BS #12: MORNING SUPRISE

Start from the beginning
                                    

Lumabas muna si Eugene para raw kunin yung extra niyang damit sa kotse. Ako naman ay pumasok na sa kwarto ko at nagpalit na rin ng pajama. Terno kami ng pajama ni Reid. May tatak ng Lightning McQueen ang suot naming pareho. Kumuha ako ng dalawang unan at naglabas ng kumot para kay Eugene.Nang lumabas na ako ay nadatnan ko itong binubuksan ang pinto ng kwarto ni Reid. Nakabihis na rin ito ng puting t-shirt at boxer short.

Nag-iwas ako ng tingin dahil ngayon ko lang nakita ng ganito ang ayos ni Eugene. Narinig ko ang mahinang pagtawa niya bago pumasok sa kwarto ni Reid. Nahihiya akong napayuko para itago ang pamumula ng pisngi ko. Mukha akong teenager na ngayon lang nakakita ng hita ng lalaki. 

Pumasok ako sa kwarto. May munting liwanag na nanggagaling sa lampshade ni Reid. "Extra pillows."

Lumapit ito sa akin atsaka kinuha ang mga kumot at unan. "Salamat."

Inayos nito iyon sa gilid ni Reid. Kaya malaki ang kama nito ay dahil sobrang likot niyang matulog. Magigising nalang ako isang gabi ay nakahalik na ito sa sahig ng kwarto niya. Umupo ako sa gilid nito at hinalikan ito sa noo. Pinagmasdan ko ang natutulog niyang anyo, kamukhang-kamukha niya talaga ang tatay niya. Napansin kong yakap-yakap nito ang medyo may kalakihang teddy bear na bigay ni Eugene noon. Gumagaan talaga ang pakiramdam ko kapag nakikita ko ang anak ko na nasa tabi ko. 

Naramdaman kong may humawak sa balikat ko. Tinulak ako ni Eugene pahiga at nagpadala naman ako. Umusog ako para may space din siya sa gilid ko. Nakahiga ako sa braso niya at kapwa kami nakatingin sa kisame. Nilalaro ng kamay nito ang buhok ko.

I feel so safe. So damn safe.

Huminga ito ng malalim. "But oh, can't you see. That no matter what happens. Life goes on and on. So baby, just smile. Coz I'm always around you. And I'll make you see how beautiful. Life is for you and me."

Napangiti ako nang magsimula itong kumanta. Hindi ko alam na.. Wala pala siyang talent sa pagkanta. Kinagat ko ang ibabang labi ko. Although, alam ko na ginagawa lang niya iyon para pagaanin ang loob ko. Humarap ako sa kanya at saka niyakap ito sa tagliran.

Tinuloy niya ang pagkanta kahit na alam niyang wala siyang telent doon. "Take a little time baby. See the butterflies' colors. Listen to the birds that were sent. To sing for me and you. Can you feel me. This is such a wonderful place to be. Even if there is pain now. Everything will be all right. For as long as the world still turns. There will be night and day. Can you hear me. There's a rainbow always after the rain."

Natawa ako nang pumiyok ito sa bandang dulo. Binaba niya ang tingin sa akin at nahuli akong nakangiti. Hinaplos ng libreng kamay nito ang  baba ko. "Nakangiti ka na rin. Sa wakas." 

"Napag-isip-isip ko kasi. Mas malaki pa pala yung problema mo kaysa sakin." Biro ko rito.

"Sobra 'yun." Nagtawanan kami ni Eugene. Hindi ko napansing may isa pa nga pala kaming katabi.

"Ang ingay." Reklamo ng katabi namin. Napaharap ako sa gawi nito. Umikot ito para tumalikod.

"Oh!" Hindi ko naagapan ang pagkahulog ni Reid sa kama. Basta-basta nalang kasi itong umiikot. O kami lang talaga ni Eugene ang may kasalanan. Napabangon kami pareho ni Eugene at sumilip sa kinahulugan ni Reid.

"Naman, e!" Nagsimula na itong ngumawa. Mabilis kaming tumayo ni Eugene at nilapitan ang umiiyak kong anak. Hindi ko alam pero hindi matanggal ang ngiti sa labi ko. At ang may gawa ng ngiting iyon ay si Eugene.

Binuhat ni Eugene si Reid at inilagay sa ibabaw ng kama. Nasa magkabilang gilid kami nito. Hanggang sa makatulog muli siya. Dahan-dahan kong umalis sa tabi ni Reid. 

BROKEN STRINGS (COMPLETED)Where stories live. Discover now