napatayo siya bigla. Halata ang gulat sa kanyang mukha. Pero, pano niya nalaman yung pangalan ko?

"Ash?" ani nung isang babae

Napatingin ako kay Ash. Umiling lang ito. Mukhang nagtataka din siya pano nila nalaman ang pangalan namin.

"Sorry, pero have we met before?" tanong ko.

Nagkatinginan lang yung dalawang babae pero hindi nila ako sinagot.

"Bro, your face is all over the school. It's kinda hard not to notice. Brett Medina, right?" sagot ng kasama nilang lalaki.

Napatingin ako sa paligid. Nakasabit na pala yung posters ng buong Candriff  High Bastketball team sa bawat poste at nakahilera ito palibot sa Garden. Nakita ko yung samin ni Ash na magkatabi sa may bandang gitna. Buong pangalan naming lahat ang nakasulat sa may ibaba ng sari sarili naming poster.

"Oh, sorry! Uhm, let me personally introduce myself, I'm Brett. This is my friend Ashton." inabot ko ang kamay ko para makipag handshake at tinanggap niya naman ito.

"I'm Hunter."

Hindi mukhang Pilipino ang lalaking ito. Baka exchange student siguro.

"So are you guys exchange..."

Hindi ko pa natatapos ang tatanungin ko nang biglang may tumawag sa pangalan ko. Nakita kong palapit ang History teacher namin.

 "Mr. Medina, Mr. Lucas, Ms. Drucilla and Ms. Dravinia. I see you've finally come to talk about your unfinished term paper? Am I correct?"

Nagkatinginan kaming lima.

"Mr. Vallejo, Uhm..si Carmela po ang History partner ko." sagot ko.

Nilabas niya ang isang maliit na notebook at tinignan ito ng maigi.

"No, you're partners with Ms. Dravinia. Mr. Lucas is with Ms. Drucilla. You girls might've dropped early but you have managed to pass your first draft of your report."

Ha? pano nangyari iyon? This is the first time we've met?!

"Sir, are you sure about......"

"Mr. Medina, you're Captain of our school's varsity basketball team. Therefore, you are not allowed to get any grade lower than 85%. And as of now, you are at 77%! If you are not able to get  your qualifying grade, you will not be allowed to play basketball until next school year where you will have to retake my class. Do I make myself clear, Mr. Medina?"

SHIT!! Hindi pwede to mangyari!!

"Uh, Yes sir! Uhm, we were actually in the middle of talking about the report when you  showed up and humbly blessed us with your kind presence, Mr. Vallejo."

"Mr. Medina, you do realize that since she is not a student of this school anymore , you have to report it by yourself at the end of term, right? She can help you if she is willing to. But if not? like I said, you better start praying for a miracle. I suggest ngayon palang magsuot ka na ng knee pads at lumuhod papuntang Quiapo."

"Yes, sir! I understand."

"Good. Now if you'll excuse me, I have to compute all your grades."

Wala akong nagawa kundi tumingin kay Mr. Vallejo habang naglalakd siya palayo. Anak naman ng tokwa tong teacher ko oh! Hindi niya ko pwede ibagsak! Hindi ako pwedeng hindi maglaro! AAAAHHH!!"

"Brett!"

Luluhod na ba ko papuntang Quiapo? pano ko gagawin to?!

"Brett!"

Anong gagawin ko!?

"Brett!"

Hindi ko napansin na tinatawag ako ni Ashton kung hindi pa niya ko tinabig sa braso.

"Ano yun?"

"Bro, I don't know what's going on but you need her!"

Napatingin ako sa History partner ko. Hindi ko talaga alam pangalan niya!

"I'm really really really sorry for being a jerk pero, what's your name again?"

Nakatingin lang siya sakin. Ang weird parang kilala ko siya, hindi ko lang maalala kung san ko siya nakilala, lasing ba ko nun? oh baka may atraso ako sakanya!? wag naman sana!"

"BAAAAAAABE!!!"

Shit naman si Carmela napaka wrong timing!

"Babe! I was waiting for you to get back. I missed you!"

Bigla niya kong hinalikan sa harap nilang lahat. Wala talagang kahihiyan tong babaeng to. Kung hindi ko pa siya tinulak hindi titigil to.

Nakita ko nalang yung History partner ko nagwalk out. Galing talaga maka bastos tong si Carmela!

"Uy! Wait lang!" Hinabol ko siya at inabot ko ang balikat niya.

Tumingin lang siya sakin at walang sinasabi. Pinagmasdan ko ng maigi ang mukha niya habang nakatingin lang siya. Ang ganda niya, sobrang puti, mapula ang labi at makinis. Kung ganto kaganda tong babaeng to, imposibleng hindi ko siya napansin dahil bulag lang ang hindi makakapansin sa ganda niya!

"Bro, let her go. We have to go." ani ni Hunter

"Uh, wait lang, please kung galit ka sakin because I forgot your name, or may atraso ako sayo I'm so so so so sorry! Sobrang asshole ko!  But please, help me! kailangan ko ng tulong mo sa report and kung nasayo yung ibang research natin I really need them."

Hindi niya padin ako sinasagot. Grabe sobrang laki ba ng kasalanan ko sa babaeng to?

"Uhm, you don't remember my name?" tanong niya sakin

"I'm sorry. Pero siguro dahil sa stress andami kong nakakalimutan. Hindi ko talaga maalala na we ever met."

Wala nakong ibang masabi. Kahit palusot wala akong maisip!

"Oh. Uhm.."

"Let me make it up to you! I'll take you out to dinner . Let me at least try and make it up for being the worst person ever."

Bago pa siya makasagot hinila na siya ni Hunter. Tinignan niya ko bago siya tumalikod.

"Babe! ano ba!" sigaw ni Carmela

Pinagmasdan ko lang siya habang naglalakad siya palayo. AAAH! Pano nangyaring nakalimutan ko ang pangalan niya?! Hindi ko talaga siya matandaan!

My Girlfriend is a Hybrid (My first ever tagalog story!) *Ongoing*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon