*****

8.2K 231 220
                                    

Kinabukasan ay idinaos ang seremonya. Pagkatapos ay sinunog namin ang bangkay ni Amanda na simbolo ng karangalan para sa mga nasasawing mandirigma. 

Nanatili kami hanggang sa namatay na ang apoy at abo nalang ang natitira. Pinanuod namin kung pano dalin ng hangin ang mga abo ni Amanda patungo sa langit.

"Jonas, wala nakong ibang mapagkakatiwalaan pang makakapag ligtas kay Chlea. Pag dating ng oras, alam kong kakailanganin na siyang ilayo dito."

Tumingin sakin si Rodan nang biglang tumulo ang luha galing sa kaniyang mata.

"Hinihiling ko sayo, iligtas mo siya. Ikaw na ang bahala sakanya at ilayo mo siya dito. Ikaw nalang ang pag asa ko, Jonas." dagdag nito.

"Wag ka magsalita ng ganyan, Rodan. Magtatagumpay tayo sa digmaang to! Pinapangako ko sayo na mamamatay si Gardo! Wag ka mawalan ng pag asa!" 

"Jonas, ang gusto kong ipangako mo sakin ay kahit anong mangyari, ililigtas mo si Chlea. Yun lang ang mahihiling ko sayo."

Seryoso ang tingin ni Rodan sakin. Namumuo padin ang luha sa kaniyang mga mata kahit alam kong pinipilit niyang magpakatatag para sa aming lahat.

"Pangako gagawin ko lahat, Rodan. Proprotektahan ko siya hanggang sa kamatayan."

Ipinatong niya ang kaniyang kamay sa aking balikat. 

"Salamat." ani niya. 

Sa itsura niya, alam kong wala siyang balak sumuko kahit ikamatay niya ang digmaang ito. Sa tagal ng pagkakakilala ko sakaniya hindi pa ako nagkakamali sa pagkabasa sa kaniyang mga balak kahit hindi niya sabihin ito.  

Tunay na mandirigma ang aking kaibigan. Alam kong, ipaglalaban niya ang kalayaan naming lahat pati narin ang hustisya hindi lang para kay Amanda, kundi para sa bawat Lobo at Bampirang walang awang pinatay ni Gardo hanggang sa kabilang buhay.

My Girlfriend is a Hybrid (My first ever tagalog story!) *Ongoing*Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora